chapter four

66 4 3
                                    

A/N

ipagpaumanhin po ninyo kung may mga typo error / grammars po kayong mababasa, ako ay tao lamang at nagkakamali .. ;-) ^____^

maraming salamat sa mga nakakaintindi

at sa mga

hindi BAHALA KAYO! buhay niyo 'yan ^___^

joke lang...

-kitteeennn









KM POV


hindi na kami nagtagal ni mariz na tumambay sa school wala na rin naman kaming klase kaya nagyaya na din akong umuwi saka nawala na din ako sa mood na tumambay pa sa school.ang gusto ko lang ngayon ang magmukmuk sa kwarto, makinig ng music, pag ganitong nasasaktan at naguguluhan ako sa takbo ng relasyon namin ni keirre mas gustong kong makinig ng malulungkot na kanta feeling ko kasi ang mga kantang iyon lang ang nakakaintindi sa kung ano ang nararadaman ko ngayon. bago kami mag hiwalay kanina ni best may sinabi siya na hindi mawala sa isip ko.



FLASHBACK

"sige kung ayaw mong magkwento, rerespetohin ko ang didisesyon mong iyan basta lagi mo lang tatandaan na nandito lang ako para sa'iyo best." seryosong sabi ni best na hinawakan pa ang kamay ko.

"hhhhhhmmmmmm" tanging tango lang ang naisagot ko sa kanya. maya-maya nagyaya na din akong umuwi kami, total wala naman na kaming gagawain dito. "tara best uwi na tayo, feeling ko pagod na pagod ako ngayon gusto kung magpahinga." matamlay na sabi ko.

"sige tara na inaantok na din ako, gusto kong matulog ng bongga ngayon..haha" natatawang sabi ni mariz

tumayo na kami at naglakad palabas ng school nang malapit na kami sa gate nakita ko ulit si jennie may dalawang babae siya kausap mukhang mga kaibigan niya, ngayon ko lang napansin na nakasuot siya ang uniform na tulad ng mga enginering student, dito na ba siya nag-aaral ang huling balita ko sa kanya, sa batanggas siya mag-aaral ng college kasi doon nadestino ang papa niya kaya nga sila nagbreak ni keirre noon dahil ayaw ni keirre ang long distance relationship. pero anong ginagawa niya ngayon dito? bumalik na kaya sila ulit ng manila? kaya ba ganon ka ang kinikilos ni keirre kasi nalaman niyang nandito si jennie. pero sabi niya hindi na niya mahal si jennie, kung hindi na niya mahal bakit parang apektado pa rin siya ng presinsya ng babae. sana lang mali ako ng kutob, hindi ko alam kung anong mangyayare pag nagkatotoo ang hinala ko. tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad buti nalang hindi napansin ni best si jennie, dahil hindi ko pa kayang sagutin ang mga itatanong niya,knowing her hindi niya ako titigilan ng tanong hangggang hindi ako nagsasabi ng totoo. pagdating sa may sakayan sumakay na kami ni best may kahabaan din ang byahe namin pauwi. nang malapit na kami sa ortigas ave. pumara na si best mas mauuna siyang bumaba kesa sakin sa may unahan pa banda ang babaan samin. pero bago siya bumaba may sinabi siya.

"best, mas madaling tanggapin ang masakit na katotohanan, kesa magpanggap na masaya sa lahat ng kasinungalingan. bye best see you tomorrow." sabay halik sa pisngi ko.

mas madaling tanggapin ang masakit na katotohanan, kesa magpanggap na masaya sa lahat ng kasinungalingan

mas madaling tanggapin ang masakit na katotohanan, kesa magpanggap na masaya sa lahat ng kasinungalingan

hello Forever! (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon