CHAPTER 7 (Atomic Bomb)

1.8K 53 0
                                    

Kiefer's POV
"Hey, Guys! Malapit na ang Intrams anong sports ang sasalihan niyo?" tanong ko sa kanila.

Well, andito kami sa bahay nina Ella tambay lang, Sunday kasi eh, wala kaming magawa kaya nakitambay kami 😂

"Ako, volleyball ang sasalihan ko" sagot ni Ate Aerieal

"Ako din volleyball, kayo ano sa inyo?" si Ella yung nagsalita habang kumukuha siya ng inumin sa mini ref niya

"Basketball" simpleng sagot ko sa kanya

"Kaming dalwa ni Kim volleyball din" sabi naman ni Ara

"Count me in!" sabi naman ni Den na kakapasok lang sa kwarto at may dalang pagkain

"Ikaw Aly, anong sasalihan mo?" tanong namin sa kanya

"Jack 'n stone! Magaling ako dun!" sagot niya sa'min ng seryoso habang hindi inaalis ang tingin niya sa nilalaro niyang NBA2k15 na video game

"BALIW!" sabay sabay namin sabi sa kanya at binato ng unan kaya napatawa na rin kami at si Aly

"Yung seryoso kasi Ly" sabi ni Ate Aerieal

Pustahan guys sasagot na yan ng matino si Ate Aerieal na ang nagsalita eh

"Nag dadalwang isip pa ako eh. Kung basketball or volleyball parehas kasi na gusto kong laruin eh"

Sabi sa inyo eh sasagot na yan ng matino, takot yan kay Aerieal eh. Hahaha, parang ako hindi ah

"Two timer! TSK!" sabi ni Den, umaacting pa siya na mukhang galit pero natatawa naman siya sa ginawa niya kaya binato na lang niya ng unan si Aly

"Ang lakas ng tama neto, ihagis kita sa may bintana eh" asar na sabi ni Aly

"Hahaha, kahit kelang ang pikon mo pa rin" tatawa tawa kong sabi sa kanya

"Wehhh?? Itatapon mo ako?? Sige nga, sige nga gawin mo" pang aasar pa lalo ni Den

"Wag na, magalit pa sa akin si Tito Mike" sabi naman niya at kumuha ng Nova at kumain na lang

"Hahaha, besh timbangin mo na lang, kung alin ang mas lamang edi yun ang laruin mo" sabi naman ni Ella

"Asan ba ang timbangan? Para masimulan na ang dapat timbangin" sabi ni Aly at nagkunwaring hinahanap niya yung timbangan

"Batuhin kaya kita neto, you want?" sabi ni Ella at akma niyang babatuhin ng game controller si Aly

"Hahaha, joke lang Pots. Ikaw naman di na mabiro"

"Pa'no ba yan, edi magkakalaban tayo?" singit ko sa usapan nila

"Oo nga no?" sabi naman ni Ara

"Edi may the best team win!"sabi ni Den habang kumakain ng Mr.Chips

"Okay!...1...2...3..." sigaw ni Ate Aerieal at nilagay namin yung mga kamay namin sa gitna

"Angryyyy!" sigaw ni Aly
"Birds! Hahahaha" sabay sabay naming sigaw

"Teka lang, teka lang--" hindi na natuloy ni Ate Aerieal dahil biglang sumingit si Aly

"🎤 Meron akong nakita, pare ko, pare ko, pare pare ko. Oh kay gandang dalaga🎤"

Kaya naman nag tawanan kaming lahat except kat Ate Aerieal. Hahaha, naasar siguro kaya ayun nabato tuloy si Aly ng unan😂

"Wag ka nga Ly, may napapansin lang ako" pag papatuloy ni Ate Aerieal sa kanyang sinabi

"Oo nga ako rin" sabay na sabi ni Ella at Den

"Bakit ang tahimik ni Kim?" tanong ko sa kanila

"Oo nga, yan rin ang napapansin ko eh" sabi naman ni Ly na ngayon ay nag lalaro na ng video game

"Paano g hindi tatahimik yan, eh nakahanap na ng lovelife. Ayan nga oh, katext ng mokong" tatawa tawang sabi ni Ara

"Love life lang pala eh" sabi ko naman, then I realized what I've said

"ANO?!" sabay sabay naming sabi except lang kay Vic at Kim

Si Den muntikan nang maibuga yung kinakain niya Mr.Chips. Si Ella naman naluluugan kaya habang nakanganga si Ate Aerieal binigyan niya ito ng tubig. Si Alyssa naman naibuga yung kanyang iniinom.

Tapos ako naman napa utot dahil sa di kapanipaniwala na sinabi ni Ara

*PRUUUTT*PRUUUTT

"Yuck! Kief uso gumamit ng CR kung natatae ka na" sabi sa'kin ni Den habang hawak ang butas ng ilong

"Kief! Ilabas mo na ang masamang damo diyan sa tyan mo!" sabi naman ni Ate Aerieal habang nag papaypay

"Hahaha, nagpasabog ng bomba si Kief ng dahil lang sa may love life na si Kim" tawang tawa na sabi ni Ly may pag hampas pa sa unan

"Kief naman eh, dun ka nga sa banyo" sabi ni Ella habang hinahanap yung air freshner

"Nahiya naman yung puwet ko sa utot niyo, ang bango eh" sarcastic kong sabi sa kanila

"Hahaha nagpasabog lang ako ng info anout kay Kim. Si Kief naman nagpasabog ng bomba, hahaha" utas na si Ara kakatawa pagkatapos niyang sabihin yun

"Hahaha, twitter na this! #AtomicBombniKief" sabay na sabi ni Aly at Ara

Magkaibigan nga sila, parehas sila ng iniisip eh. Frienship goals hahaha

Sabi ko na lang sa isip ko

"Kayong dalwa sari-sari na ang iniisip" sabi ni Ate Aerieal at pinag babato yung dalwa ng unan, pero yung dalwa deadma lang dahil utas na kakatawa

"Guys! Kelangan ko nang umuna. Nag text kasi si Mom eh. Kailangan niya raw ang tulong ko" singit ni Den sa mga nagkukulitan

"Hahaha, wait lang Den. Hahaha, hatid na kita" tawang tawa pa ring sabi ni Aly

"Hahaha, okay lang. Malapit lang naman eh. Sige ingat kayo sa pag uwi" sabi ni Den at lumabas na siya ng kwarto

"Hoy, Kimtot! Uso magsalita" sabi ni Ate Aerieal kay Kim at binato ng unan

Pansin ko lang ang hilig niyang mamayo ng unan ngayon, problema niya sa unan? 😂

"Ano bang dapat kong sabihin?" tanong ni Kim habang nakangiti na akala mo nanalo sa lotto

"Eh dati rati--" hindi na natuloy ni Ella ang sasabihin niya dahil sumingit nanaman si Alyssa 😂

"🎤Sabay pa nating pinangarap ang lahat.🎤"

"Tumahimik ka nga Ly" asar na sabi ni Ella

"Hahaha, is it too late now to say sorry?" Kanta pa ulit ni Aly

Hahaha, lakas talaga ng tama nito ngayon. Kanta ng kanta, ang daming baon hahaha

"Arghhh! Ewan ko sayo!" kaya yun nabato nanaman tuloy si Alyssa ng unan

"Porket may love life ka na, nag bago ka na" kunwaring naiiyak na sabi ni Ara with matching punas kunwari ng luha

"Wala pa naman ako love life eh, manliligaw pa lang. Tulungan niyo ako ha?" Nakangiting sabi ni Kim

"I'm in! Basta may foods!" Sabi ni Ellapots na ikinatuwa naman namin dahil siguradong butas ang bulsa ni Kim sa amin hahaha

She Belongs To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon