12th Love: Lost and Abandoned

70 2 3
                                    

12th Love: Lost and Abandoned

Blaine's POV

"Diandra!" naku! san ba nagpunta ang babaeng iyon!! Arrggh!! Nakakainis! Basang-basa na ako ng ulan! =____=

"Diandra!" hindi ko parin siya nakikita. Naku naman, pagminamalas ka nga naman oo!! Nagbibiro lang naman ako kanina sa lake eh, wala naman akong pakialam sa kanila nung Skyler na iyon, tsaka friendly advice lang naman sana iyon eh! Teka, di ko naman siya kaibigan eh, ok.. Ang OA niya masyado ah, as if namang magkakaroon ako ng gusto sa kanya, as if namang may balak akong patayin siya... 

Ou wala akong kwentang tao, pero may felings din ako! Di ko nga lang iyon maramdaman cause I've been numb all these years.

teka, si Dia ba iyon?

Tinignan kong maigi yung figure na nakatayo sa ulanan, di ko masyadong makilala kasi madilim na yung paligid...

"Diandra!" sabi ko at hinawakan yung kamay niya, bakas sa mukha niya yung pagkagulat, at takot. Bigla nalang siyang napaupo sa lupa...

"Diandra?" teka umiiyak siya?!

"kuya Blaine.." mahina niyang sabi...

"Diandra?"

"whaaa!!! hik.. hik.. whaaa!!!" teka, bakit siya umiiyak?

"D-Diandra? ok ka lang ba??" psh, natural hindi siya ok! Anu ka ba naman Blaine! Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa, tinayo ko siya at nagsimula akong maghanap ng masisilungan, maging ako nawawala na eh!

"Kuya Blaine, ayos na ako..." sabi ni Diandra at lumayo sa akin. Basang basa na kaming dalawa ngayon at hindi parin kami nakakahanap ng masisilungan.

"linalamig ka ba?" Umiling siya at nagsimula nang maglakad, psshh...sa mga oras na ito, kailangan kong maging praktikal, magiging childish lang ako kung papairalin ko yung malaking ego ko dito. We needed shelter and fast...

"anu yun?" tanung ko.

"hmm??"

"b-bahay ata!" sabi ko at hinila si Diandra palapit doon.

***

Sky's POV

Naman oh! Bakit kasi kailangan pang umulan! Ang ganda ganda na ng party ehh!! Haha!! Kasama ko pa si Dia... Teka, speaking of Dia.

"Dev, nakita si Yhatz?" tanung ko kay Devin, na kasalukuyang nagpapahinga kakasayaw.

"hindi, bakit? Di naman siya sumama kanina eh,"

"ahh, si Via?"

"nandun kasama si Elaine." sabay turo sa cabin ng mga girls, -__-

"tawagan ko na nga lang." sabi ko at tinawagan na yung cp ni Dia...

[[[[[[rinnnggggg....]]]]]]]

"Yup! Hello!!"

"Hello Yhatz-"

"yeah, it's Dia, sorry I'm not available now, just call me some other time or you can leave a message after the beep!" ba naman oh! Ang lakas pa ng ulan! San naman kaya nagsusuot yun?

Dia's POV

Nasa loob na kami ng bahay ni kuya Blaine, ay di pala bahay ito, green house! Isang lumang green house dito, swerte naman namin at walang ahas dito.. =___= , grabe, sobrang sama na ng pakiramdam ko!! Ewan ko ba pero, feeling ko linalagnat ako! Please wag naman dito, wag muna!

My Teacher My Love??? ~on-going~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon