Where it All Started
~Elementary school
"Hoy, Bata! Ba't mag-isa ka lang kumakain dito? " tanong ng isang 7 years old na babae sa kanyang bagong kaklase.
"Mag-isa ka rin naman ah! Problema mo ba? And FYI hindi bata ang name ko" sagot naman nito sa kanya.
"Hindi ako mag-isa, humiwalay lang ako sa kanila, gulo nila eh. AND FYI, kung hindi bata ang pangalan mo, edi ano? " nakangiting tanong nung 7 years old girl at kinopya yung boses ng kanyang classmate na parang nang aasar.
"Sorry, but I don't talk to strangers" mataray na sabi ng bata habang naka cross-arms at nakataas ang kilay.
"I don't talk to strangers daw, pero kinausap naman ako kanina. Baliw ka rin eh no? "
"Anong sabi mo?! "
"Wala! Ang sabi ko Alyssa Valdez ang name ko. Ikaw, anong name mo? "
"Bakit ko sasabihin sayo, edi nalaman mo. Eh stranger ka nga diba?! " iritang sagot nung bata
Napakamot na lang ng ulo si Alyssa sa sagot ng classmate niya sa kanya at sinabing "Kaya ko nga sinabi ang name ko sayo, para di na ako stranger eh. Kulit mo naman"
"Sige na nga, saaabihin ko na ang namw ko. Dennise Michelle Lazaro. Oh, are you happy now? "
"Well, a little lang. Pero, ang haba ng name mo. Den na lang itatawag ko sayo ha? " sabi ni Alyssa kay Den.
"Ewan ko sayo. Bahala ka. Kakain pa ako" sagot naman ni Den at nag simula na ulit kumain.
"Ehem. Takaw. Ehem. " pag pepekeng ubo ni Alyssa
"What did you just say? " tanong ni Den habang nakataas ang kilay
Sungit talaga ng babaeng to isip-isip ni Aly
"Wala. Ang sabi ko, kumain ka lang diyan, di kita iiwan. Hihintayin kitang matapos" sagot ni Aly ng nakangiti at ipinagpatuloy na ang pagbabasa ng kanyang libro.
![](https://img.wattpad.com/cover/54016140-288-k131824.jpg)
BINABASA MO ANG
She Belongs To Me
FanfictionMeron akong Best friend at pinangakuan ko siya na babalik ako para sa kanya. Syempre, nalungkot siya nung nalaman niya na aalis na ako pati rin yung mga kaibigan ko. Kaya naman in-enjoy na lang namin yung kaunting araw na mag kakasama pa kami. ...