chapter nine

58 5 2
                                    


A/N:

ipagpaumanhin po ninyo kung may mga typo error / grammars po kayong mababasa, ako ay tao lamang at nagkakamali .. ;-) ^____^

maraming salamat sa mga nakakaintindi

at sa mga

hindi BAHALA KAYO! buhay niyo 'yan ^___^

joke lang...

-kitteeennn

you can follow me at my PUBLIC acc.

twitter : kitteeennn

Facebook: http://facebook.com/kitteeennn

KEINE POV

keine nicolas tan, 26 years old.

"don't worry kaizelle marie, gagawin ko ang lahat para manalo sa contest." hinawakan ko pa siya sa ulo na kahit na alam na alam ko na ayaw niyan ginagawa ko.

"pwede mong sabihin niyan ng hindi hinahawakan ang girlfriend ko." napalingon kaming lahat ng biglang sabihin iyon ni keirre kaya napabitiw ako sa pagkakahawak ko sa ulo ni kaizelle marie.

"mine" gulat na napalingon sa kanya si KM

"tara na mine. wala na tayong klase ngayong araw. at pinagbigyan na kita sa gusto mo." hinawakan niya sa braso si KM at kinaladkad paalis. tinignan pa ako ng masama bago sila tuluyang lumakad palayo. umiwas naman ako ng tingin.

"keirre!" tawag pa ni mark. ngunit hindi man lang siya nilingon ng kaibigan.

"keine pare pagpasensyahan mo na ang inasal ni keirre ha." hinging paumanhin nung brian sakin.

"ayos lang." alanganing ngiti ko.

"sya sya, hayaan niyo na 'yung dalawang 'yon. saan tayo ngayon? wala naman pala tayong klase ngayong araw." tanong ni mariz.

"tambay nalang tayo." sabi naman ni mark

"kayo nalang mark, hindi na ako makakasama may klase pa ako." tanggi ni brian.

"ako din hindi na makakasama, magkikita kami ng fiance ko." sabi naman no'ng jennie.

"ang lagay eh tayo na naman ang magkakasama?" desmiyadong sabi ni mark.

"bakit mark ayaw mo na ba kaming kasama ni keine? pwede ka namang hindi sumama sa'min." inirapan pa nito si mark.

"haha, ayan ka naman mariz eh. h'wag ka ng magtaray diyan."

nakangiting nakatingin lang ako sa kanila.nakakatuwa talaga silang tignan. kung hindi mo sila kilala mapagkakamalanan mong magkasintahan ang dalawa.

"sya tara na, tambay tayo sa garden." pagyaya naman ni mariz. at naglakad na hila-hila si mark. wala naman siyang nagawa kung 'di ang magpahila kay mariz.

"hahaha, 'yang dalawa na 'yan talaga." natatawang sabi ni brian.

"haha, oo nga bagay sila bakit hindi ligawan ni mark si mariz?" nakangiting tanong naman ni jennie.

"haha, malay ko diyan kay mark, dati ng ganyan 'yan kay mariz. high school palang kami ganyan na ang trato nila sa isa't-isa." nakatingin do'n sa dalawang tugon ni brian.

"sabagay baka hindi sila mag-click bilang boyfriend/girlfriend isang pikon at alaskador mahirap pagsamin ang dalawang 'yon maliban nalang kung pareho silang inlove sa isa't-isa" sabi naman ni jennie. nakikinig lang ako sa usapan nila ng bumaling sa'kin ang tingin nito.

hello Forever! (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon