THE HEARTS NEVER FORGETS

1.6K 44 0
                                    

A/N: salamat po sa mga nagbabasa ng it is love or not.. At sa mga walang sawang nagaabang ng next chapter ko, maraming salamat po sa inyo..

Ito na nga po pala ang last chapter mga guys kaya enjoy po kayo..

Pero may epilouge pa rin naman po para sa mga nabitin dito sa last chapter doon niyo po malalaman ang susunod na kabanata sa buhay nila cecile at kung ano nangyari sa kanila.

-------------------------------------------

CECILE'S P.O.V


Dahil nakapagpahinga na ako ready na akong lumabas at umuwi sa bahay ko ngayon, pero nasaan kaya yung mga yun bakit wala pa sila dito sabi nila sasamahan daw nila ako umuwi tapos kakain muna kami sa labas para makapagbonding kami.

Teka nga at mahanap muna sila nasa kanila pa naman release papers ko.

Paglabas ko ng pinto andoon sila nakaupo sa labas ng kabilang kwarto. Teka sino ang nandoon sa kwarto na yun at parang napakagloomy ng mga itsura nila ngayon.

Ay teka di ba sila.... VYN!!!! Tawag ko sa pangalan ni vyn na klasmate ko noong high school, teka di ba lima sila bakit apat lang sila, teka sino ba yung isa nila, kasi nakalimutan ko na eh...

Vyn kamusta!!! Kumaway pa ako sa kanila para mapansin nila ako.

At ng lumingon sila ay parang bigla silang nagulat at kinabahan.

Ai... Ce..ce..cile a.. a.. Anong gi..na..ga..wa mo di..to, pautal utal na sabi ni lanie sa akin.

Oh! Lanie bat tila yata nautal ka dyan bigla. May problema ba? Sino ba yang nasa loob ng kwarto na yan at nandiyan kayong lahat?

Ah wala cecile isang ka..ibi..gan lang.. lanie

Ah! Kilala ko ba?

Maaari, sabi ni vyn sa akin sabay iwas niya ng tingin.

hmp may kakaiba talaga dito eh, meron talaga silang di sinasabi sa akin eh.

Ah ganun ba so pwede ko rin siya dalawin at puntahan sa loob.

Agad akong dumiretso sa pinto nung kwarto na binabantayan nila.

Para silang mga timang na nafreeze sa mga pwesto nila at balak pa ata akong pigalan pumasok sa room na yun.

Pero may iba talaga akong pakiramdam dito eh, tila parang isang importanteng tao ang dapat kong makita na nasa loob ng kwarto na ito.

Dyan lang kayo wag niyo ako pipigilan buksan ang kwarto na ito at walang sususnod.

Pigil ko sa kanila, di ko alam kung bakit ko nasabi sa kanila ang mga salita na iyon, basta na lamang silang lumabas sa akng mga bibig.

Gusto ko mang bawiin ang mga nasabi ko sa kanila pero di ko magawa, dahil meron dito sa loob ng dibdib ko ang gustong tumuloy ako sa loob at alamin ang taong nilalaman ng kwarto na ito.

Pagkabukas ko ng pinto tila gustong tumalon ng dibdib ko sa kaba ng makita ko kung sino ang tao na na nakahiga sa kama.

Siya ang tao na.. Na..

Di ko alam kung anong meron sa akin ngayon pero kusang gumalaw ang mga paa ko papalapit sa kanya.

Di siya lumilingon sa akin pero bakit tila nararamdaman ko na may tumutulo na tubig mula sa mga mata ko. Di ko alam umiiyak ba ako, ano to, ano tong nararamdaman ko, di ko maipaliwanag halo halong saya, lungkot, pangungulila at pagmamahal at nararamdaman ko pero bakit siya ang business partner ko pero bakit parang higit pa siya sa pakiramdam ko.

Hinawakan ko siya sa balikat niya at lumingon na siya sa wakas pero tila mas lumakas pa ang pagtulo ng masasaganang mga luha sa mga mata ko.

Di ko na alam ang nararamdaman ko siya ba ang taong sobrang halaga sa puso ko at hinahanap ko, dahil kung siya yun. Pipilitin kong matandaan siya. Di man siya matandaan ng utak ko pero alam ng puso ko ang totoo, dahil ang puso ko kahit kelan di siya nakalimutan.

---------------------------------------

AA'S P.O.V

Alam ko may pumasok sa kwarto ko pero di ko siya pinansin at hinayaan ko na lang siya gawin ang gusto niya baka isa lang yan sa mga kaibigan ko.

Patuloy pa rin akong nakatingin sa labas ng bintana di ko alam pero parang may kakaiba sa pumasok sa loob ng kwarto ko. Di ko pa rin siya kasi nililingon hanggang ngayon.

Bigla siyang lumapit ang hinawakan ako. Lumingon ako, pero pagkalingon ko......

Ce..cile!!! Cecile!!! Wifey ko!! agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Nakita ko na umiiyak siya pero bakit kaya.

Nandito ka! Nandito ka na sa tabi ko! Pero paano, bakit? Di..ba di mo pa ako maalala daw.

W..wag mong sabihin na bu..malik na rin ang mga alaala mo?

Ku..kung ganun ibig sabihin kaya ka nandito kasi hinanap mo ako di ba..!?

Umiling lang siya sa lahat ng tanong ko habang nakayakap pa rin ako sa kanya.

Ayaw ko na siyang pakawalan pa ayaw ko na siyang mawala ulit sa akin. Sobrang haba na ng 7 taon para sa amin. Sobrang tagal noon para pakawalan ko pa siya ngayon.

Isang oras din kaming magkayakap este ako lang pala. Pero dahil baka nangangalay na siya kaya binitawan ko na rin siya pero di ko pa rin binitawan ang kamay niya na hawak hawak ko na ngayon, di naman siya tumutol sa mga ginawa ko sa kanya.

Pero may kakaiba pa rin sa mga mata niya na di ko malaman.

Mga ilang oras din kaming ganun sa sa ilang oras na yun ikinuwento niya sa akin na di pa talaga niya ako naaalala, pero nalungkot man ako ng malaman ko, pero di na yun mahalaga pa sa ngayon dahil ito na siya, ito na siya sa tabi ko kasama ko, at nahahawakan ko.

Pero malaki ang tiwala ko sa pagmamahalan nameng dalawa na maaalala niya din ako at iintayin ko at habang ginagawa ko yun di na ako aalis sa tabi niya kahit kelan.

Kahit pa tumanda pa kami sa kakaintay wala na akong paki pa. Basta ang alam ko eto na siya hawak ko sa mga kamay ko at kahit sino pa ang humadlang di ko bibitawan ang mga kamay na ito, dahil pag nangyari yun mas hihigpitan ko pa ang hawak ko sa kanya at araw araw ko ipaparamdam at ipapakita sa kanya na mahal ko siya kahit na anong mangyari.

----------------------------------------

Enjoy po kayo mga guys..

Thank you very much po sa lahat ng support..

next na po ang epilouge guys di pa naman po ito ang goodbye pero see you sa iba ko pang mga libro..

chow chow.. sayonara..


***raen***



IS IT LOVE OR NOT (lesbian romance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon