CHAPTER 8

1.6K 53 1
                                        

Aly's POV
"Guys may gagawin ba kayo mamaya?" tanong ko sa kanila

"Wala naman" sabay sabay nilang sagot

"Sa bahay na lang kayo mag dinner. Ano, game?"

"Sige ba!" sagot nina Kim at Ara

"Game!" sunod naman na sagot nina Ella, Ate Aerieal at Kief

"Tara! Sa cafè muna tayo nina Den, para na din masama natin siya mamaya sa dinner" sabi ko pa sa kanila

"Gusto mo lang makita si Den eh" tukso sakin ni Kim habang tinutulungan niya si Ella mag ligpit ng kalat namin

"Utot mo! May sasabihin lang din akong importante sa inyo" sabi ko sa kanila na ikinalungkot ko pero pinilit kong ngumiti para di nila mahalata

"Ano yun?" sabay sabay nilang tanong except Ate Aerieal dahil nasa banyo eh

"Mamaya na lang sa dinner" kakamot kamot sa ulo kong sabi

"Sige, sabi mo eh. So, tara na?" tanong ni Kief

"Tara!" sagot naming lahat

After 10 minutes nakarating na tin kami sa cafè nina tita Arlene. Grabe, ang daming costumer siguro masarap mag luto si tita.

Pumila na kami, para matikman ang luto ni tita Arlene. Pero nagulat kami sa nakita naming nasa cashier. Hahaha, there's a beautiful cashier infront of us hahaha but, hey, Den is cute even though haggard na siya.

"We would like to order the most beautiful daughter of Mrs. Lazaro" nakangiti kong sabi sa kanya habang nakatingin ako sa menu nila sa taas

"Ewan ko sayo" sagot niya sa akin at tinulak pa ang mukha ko

"Hahaha, binola ka nanaman nitong si Aly. We would like to order your specialty here Den"  tatawa tawang sabi ni Ate Aerieal

"What? Tunay naman ah. Maganda naman talaga si Den. Samahan mo na rin ng cookies, thank you" sabi ko kay Ate Aerieal

"Mga galawang moves mo Ly, bulok! Hahaha, Den si Aly lahat mag babayad ng lahat" pang aasar ni Ella sa akin

"Hoy! Anong ako?!"

"Eh ikaw ang nagyaya na pumunta dito eh" sagot ni Kim sa tanong ko

"At tyaka, ngayon ka na lang naman ulit manlilibre" dag dag pa ni Kief

Mag sasalita pa sana si Ara kaso inunahan ko na siya.

"Hep! Alright! Alright! Wag ka ng mag salita Ara" after i said that nag bayad na ako kay Den

"Hahaha, kahit kelan talaga. Hindi pa rin kayo nag babago" biglang dating ni Tita Arlene

"Tita Arlene!" sigaw naming lahat at niyakap siya ng mahigpit

"Guys stop it! Hindi na makahinga sa inyo si Mommy" nakangiting sabi ni Den

"Hahaha, masyado niyo naman akong namiss. Next time na lang tayo magkwentuhan ha? Tita is busy eh" pag papaalam sa amin ni Tita Arlene

"Guys we should search for our table para dun na lang natin iintayin ang food natin" suggest ni Ara

After 5 minutes dumating na yung order namin and nabawasan na rin yung tao sa loob. Sakto! Si Den nag dala ng order namin, pinag pahinga siguro ni tita.

"Den pagkatapos ba nito may gagawin ka pa?" tanong ko sa kanya

"Wala naman, bakit?"

Pero bago pa ako makapag salita naunahan na ako ng ugok kong pinsan, well, none other than, Kiefer Ravena-_-

"Ly will ask you daw if she could take you on a date"

At sa di inaasahang pagkakataon naibuga ko yung iniinom ko at binatukan si Kiefer

"Anak ng tinapa! Kung hindi lang talaga kita pinsan pina salvage na kita noon pa eh"

Pinsan ko ba talaga to?! Kung ano ano pinag sasasabi, sakit tuloy ng lalamunan ko.

"Hahaha grabe Ly, buti na lang wala ako sa harapan mo" sabi ni Ella na tatawa tawa dahil sa naging reaction ko, actually, silang lahat pinag tatawanan ko. Kaibigan ko talaga sila guys.

"Hahaha, wag kang makinig sa kanila Den. Kaya kami nag punta dito para ayain ka mag dinner sa bahay nina Aly" sabi ni Ate Aerieal ng mahimas masan siya sa katatawa

"Hahaha, sure thing. Tapusin ko lang to then alis na punta na tayo sa kanila" then umalis na siya.

She Belongs To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon