chapter five

54 5 0
                                    

A/N:

ipagpaumanhin po ninyo kung may mga typo error / grammars po kayong mababasa, ako ay tao lamang at nagkakamali .. ;-) ^____^

maraming salamat sa mga nakakaintindi

at sa mga

hindi BAHALA KAYO! buhay niyo 'yan ^___^

joke lang...

-kitteeennn








KEIRRE POV

"kuya, kakain na daw" tawag ng kapatid ko sa labas ng kwarto.

"sige mauna na kayo,mamaya na ako kakain." sagot ko.nasa kwarto ako ngayon nakahiga, naiinis parin ako dahil sa nangyari kanina ang lakas din ng pakiramdam ni marie, wala na talaga ako maitatago sa kanya mahal na mahal ko naman siya pero hindi ko lang talaga maiwasan na hindi magselos sa mga taong malalapit sa kanya gusto ko sakin lang ang atensyon niya lalo na kung magkasama kami. naputol ang pagmuni-muni ko ng may kumatok ulit sa kwarto ko.

tok tok tok tok

"kuya, nasa labas sila kuya brian at kuya mark" sabi ng kaptid ko.

"teka, lalabas na ako, wait lang kamo." tugon ko naman.

tumayo na ako mula sa pagkakahiga, kinuha ko iyong t-shirt ko sa may upuan at sinuot bago ako lumabas, paglabas ko ng gate namin, magsasalita pa sana ako pero may bigla nalang may sumalubong sakin na kamao.

boooogggggsssssss

plak!

napa-upo ako sa simento, hinawakan ko iyong tinaman, paghawak ko sa gilid ng labi ko may dugo, shit!, pagtingin ko dun sa sumapak sakin nagulat ako nakita ko si brian masama ang tingin sakin, magsasalita na sana ako ulit, pero hinawakan niya ang t-shirt ko bandang leeg at galit na hinatak ako patayo,sasapakin pa sana niya ako ulit pero pinigilan siya ni mark.

"pare, tama na iyan, hindi madadala sa ganyan ang lahat, h'wag mong pairalin ang init ng ulo mo" sabi ni mark sabay hawak sa kamay ni brian, patulak naman niya akong binitawan kung hindi naging maagap ni mark tatama 'yung likod ko sa gate namin.

"s-salamat."

"h'wag kang magpasalamat sakin keirre, alam mo kung bakit?kung ako lang ang masusunod gusto din kitang sapakin, kaso ayaw ko ng sabayan pa ang init ng ulo ni brian, iniisip ko din ang mararamdam ni KM." mariing sabi niya.

nagtaka naman ako sa kinikilos nila, ano ba ang nangyare, kung titignan ko silang dalawa, sobrang seryoso ng mukha nila at masama ang tingin sakin.

"mga pare, ano ba ang problema? bakit bigla ka nalang nanapak brian?" baling ko sakanya, tinignan muna niya ako ng masama bago siya sumagot sakin.

"fackshit ka keirre! sa dami ng babae bakit siya pa? " galit na sabi ni brian.

"ha? sinong babae pare?" naguguluhang sabi ko.

"alam na namin ang lahat pare, kaya umamin ka nalang at sabihin samin ang totoo." naiinis na sabi ni mark.

hindi ako makapagsalita, paano nila nalaman? wala akong pinagsabihan ng nangyari na iyon.kahit kay marie hindi ko masabi- sabi, kasi natatakot akong iwan niya ako pagnalaman niya ang nagawa ko. sasabihin ko naman sakanya ei, naghahanap lang ako ng maganda tyempo para masabi ko sa kanya. sino ang nagsabi sa dalawa kung bestfriend ng bagay na iyon, kami lang ni brielle ang nakaka-alam ng bagay na iyon at nangako siya na hindi mag-sasalita.


hello Forever! (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon