Aly's POV
What the heck?! Pawisan na ako ng sobra, patay ako neto kay Mama eh
"Kimmy, tulungan mo nga ako maghanap ng susuotin kong damit" sabi ko kay Kim
"Okay naman na yang damit mong suot ah?"
"Pawisan na ako, baka mamura ako ni Mama. Alam mo naman kung anong ginawa sa'kin ni Mama nung nakita niya akong pawisan" pag papa-alala ko sa kanya
"Hahaha, ayaw mo nun? Para second time around?" tawang tawa niyang sabi sa'kin
"Tulungan mo na nga lang ako dito!" asar na sabi ko sa kanya
And after 12345 years natapos na rin akong mag palit at saktong akyan ni Manang dahil pinapatawag na raw kami nina Mama at Papa. Kaya tumakbo na kami papuntang baba.
"Pa, pinapatawag niyo raw po kami?" agaw pansin ko sa kanila
"Mukhang pagod na pagod kayong dalwa ah. Anong ginawa niyo?" tanong sa amin ni Papa
"Ah...Eh... Kasi po tito, hinahabol ako ni Aly kanina. Natalo ko po kasi sa laro namin eh" nakangiting sagot ni Kim
"Eh madaya ka eh. Nilagyan mo yun ng cheat simula pa lang sa una" asar na sagot ko sa kanya
"Oh, siya, tama na yan at baka mag-away pa kayo. Nakakahiya naman sa bisita" pag pipigil sa amin ni Papa dahil babatuhin ko pa sana si Kim ng unan
"Hahaha, ang kukulit naman nila" sabi ni tita Arlene
"Nako, lalo na kung nandito pa yung isa nilang kaibigan" sagot naman ni Mama
"Sa garden na muna tayo mag hintay. Niluluto pa nina Manang yung pagkain eh" dugtong pa nito
Den's POV
Wow! Ang ganda naman dito. Ang daming bulaklak tapos may mga butterflies pa.
"Hi Den! Gusto mo ba ng flower?" biglang sulpot ni Aly na ikinagulat ko
"Nakakagulat ka naman. Bigla bigla ka na lang sumusulpot" sabi ko sa kanya habang nakahawak ang kamay sa dibdib
"Hahaha, sorry naman. So, gusto mo ba ng flower?" pag babalik tanong niya sa akin
"Oo sana, kung pwede" sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mga bulaklak
"Wait, ihahanap lang kita ng babagay sayo" sabi niya sa akin habang tumitingin na rin sa mga bulaklak
"Talaga?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya
"Oo naman. Ikaw pa! Eh, malakas ka sa'kin " nakangiting sabi ni Alyssa
"Thank you!" at ng dahil sa excitement bigla ko siyang na hug ng mahigpit
"Ahm...Ehm... I can't breathe"
"Ay! Sorry di ko sinasadya" sabi ko sa kanya ng naka yuko
"Okay lang, basta sa susunod sabihan mo ako ha? Para makapag handa ako sa super hug mo" nakangiti niyang sabi sa'kin
Napansin ko lang, ang hilig niya mag smile.
"Wait, dyan ka lang ha? Ihahanap lang kita ng magandang bulaklak na bagay sayo" pagkasabi niya nun nag simula na siyang mag hanap
"Hi Den!"
"Grabe! Magkaibigan nga kayo ano?" gulat na sabi ko sa kanya habang nakahawak yung isang kamay ko sa tapat ng puso ko
"Ha? Bakit naman?" takang tanong niya sa akin
"Eh basta basta na lang kayo sumusulpot eh. Nakakagulat kaya"
"Sorry naman, nga pala, Kim Fajardo" then inabit niya sa akin yung right hand niya
"Dennise Lazaro, nice to meet you" tapos nag shake hands kami
"Teka ano ba ginagawa ni Aly? Anong hinahanap niya?" sunod sunod na tanong ni Kim
"Hinahanap niya ako ng magandang bulaklak" sagot ko sa kanya
"Galawang Valdez" nakangiting sabi ni Kim
"Ano?" taking tanong ko sa kanya
"Ang sa--" hindi na natuloy ni Kim ang kanyang sasabihin dahil may bigla na lang sumigaw
"ARAY! ANG SAKIT! FAJAAARDO! TULUNGAN MO AKOOO!" sigaw ni Aly kaya biglang kaming tumakbo ni Kim papunta sa kinaroroonan niya
"Ly! Anong problema? San masakit?" tarantang tanong ni Kim pagkakita niya agad kay Aly
"Natusok ako ng bulaklak, tanggalin mo na." mangiyak-ngiyak na sagot ni Aly
"Sira ulo ka pala eh! Alam mo naman na may mga thorns ang rose, bakit mo dinakma?!" asar na sabi ni Kim habang tinatanggal niya sa kamay ni Ly yung thorns
"Huhuhu...Sorry naman, naexcite lang ako na ibigay to kay Den eh, huhuhu..."
Hahaha, ang cute niya umiyak. Para siyang bata na inagawan ng candy, pero she's sweet =">
"Ang laki-laki mong tao umiiyak-iyak ka ng dahil lang sa natusok ka, wait mo ako dito kukuha lang ako ng betadine at band aid" sabi ni Kim at pumasok na siya sa loob ng bahay
"Hahaha, para kang bata" sabi ko sa kanya at kumuha ng panyo at pinunasan ang luha niya
"Tusukin kita diyan eh! Ang sakit kaya... *sniff " sagot naman niya sa akin
"Ly! Akin na yang kamay mo gagamitin ko na" singit ni Kim sa usapan namin
"Anak ng tinapa! LINTEK naman Kim! Papatayin mo ba ako sa gulat?!" asar na sabi ko sa kanya, kanina pa siya ng gugulat eh
"Hahaha, peace tayo Den, di ko naman alam na magugulatin ka" then nag sign of peace siya sa akin at itinuloy na niya ang pag gagamot kay Aly.

BINABASA MO ANG
She Belongs To Me
Hayran KurguMeron akong Best friend at pinangakuan ko siya na babalik ako para sa kanya. Syempre, nalungkot siya nung nalaman niya na aalis na ako pati rin yung mga kaibigan ko. Kaya naman in-enjoy na lang namin yung kaunting araw na mag kakasama pa kami. ...