Kabanata 22

9.2K 205 25
                                    

Linggo nang gabi kami naka uwi ni Seth from Regalla. Sa sobrang pagod ko ay hindi na ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos. Dare daretso lang ako sa kwarto habang inaabot ng mga katulong ko ang mga gamit ko.

I was awakened the next day about Barry's interview. Interview iyon nang sabado ng gabi at nireplay lang ulit ngayon. They're talking about his wedding and he looks very happy. Surprise guest pa niya ang fiancee niya.

Naka ngiti siyang sinalubong ito at hinalikan sa pisngi bago iginaya para maupo. My insides twists and bitterness was showered inside me. Lamporeber. Mag hihiwalay din naman kayo.

Inabala ko ang sarili ko sa trabaho buong araw at nang mag gabi ay magkasama muli kami ni Seth na mag bar na nagung gabi gabi na naging habit ko na muli. Wala naman si Barry. He didn't even bother to text or call just to check if I'm still alive. Wala.

Sabagay, he has the love of his life that he doesn't need trash like me. Stupid, Glyrel.

One night, I found myself inside the bar with Seth. Getting drunk and wanting to get wasted.

"Gly, stop that. Ano bang problema?" Sabi ni Seth at hinila palayo ang baso sa akin

Hindi ko siya pinansin at sinamaan lang siya ng tingin saka tinungga ang nasa bote. I heard him cussed.

Nginiwian ko lang siya at saka tumayo para pumuntang dance floor. Ang alam ko may party ngayon para kay Barry. I don't know what they call it pero ginagawa yon everytime bago ikasal ang lalaki.

Nagsayaw ako sa gitna. Letting myself get wasted with the music. I danced with everyone, even seducing them and backs out after. Hindi iilang beses na muntik makipag away si Seth dahil sa akin.

"I'll just go to the restroom." Paalam ko kay Seth na ngayon ay may kausap na babae.

"I'll walk you there." Aniya pero pinigilan ko agad siya then went straight to the restroom.

Pag pasok ay agad akong naghilamos. Ano naman kung ikakasal na siya? Ano naman ngayon? Bakit nga ba ako umaasa na tatalikuran niya ang kasal na yon kung ang dapat na kasal nga namin noon ay tinanggihan niya. It means he doesn't really like me that much to get married with me.

Marahas kong pinunasan ang luhang nasa pisngi ko. Stupid. Bakit ba ako umaasa? Dahil pinaasa niya ako! Bakit ganoon? Bakit kailangan niya pang iparamdam na mahalaga ako tapos itatapon na parang basura kapag andyan na ang legal niya? Bakit?

Napa hawak ako sa kaliwang bahagi ng dibdib ko. I can feel every thorn inside me. Sobrang sakit na ang hirap na halos huminga. Mabilis akong naghilamos at inayos ang sarili ko bago muling nag lagay ng make up.

Who cares about him getting married?

Nagpatuloy ako sa nightlife ko hanggang sa hindi ko na naiintindi ang kompanya that my dad had to go back working. I continued on modelling and workshops. Lumabas na ang unang cover na ginawa ko sa isang magazine cover at nasundan pa ng nasundan hanggang isang sexy magazine ang kumuha sa akin.

I resigned as the CEO of the company and my father was very disappointed pero wala siyang nagawa kundi ang mag take over ulit. He didn't ask anything about me. Hinayaan niya lang ako.

Barry never contacted me. Ganoon naman ata talaga. Kapag wala ka nang pakinabang sa ibang tao, itatapon ka na lang nila at kakalimutan basta basta.

"Bakit hindi ka na lang pumunta dito?" Tanong ni Tita Athena. Its been a month since she asked me to be one of her models.

Hindi ako makasagot sa kanya. Pumayag na ako ng isang beses na maging model niya pero nang binibigyan na ako ng kontrata ay hindi na ako makabalik pa. Isa pa, may kontrata na ako sa Moon Magic. Pumirma na ako at ayokong makasuhan ng breach of contract.

The Bachelor Series 2: The Affair (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon