CHAPTER 9

1.4K 50 0
                                    

Hahaha, may nag babasa ba nitong story ko? Kung meron man thank you sa pag babasa. So, here's an update.

This UD's for you!
Enjoy! :)

----------------

Den's POV

"Hi Mom! Do you need some help?" tanong ko sa kanya pagkadating ko pa lang

"Yes dear, I need your help. Can you assist the customers outside? Hindi na kaya ng powers ko eh" nakangiting sagot ni Mommy sa'kin

"Hahaha, roger that!" sumaludo pa ako kay mommy then i went outside the cooking area to accommodate the customers

First of all! Ang daming tao ngayon sa shop! Ang sakit na ng katawan ko huhuhu. Pero keri pa naman hahaha.

Bigla namang nawala yung pagod ko nung narinig ko ang boses ng best friend ko.

"We would like to order the most beautiful daughter of Mrs. Arlene" naka ngiti niyang sabi habang nakatingin sa menu sa taas.

Lakas talaga tama nito, sarap sapakin! Hahaha di joke lang, love love ko kaya si besh 😊

"Ewan ko sayo" sagot ko then tinulak ko yung mukha niya pero mahina lang, galing mambola eh

"Hahaha, binola ka nanaman nitong si Ly. Order kami ng specialty niyo dito Den" singit ni Ate Aerieal

"What? Tunay naman ah. Maganda naman talaga si Den. Oh, samahan mo na rin ng cookies. Thank you!"

Hahaha, ang hilig niya talaga sa cookies. Mapapaturo nga ako kay mommy kung pano gumawa

"Mga galawang moves mo Ly, bulok! Hahaha, Den si Aly lahat mag babayad ng lahat" pang aasar ni Besh Ella

"Hoy! Anong ako?!"

"Eh ikaw ang nagyaya na pumunta dito eh" sagot ni Kim na dapat ay si Ella ang sasagot

"At tyaka, ngayon ka na lang naman ulit manlilibre" dag dag pa ni Kief

Mag sasalita pa sana si Ara kaso inunahan na siya ni Aly.

"Hep! Alright! Alright! Wag ka ng mag salita Ara" after that binigay na sa akin ni Ly yung bayad

"Hahaha, kahit kelan talaga. Hindi pa rin kayo nag babago" biglang dating ni Mommy

"Tita Arlene!" sigaw nailang lahat at niyakap si mommy

"Guys stop it! Hindi na makahinga sa inyo si Mommy" nakangiting sabi ko sa kanila, hindi talaga nila bibitawan si Mommy hangga't walang nag sasalita eh

"Hahaha, masyado niyo naman akong namiss. Next time na lang tayo magkwentuhan ha? Tita is busy eh" mahabang paliwanag ni Mom

"Guys we should search for our table para dun na lang natin iintayin ang food natin" suggest ni Ara

Ako na lang ang nag dala ng order nila kakaunti na rin naman ang tao. And for me to rest na rin for awhile.

"Den pagkatapos ba nito may gagawin ka pa?" tanong ni Aly

"Wala naman, bakit?"

Pero bago pa makapag salita si Aly naunahan na siya ni Kiefer.

"Ly will ask you daw if she could take on a date"

At sa di inaasahang pagkakataon naibuga ni Aly yung iniinom niya at binatukan si Kiefer

Well! Sino nga naman ang di magugulat sa sinabi ni Kief, ako nga nagulat rin eh kaso alam ko namang inaasar lang niya yung pinsan niya kaya tumawa na lang din ako.

"Anak ng tinapa! Kung hindi lang talaga kita pinsan pina salvage na kita noon pa"

"Hahaha grabe Ly, buti na lang wala ako sa harapan mo" sabi ni Ella na tatawa tawa, actually, lahat kami tinatawanan namin si Ly.

Namumula na sa galit eh 😂

"Hahaha, wag kang makinig sa kanila Den. Kaya kami nag punta dito para ayain ka mag dinner sa bahay nina Aly" sabi ni Ate Aerieal ng mahimas masan siya sa katatawa

"Hahaha, sure thing. Tapusin ko lang to then alis na punta na tayo sa kanila" then umalis na ako to finish my work.

Aly's POV

After she (Den) finished her work, sumugod na agad kami sa bahay.

"Guys, tutal kakain pa lang natin. What do you want to do?" tanong ko sa kanila

"Movie? What do you think?" suggest ni Ara

"Leggo!" sabay sabay nilang sabi at umakyat na papunta sa kwarto ko

Langya! Parang kanila na 'tong bahay ah. Nauna pa sa akin hahaha well, parang kapatid ko naman na rin sila.

Before I went upstairs, nag punta muna ako sa kitchen para uminom ng tubig. Then nakita ko si Manang Dolor nag hahanap ng mga ingredients para sa lulutuin mamaya.

"Hi La!" bati ko sa kanyang nakangiti

"Oh ineng! Andyan ka pala, may kailangan ka ba?"

"Ah wala naman po, may favor lang po sana kung okay lang sa inyo"

"Sige kung kaya ko bakit naman hindi?"

Ang bait talaga ni Lola Dolor :">

"Pwede po ba ang lutuin niyong pagkain gor dinner ay mga favorite ng mga kaibigan ko?" kakamot kamot sa batok na tanong ko kay Lola Dolor, nahihiya rin naman ako syempre

"Yun lang ba? Sige ba, sabihin mo lang sa'kin kung ano ang mga iyon at ako na ang bahala"

"Thank you La!" tapos niyakap ko siya at sinabi kung anong gusto ng mga kaibigan ko.

After some talk kay Lola Dolor, I went to my room to check them. Pagkapasok na pagkapasok ko may sarisarili na silang mundo.

Si Kief, Ella at Kim ayun umiiyak dahil sa pinapanood nilang movie, parang mga sira. Tapos si Ara at Ate Aerieal naman nag lalaro ng Chess, nerds hahaha.

Then, there's Dennise laying on my bed. Sleeping like a pig, humaharok siya eh hahaha maybe napagod yun kanina. Kaya nakinood na lang din ako kena Ella.

----------

Sorry kung sabaw, bawi ako pamaya. Promise! 😊

She Belongs To MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon