Kabanata 1

19.1K 339 9
                                    

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Glyrel!" Ani Tito Achilles at nilingon ako

Napa tuwid agad ako nang upo, "Tito, hindi mo naman kailangan kasing pansinin 'yang report na yan. Hindi lang naman ako ang nahuli kanina eh."

Napahilamos nang mukha si Tito. He looks frustrated.

Gaya nang mga nakaraang mga araw, nahuli na naman ako nang mga Student Council kasama ang mga kaibigan na naninigarilyo sa likod nang school. Ang dami dami namin 'don pero talagang ako ang pinagiinitan. Calyx was there, too! Pero dahil anak ng vice gov, syempre, hindi isinusumbong.

"Glyrel naman! Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo! Ano na lang ang sasabihin ng Papa mo?" Ani Tito

Narinig ko ang halakhak ni Jill kaya naman siniko ko siya. Tumigil naman siya pero nanatili sa kanyang mukha ang pagngiti.

"Tito, 'wag mo na nga yan problemahin." Tumayo ako at yumakap kay Tito, "Saka, promise. Hindi na 'to mauulit."

Nilingon niya lang ako at napailing.

"Hindi na talaga yan mauulit." Natatawang saad ni Jill

Binato ko sya nang unan, "Syempre, magtatago na ako!"

Tinanggal ni Tito ang braso kong nakayakap sa kanyang braso, "Ewan ko sayo, Glyrel. Puro ka kalokohan. Kababae mong tao, naninigarilyo at nag iinom ka. Minsan naman nag ka-cutting class ka."

Ngumuso ako, "Mataas pa rin naman ang mga grades ko, Tito."

Lalo siyang napailing, "Aanhin mo ang magandang grades mo kung pangit naman ang records mo?"

Lalo akong napanguso at malakas na tawa ang ginawa ni Jill. Kanina pa 'to ah? Problema nito? Tawa ng tawa.

"Sigarilyo pa more." Pangaasar niya

Binalingan siya ni Tito at tinuro, "Isa ka pa, Jill. Imbes na libro ang hawak mo, cell phone 'yang inaatupag mo! Buti sana kung kasing tataas ng grado ni Glyrel 'yang mga grado mo. Kaso lahat pasang awa!"

Tumawa ako ng malakas, "Cell phone pa more!"

Nilingon ako ni Tito kaya naman agad akong napatigil sa pag tawa at nag iwas ng tingin. Ginulo ni Tito ang kanyang buhok bago iniwanan kami ni Jill sa sala. Nang marinig namin ang pagsara nang pintuan nang kwarto ni Tito ay s'yang sabay namin sa pagbunghalit ng tawa.

Tito Achilles is just two years older than me. Maaga akong nabuo kaya naman nang ipinanganak ni Lola si Tito after two years ay may apo na agad siya. Si Jill naman ay anak nang Tita ko sa pagkadalaga. Mas matanda lang ako sa kanya ng buwan.

Namatay si Mama after giving birth to me tapos si Papa naman ay abala sa pagaasikaso nang kompanya. Dapat ay si Tita Athena ang hahawak nang kompanya pero dahil wala siyang hilig doon at iba ang gusto niya, si Papa ang naatasang mag asikaso noon. Paminsan minsan naman ay tumutulong si Tito Achilles pero wala din siyang balak sa kompany kaya naiwanan na talaga ang lahat kay Papa.

At dahil abala nga si Papa, kay Tito ako naiwanan. Ayos lang naman sa'kin dahil halos parang magkabarkada na lang kami ni Tito. Mas close kami kesa kay Papa. Mas madami pa nga akong naikukwento sa kanya kesa sa sarili kong Ama.

Ngumuso si Jill, "Palibhasa, ang eighty-five na grade kay Tito Achi e, pasang awa kaya nilalait niya ako."

Natawa ako, "Well, yung ninety ko nga mababa pa sa kanya. We can't blame him."

Sa iisang school kami nag aaral ni Jill. Si Tito naman ay sa Regalla City Colleges. Pag naka graduate na kami ni Jill ay saka kami lahat lilipat nang Maynila. 'Yan talaga ang usapan namin. Dapat nga mauuna si Tito pero ayaw niya kaming iwanan dito.

The Bachelor Series 2: The Affair (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon