Chapter thirteen

18 0 0
                                    


A/N:

ipagpaumanhin po ninyo kung may mga typo error / grammars po kayong mababasa, ako ay tao lamang at nagkakamali .. ;-) ^____^

maraming salamat sa mga nakakaintindi

at sa mga

hindi BAHALA KAYO! buhay niyo 'yan ^___^

joke lang...

-kitteeennn

KM's POV

It's been three months since we go on that bar.

Sa loob ng tatlong linggong 'yon naging busy na school wala na kaming panahon para tumambay at magliwaliw. Maraming theme papers at projects na dapat ipasa. Ang nakakainis pa, halos sabay-sabay ang deadline ng mga iyon,kasabay pa ng exam.

Wala na din kaming time ni Keirre sa isa't-isa. Nagtetext ako sa kanya pero wala akong reply na natatanggap mula sa kanya. Pero napangiti ako ng maisip ko na three days from now I can see and be with him kasi buong linggong pahinga kami sa lahat. Project, theme papers and exam.

School festival na namin sa Martes.

"Hoy Kaizelle Marie Castro nakikinig ka ba?" Sigaw ni Mark.

"Ha?" gulat na napalingon ako sa kanya. Nasa tambayan kami, hinihintay namin doon sila Mariz at Keine. Ngayon lang ulit kami nagkaroon ng oras para tumambay, huling araw kase ng exam ngayon.

"Hay naku, salita ako ng salita dito hindi ka naman pala nakikinig." Reklamo nito.

"Tsk! Ang arti mo. Ano ba kasi 'yon?" Inis na tanong ko.

"Ang sabi ko, nagtext si kupal. Magkita daw kayo bukas ng umaga." Nakangising wika nito.

"Huh? Kupal? Sino 'yon?" salubong ang kilay na tanong ko.

"Si keirre sino pa ba." Tumaas baba pa ang kilay nito.

"Kailan pa naging kupal ang pangalan ni Keirre?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Joke lang 'yun, tumawa ka dali." Natatawang sabi pa nito.

Inirapan ko lang siya. "Bukas ba? Saturday bukas ha?"

"Oo, may problema ba?" Tinaasan naman niya ako ng kilay, napangiti ako dahil doon.

"Anong date bukas Mark?"

"18, Bakit nga? Date nalang hindi mo pa alam."

"Monthsary namin bukas." Biglang sabi ko.

"Oo nga no? kaya siguro magpapakita sa'yo kasi monthsary niyo. Gusto maka-score." Namula ako sa sinabi ni Mark.

"Mark!" Sigaw ko, grabe talaga ang bibig nitong lalakeng ito. Bigla din akong kinabahan, may alam kaya siya?.

"Haha! Biro lang, 'di kana mabiro" Nakangising ani nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

hello Forever! (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon