chapter six

56 2 0
                                    

A/N:

ipagpaumanhin po ninyo kung may mga typo error / grammars po kayong mababasa, ako ay tao lamang at nagkakamali .. ;-) ^____^

maraming salamat sa mga nakakaintindi

at sa mga

hindi BAHALA KAYO! buhay niyo 'yan ^___^

joke lang...

-kitteeennn











KM POV

ilang araw na ang lumipas mula ng malaman ko ang tungkol kila brielle at keirre, at iyong nakita kong tagpo nila ni jennie, masakit parin sakin ang lahat, sinunod ko din ang payo nila mark at mariz hindi ako lumapit kay keirre,kahit na minsan gusto kung lumapit sa kanya, lalo pag nakikita ko siyang nakatambay mag-isa, madalas ko din siyang makitang nakatingin samin mula sa malayo, hindi din ako nagloload para hindi ko siya maitext, ang cellphone ko iniwan ko sa bahay pag pumapasok. pero hanggang ngayon wala paring keirre na lumalapit sa akin, walang nagmama-kaawa na pakingan ko ang paliwanag niya. hanggang tingin nalang ba siya mula sa malayo? ganon ba ka taas ang pride niya, na kahit sa akin hindi niya maibaba man lang, siguro nga kailangan ko na siyang isuko, mahirap lumaban ng mag-isa dalawa kami sa relasyong ito, kaya dapat lang na dalawa kaming lumalaban.

nilibot ko ang paningin ko sa paligid kunti pa lang ang mga studyante, nasa garden ako ngayon ng school namin , naka-upo sa damuhan sa ilalim ng puno, ito ang paborito naming pagtambayan ni mariz noon, kung noon dalawa lang kami ni best, ngayon kasama na namin sila mark at keine. dahil katatapos lang ng kalse ko, naisip kong dito nalang sila hintayin, dito kami madalas magkita sa nakalipas na mga araw. naalala ko no'ng tuesday ng hintayin ako nila mariz at mark para sabay-sabay kami sa pag-uwi.

FLASHBACK

"class dismiss " sabi ng prof namin sa huling subject ko ngayon araw, lumabas na din siya pag kasabi niya no'n

"kaizelle marie, uuwi ka na ba?" si keine

nilingon ko naman siya, nasa likuran ko kasi siya nakaupo, " oo eh, bakit?" nakangiting taong ko.

"sabay na tayong bumababa, okay lang ba?" alanganin tanong niya.

"oo naman no! hindi ko naman pag-aari ang daan para hind kita payagan sumabay sakin" natatawang sabi ko. tama si best gwapo si keine, matangkad, malinis din siyang tignan...

"shall we?" nakangiting sabi ni sakin ni keine.

"ahm, oo, tara na.." sabi ko. tamihik lang kaming naglalakad sa hall way, pababa na kami ng hagdan no'ng bigla niya akong hawakan sa siko at alalayan sa pagbaba. bigla kong binawi kasi parang napaso ako sa pagkakahawak niya.

"a-ano ka ba keine, hindi mo na dapat gawin niya, hindi ako pilay para alalayan mo, ano ka ba." naka-ngiting sabi ko sa kanya.

"sige ikaw ang bahala, basta mag-ingat ka sa pagbaba baka mahulog ka sakin." bulong niya.

"ha? ano iyong sabi mo?" tanong ko na tinaasan pa siya ng kilay.

"sabi ko mag-iingat ka sa pagbaba" sabay kindat sakin..

hello Forever! (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon