Special Day part II
Aly's POV
"Hey den? You alright?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami para bumili ng ticket sa gusto niyang panoodin na movie.
Di kase siya nag sasalita simula nung nangyare kanina sa mcdo eh.
"Yeah, its just... nasira ko na yung day natin kanina. Im sorry Ly." nakatungo niyang sabi sa'kin.
Kaya naman hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya gamit ang right hand ko at pinisil ito. Mukha tuloy isda si Den ngayon hahahaha.
"Den. Di pa tapos ang araw okay? Wag mo nang alalahanin yung nangyare kanina. Hanggat andito ako sa tabi mo di kita hahayaang masaktan. Smile ka na" at pagkasabi ko nun nginitian ko siya to let her know na everything's gonna be alright.
But...
I didn't expect na i-huhug niya ako. Kaya medyo ilang ako. Alam niyo naman ako diba di ako mahilig sa hug. Well, si Den naman yung yumakap kaya hayaan ko na lang. ☺️
After that bumili na kami ng tickets namin at syempre pop corn. Pumasok na kami sa loob at humanap ng pwedeng upuan. I told her na may kukunin lang ako sa kotse at babalik din ako kaagad. Pero bago ako umalis hinalikan ko muna siya sa ulo at nginitian. Kaya naman nag punta na ako sa parking lot.
Den's POV
Grabe yung nangyare kanina. Nalulungkot tuloy ako, sinira ko na agad yung araw namin ni Alyssa. 🙁
Parang nawala na tuloy sa mood si Ly huhuhu.
"Hey den? You alright?" tanong niya sakin.
"Yeah, its just... nasira ko na yung day natin kanina. Im sorry Ly" di ako tumingin sa kanya nung sinabi ko yun kase ayokong makita yung expression niya, kaya tumungo na lang ako.
Medyo nagulat naman ako nung hinakawan niya pisngi ko gamit ang right hand niya tas pinisil. Ang sama ko tuloy, i think i look like a fish. 😢
"Den. Di pa tapos ang araw okay? Wag mo nang alalahanin yung nangyare kanina. Hanggat andito ako sa tabi mo di kita hahayaang masaktan. Smile ka na" at nginitian naman niya ako.
Nakaka-touch naman yung sinabi niya. Sweet sweet talaga ng best friend ko kaya naman niyakap ko siya. I know she doesn't like hugs but i keep on hugging her hahaha di naman siya umaangal eh. Crush siguro ako HAHAHA assuming ko masyado, charot lang yon guys.
Nung asa loob na kami ng sinehan, sabi ni Ly may kukunin lang daw siya sa kotse. Di pa man ako pumapayag pero tumayo na siya at hinalikan ako sa ulo. Buti na lang medyo madilim dito kung hindi aasarin nanaman ako nun na crush ko siya kase namumula ako.
Ewan ko din ba kung bakit ako namumula. Asar naman kase ehhh. Beket nemen gente? HAHAHAHA ano ba?! Wag nga kayo. Kalma lang Den.
Pati si Ly asar din, iwan ba naman ako mag isa dito.
After 10 mins. dumating na si Ly, may suot siyang hoodie na black. Nilalamig siguro siya. Sakto nag start na yung movie kaya umupo na lang siya sa tabi ko pero kinurit ko siya sa may tiyan niya. Napa aray naman siya pero mahina lang tas tiningnan niya ako ng "bakit mo ginawa yon?!".
BINABASA MO ANG
She Belongs To Me
FanfictionMeron akong Best friend at pinangakuan ko siya na babalik ako para sa kanya. Syempre, nalungkot siya nung nalaman niya na aalis na ako pati rin yung mga kaibigan ko. Kaya naman in-enjoy na lang namin yung kaunting araw na mag kakasama pa kami. ...