Aerieal's POV
Sa isang araw na iyon ang dami ng nangyari. Nalulungkot ako kasi parang kapatid ko na rin si Aly eh, ang hirap naman nun dahil isa sa barkada namin ay aalis na.
Pero sabi nga namin imbes na malungkot kami, gagawin na lang naming memorable itong mga konting araw bago umalis si Ly.
Nagulat naman ako kasi bigla na lang may nag salita sa tabi ko
"Hey bruh! Hahaha, lalim ng iniisip natin ah. Malulunod na kami"
Si Kiefer pala kasam niya din si Aly
"Oo nga, kanina pa naka alis si Sir. Di mo man lang namalayan" pag sang ayon ni Ly
"Ah...Eh... nalulungkot lang ako dahil malapit ka ng umalis"
"Ate naman eh, wag mo munang isipin yan. Nandito pa naman ako eh, okay?" pagka sabi niya non ay lumapit siya sa akin at niyakap niya ako
"Baka mag selos niyan ang BABY Den mo Ly" asar ni Kiefer kay Alyssa
"Baby Den?" takang tanong ko kay Kiefer
"Kanino mo nalaman yun?!" asar na tanong ni Aly
"Kimmang told me" naka ngiting aso na sabi ni Kief then binababa taas niya yung kilay niya
"Hey! Daya niyo, ano yun?" patampong tanong ko sa kanila
"Hahaha, don't worry kwento ko sayo mamaya" tatawa tawang sabi ni Kief
"Kimmang, your dead!" asar na sabi ni Alyssa
Hahaha namumula yung tenga sa galit, deads si Kimmy neto 😂
"Hahaha, let's go na baka nag hihintay na si Baby Den mo sa canteen" pag sakay ko sa trip ni Kiefer
Ella's POV
"Besh, ang sarap naman ng cookies. Sino nag luto, ikaw ba?" tanong ko kay Besh Den
"Nope. Si mom yung nagluto pinag aaralan ko pa kasi"
"Pasabi kay tita ang sarap" sabi naman ni Vic habang kumakain ng cookies
"Hey! Tirhan niyo si Ly!" sabi ni Den sa amin at esaktong sinabi niya ito nung kakagatin na sana ni Kim yung cookie.
Hahaha, wawa naman si Kimmang
"Hindi pala 'to para sa'tin eh" sabi ni Kim ng may maka hulugang ngiti at kinain niya pa rin yung cookie
"And speaking of the devil, andito na siyaaa" pakantang sabi ni Ara
"Uhmm.... Guys, what's going on?" bungad na tanong agad ni Ate Aerieal
"May dalang cookies si Den" simpleng sagot ko sa kanya
"Did I hear it right? May cookies? Sinong may dala?" tanong ni Besh Aly at makikita mong kumikinang kinang pa yung mata niya
"Si Den nga! Binge lang teh?" sabi ko kay Aly
"Share share naman diyan!" sabi ni Aly at hinahanap yung cookies
Hahaha hindi niya talaga makikita yung cookies tinago namin ni Kimmy eh
"Ay! Wala na inubos na namin" sagot ni Kim
"Luh? Di kayo nag tira?" nanghihinayang na tanong ni Aly.
"And you believed them naman? Eh malalakas ang tama nila. Oh eto yung cookies" nakangiting sabi ni Den at kinuha sa likod ni Kimmy yung mga cookies
Ng maibigay na ito ni Den kumuha na si Aly ng cookie at kumain
"Hahaha Ly aren't you forgetting something?" tanong ni Kiefer
"Huh? Wala naman" takang sagot ni Aly
"Oh Really? How about the 'BABY' thing?" nakangiting wagas na tanong ni Ate Aerieal, it means inaasar nila si Besh Ly.
Aly's POV
"Hahaha Ly aren't you forgetting something?" tanong sa akin ni Kiefer pero ano naman ang makakalimutan ko
"Huh? Wala naman" sagot ko sa kanya
"Oh Really? How about the 'BABY' thing?" at the moment na sinabi ni ate Aerieal yung 'baby' thing biglang nanlaki yung mata ko at tiningnan si Kim ng masama. 😠
At nung tiningnan ko naman si Kimmang I think na gets niya na ito kaya nag peace sign lang siya sa'kin.
"KIMMANG!" sigaw ko sa kanya then pumunta ako sa pwesto niya mukhang tatakbo siya buti na lang nahablot ko yung kamay niya.
At pagka hablot ko sa kamay niya nilagay ko sa balikat niya yung braso ko.
"Kahit kelan ang daldal mo talaga eh no?" nakangiti ko sabi sa kanya
"Ah...Eh... Hehehe sorry" sabi niya with matching kamot sa sentido niya
Kaya naman kinutusan ko siya at hinigpitan yung pag kaka akbay sa kanya
"Aray naman! Alisin mo nga yang kamay mo" sabi ni Kim at pilit tinatanggal yung pagkaka akbay ko sa kanya
"Hahaha tama na yan Ly. Kinakawawa mo na si Kimmy, mamaya niyan ma turn off sa kanya yung mahal niya" pag aawat sa amin ni Ella kaya naman tinigil ko na at inakbayan na lang si Kimmy
"Oh yeah, about that Kimmy. Kelan mo kami papakilala sa kanya?" tanong ko sa kanya
"Tomorrow na lang absent siya ngayon eh" sabi niya at umuna na sa akin na ma upo kaya sumunod na rin ako
"Well can you atlist tell us the name duhhh!" sabi naman ni Den
"Hahaha alright. Her name si Carmela Tunay but you can call her Mela for short" nakangiting sabi ni Kim
May sasabihin pa sana si Kiefer ng biglang nag ring na ang bell, it means kailangan na naming pumunta sa kanya kanyang room.
So we bid our good byes then umalis na kami.
BINABASA MO ANG
She Belongs To Me
FanfictionMeron akong Best friend at pinangakuan ko siya na babalik ako para sa kanya. Syempre, nalungkot siya nung nalaman niya na aalis na ako pati rin yung mga kaibigan ko. Kaya naman in-enjoy na lang namin yung kaunting araw na mag kakasama pa kami. ...
