Aly's POV
"Ahm...Guys... I hope you don't get mad at the same time malungkot pag sinabi ko ito sa inyo" kinakabahang sabi ko sa kanila
"Bakit? What is it about ba?" tanong ni Den
"Well...Guys... Aalis na ako" nakayukong sabi ko sa kanila
"What? Anong aalis ka na?" takang tanong ni Ella
"We're going to U.S. , may problema sa business and they need to fix it. So, napag desisyonan na nina Papa na dun muna kami hangga't di pa ayos yung problema" mahabang paliwanag ko sa kanila
"Kelan ang alis mo?" tanong ni Ate Aerieal
"I think next next week" then nag smile ako sa kanila pero halata sa mga ngiti kong ito ang lungkot
"You're going back naman diba?" sabay na tanong ni Kim at Ara
"Oo naman, the thing is, baka matagalan nga lang ang uwi"
Pagkatapos kong sabihin yun, natahimik sila. Siguro di pa nag sisink in sa kanila na aalis na ako. But there's one thing that caught my attention, at yun ay ang isang Denden na umiiyak.
Oh how I hate seeing her cry, sa lahat ng ayaw kong makita ay yung umiyak siya. Parang kapatid ko na rin 'tong babae na to eh.
Kapatid nga lang ba? O higit pa dun?
Hindi ko na lang inintindi yung sinabi ng utak ko at nilapitan si Den para yakapin siya.
"Hey Den, please don't cry. You know naman na ayokong nakikita kang umiiyak diba? Babalik naman ako eh, hindi naman kita... I mean... Kayo, hindi ko naman kayo iiwanan"
"L-Ly, wag ka nang umalis please? Dito ka na lang oh" pag mamakaawa niya sa akin at mas lalo pang humigpit ang yakap sa akin
Hayyy, kung pwede lang Den, hindi na ako sasama eh. Kaso si Papa na yung nag decide =(
"Hindi pwede eh, gustuhin ko man hindi pwede. I'm sorry, but I promise you this, kapag bumalik na ako hinding hindi na ako aalis, lagi na akong nandito sa tabi mo. Hindi ko na kayo iiwanan" mahabang paliwanag ko sa kanya at pinunasan ang kanyang mga luha
"Smile naman diyan" dagdag ko pa
Ngumiti nga siya pero hindi ito umabot sa kanyang mata.
"Promise?" tanong niya sa'kin
"I, Alyssa C. Valdez, promise to come home here in the Philippines" nakangiti kong sabi sa kanya
Well, parang yakap ko pa rin siya kasi naka squat ako at nakalagay ang dalwang kamay ko sa bewang niya, nakaupo kasi siya.
"If you really gonna promise me that! Bakit kaliwang kamay yung nakataas?! Hindi mo tutuparin yung promise mo?!" Pagalit na sabi ni Den
"Nagkamali lang eh, oh!(taas ng kanang kamay) Promise, cross my heart. Ayos na?"
Tumango naman siya at nag punas ng luha.
Tinanggal ko naman yung suot kong necklace actually, dog tag siya na maliit na may letter A sa gitna at sinabing "Hey Den, see this necklace? Napakaimportante nito sa akin, nanggaling pa ito kay Lolo Manuel. I'm giving this to you para patunayan sayo na tutupadin ko yung promise ko, and I hope na pag balik ko suot mo pa rin yan"
Nginitian ko siya then sinuot ko sa kanya yung necklace ko.
"Guys! Ngiti na tayo! Madami pa naman tayong pedeng gawin sa two weeks na kasama si Aly" sabi ni Kiefer to lighten up the atmosphere
"Oo nga! Group Hug!" sigaw ni Kim at nag puntahan na nga sila sa pwesto namin ni Den at nag group hug.
"Hoy Ly! Pasalubong ko ha!" sabi naman ni Ara
Kahit kelan talaga si Ara, panira ng moment hahaha
"Panira moment ka naman Ara eh" asar na sabi ni Ella habang pinupunasan ang luha niya
"Sulitin na natin ang mga araw habang nandito pa si Ly!" sigaw ni Kief
"Sige ba! 1..2..3.." sigaw rin ni Ate Aerieal
"Angryyy!" sigaw ko rin at nilagay na nila ang kamay nila sa gitna na para kaming team na may laban
"Birdsss! HAHAHAHA!"
Pero sige, puro sigawan na lang kami dito. Mga sira ulo talaga kami.
What a day ^_^ Sana wag ng matapos to.
BINABASA MO ANG
She Belongs To Me
FanfictionMeron akong Best friend at pinangakuan ko siya na babalik ako para sa kanya. Syempre, nalungkot siya nung nalaman niya na aalis na ako pati rin yung mga kaibigan ko. Kaya naman in-enjoy na lang namin yung kaunting araw na mag kakasama pa kami. ...