A/N:
ipagpaumanhin po ninyo kung may mga typo error / grammars po kayong mababasa, ako ay tao lamang at nagkakamali .. ;-) ^____^
maraming salamat sa mga nakakaintindi
at sa mga
hindi BAHALA KAYO! buhay niyo 'yan ^___^
joke lang...
-kitteeennn
you can follow me at my PUBLIC acc.
twitter : kitteeennn
Facebook: http://facebook.com/kitteeennn
KEINE'S POV
napatigil ako sa paglakad papasok ng marinig ko ang pangalan ni kaizelle marie
"si KM ba? hindi ko alam, baka may klase pa sila..pero ang pagkakaalam ko hanggang 12pm lang kanina ang klase sa university " seryosong tugon ni keino sa kung sino man ang kausap nito.
tch! sino kaya ang kausap niya.
"sige pare, salamat din! see you soon."
nang marinig kong nagpaalam ni keino sa kausap dali-dali akong pumasok at umupo sa sofa.kinuha ko ang unan at kumot na binitawan ko kanina.
"oh, little brother, ano pang ginagawa mo dito? kanina ka pa ba?" may kaba sa boses nitong tanong sa akin.
"nilabasan kita ng unan at kumot..ikaw saan ka galing?" hindi ko sinagot ang huling tanong niya.
"salamat,shanga pala keine, napansin mo ba kanina si KM?" na nanantya n'yang tanong sakin.
"oo, diba nga nandon ako kanina no'ng nagsurprise 'yong boyfriend niya, nanuod pa nga sila kanina sa audition ko."
"okay!diba wala kayong klase kanina?" tanong niya ulit.
"yes! why?" tanong ko sa kanya.
"tumawag si rommel and he asking about KM" seryosong turan nito sa'kin.
"huh? bakit ikaw ang tinatanong niya? are you one of the guy who had crush on her? or maybe one of her close kuya-kuyahan?"
"wh-what? cr-crush on her? what are you talking about?" nauutal na sabi nito at hindi makatingin sa 'kin.
"why? im just asking, bakit sa dinami-dami ng kaibigan ni kaizelle ikaw pa ang tinawagan ni rommel? ang CEO pa talaga ng university ang pinagtanungan niya.amazing big brother." sarkastikong sabi ko sa kanya.nginisan ko pa siya. umiwas naman siya ng tingin sa'kin
napapaisip tuloy ako, marami siyang alam tungkol kay kaizelle marie, valid naman ang reason niya na kakilala niya ito dahil kaibigang matalik siya ng pinsan ni kaizelle marie, at sa university na pag-aari pa namin nag-aaral si kaizelle, pero ang hindi ko maintindihan kung bakit sa kanya pa hinanap ni rommel ang pinsan nito.
"sige na matulog ka na, mukhang wala ka naman balak sagutin ang tanong ko.goodnight big brother, sleep well." paalam ko sa kanya at tumayo na ako at tumuloy sa kwartong inuukupa ni mark, mahimbing parin ang tulog niya kaya bumalik na din ako sa kwarto ko para matulog. masyadong nakakapagod ang araw na ito para sa'kin.
pagkahiga ko sa kama ko, tinignan ko ang side table ko may picture si kaizelle marie doon pero malayo ang pagkakakuha ko sa kanya at hindi siya nakatingin sa camera, nakasandal siya sa isang puno at nakatingala sa mga dahon nito na aakalain mong may hinihinntay na may bumaksak galing sa taas. napangiti ako nang maalala ko ang araw na 'yon.
BINABASA MO ANG
hello Forever! (On-Going)
Romantizmkaizelle marie castro mahal na mahal niya ang boyfriend na si keirre marco lopez. naniniwala at umaasa siya na may forever sila, hanggang saan siya aasa? lalo na kung darating ang isang pagsubok sa relasyon nilang magkasintahan. si keirre ba talaga...