Aly's POV
Grabe, ang sakit ng kamay ko 😭 tapos umiyak pa ako sa harap ni Den. Nakakahiyaaa"Kids! The food is ready! Pumarto na kayo" tawag samin ni Mama
"Nga pala, Den, yung bulaklak" tapos binigay ko sa kanya ng nakangiti
"Hahaha, thank you" nakangiti niya ring sabi sa'kin then pumasok na siya sa loob
"Naks! Bangis mo Ly, kahit nasaktan ka na, nakuha mo pa ring ibigay sa kanya yung flowers" sabi sa'kin ni Kim at inakbayan niya ako at nagsimula na kaming pumasok sa loob papuntang dinning area
"Teka, paano ako makakakain neto?" tanong ko sa kanya habang ipinapakita ko sa kanya yung kanang kamay ko na may sugat
"Hahaha😂, magpasubo ka na lang sa Baby mo" tatawa tawa niyang sabi sakin
Ha? Sinong Baby ? Wala naman akong anak ah, may tama din 'tong kaibigan ko eh
"Sira ka ba!? Wala naman ako anak ah! Sinong Baby?!"
"Alam mo, minsan ang slow mo din. PAGONG! Malamang si Den yung Baby mo hahaha" at pagkasabi niya non ay tumakbo na siya at umuna na sa akin
Si baby Den ko lang pa--ANO?! Patay ka talaga sa'kin Kim, mababatukan kita ng bente (20).
"Oh anak, ba't ngayon ka lang? Nauna pa sayo itong dalwa mong kaibigan." tanong sa'kin ni Mama
"May naiwan lang po ako sa garden, binalikan ko lang po"
Lord, please, sana lumusot, sorry na din po dahil nag sinungaling ako kay mama.
"Siya, umupo ka na at kakain na tayo, pero bago iyon mag pray muna tayo"
Pagka-tapos namin mag dasal nagsimula na kaming kumain kaso ako eto hindi magkaugaga kung paano ako kakain ng maayos dahil may sugat yung kanan kong kamay. Haayyy, gutom na ako guys-_-
"Anak, anong nangyari dyan sa kamay mo? Come here, susubuan na lang kita, mukhang di mo maigalaw ng maayos eh" pansin ni Papa sa kamay ko, lumapit na rin ako kasi gutom na talaga ako
"Ah...Eh...Pumitas po kasi ako ng rose, nakalimutan ko po na may thorns yun kaya na dakma ko po" at pagkasabi ko non bigla naman silang lahat napatawa habang ako naman ay ngumunguya ng pagkain na sinubo ni Papa
"Hahaha, ang lakas ng tama mo anak. Eh nasaan na yung rose? Para kanino ba yun?" nakangiting tanong sa'kin ni Papa
"Phara khay Dwhen po, khashi--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil biglang sumingit si Kim sa usapan
"Dhon't tshalk (lunok ng kinakain niya at nagsalita na ulit) when your mouth is full"
"Nahiya naman ako sayo, parang ikaw hindi ah"
"Hahaha, sorry naman, now continue what you're saying"
"Para kay Den po, nakita ko po kasi na naktingin siya dun kaya binigyan ko po" sagot ko sa tanong ni Papa
"Galawang Valdez" sabay sabay na sabi ng matatanda na nasa table at nakatingin ka Papa ng may mga makhuluguhan na ngiti
"Ha? Bakit po?" tanong ni Den
"Kasi ganyan din yung nangyari sa Papa ni Aly nung gusto niyang bigyan ng flowers ang tita Lita mo." sagot ni tita Arlene
"Ang pinag kaiba lang, ayaw ng tito Ruel mo na ipagamot sa akin yung kamay niya dahil baka maunahan pa daw siya ng iba" dugtong pa ni tito Mike
"Hahaha, kahit kelan talaga di niyo pa rin ako tinitigilan sa kwentong yan" tatawa tawa pang sabi ni Papa
"Hahaha, syempre naman, yan kaya yung mga corny mong moves" at dahil sa sinabi ni tito Mike nag tawanan tuloy kami dito sa loob
"Hahaha, kumain na nga lang tayo" sabi na lang ni Papa para matapos na yung usapan. After ng dinner nag paalam na sina tito at tita, and there's something na nangyari na hinding hindi ko makakalimutan.
"Bye Den, kita na lang tayo sa school" pag papaalam ko sa kanya
"Bye! Nga pala, thank you sa rose" then she kisses me on my cheek at tumakbo na papunta sa car nila.
Hindi ko tuloy namalayan na hawak hawak ko yung right cheek ko at katabi ko na pala si Kim
"Ly, uuwi na ako ha" paalam din sa akin ni Kim
"She kissed me" hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya
"Ha? Ano?"
"She KISSED me!" sabi ko kay Kim habang niyuyugyog-yugyog ko siya sa balikat at tumakbo na sa loob ng bahay at nag tatalon-talon at sigaw sa tuwa
"Anak! Bakit?! May nangyari bang masama?!" tarantang tanong sakin ni Papa habang nasa likod niya si Mama na halatang nagulat rin
"Ah...Eh... Wala po, sige po, magpapahinga na po ako. Good night po! Love you both!" at pagkasabi ko non ay tumakbo na ako papunta sa kwarto ko at natulog ng mapayapa. 😂 😂

BINABASA MO ANG
She Belongs To Me
Fiksi PenggemarMeron akong Best friend at pinangakuan ko siya na babalik ako para sa kanya. Syempre, nalungkot siya nung nalaman niya na aalis na ako pati rin yung mga kaibigan ko. Kaya naman in-enjoy na lang namin yung kaunting araw na mag kakasama pa kami. ...