Too Many Chances

10 1 0
                                    

"Sorry, talagang hanggang dun lang e."

"Pasensya ka na, may feelings naman ako kaso ayaw mag- level up."

"Hindi ako manhid, talagang kaibigan lang ang turing ko sa'yo."

Lang'yang babae 'yon. Alam ba niya kung gaano kabigat yung pinapabuhat niya sa aking bag kapag sinusundo ko siya after school? Nagdala- dala pa kasi ng ganun kabigat na bag tapos hindi naman pala kayang buhatin. Alam ba niya kung gaano kahirap magtipid para lang makaipon ng panlibre sa kanya sa canteen? Minsan sa fastfood chain pa gusto. May baon naman siya! Huwag niyang sabihing wala. Ipapaputol ko lahat ng daliri ko kapag sinabi niyang hindi siya binibigyan ng nanay niya ng baon sa pagpasok sa school! Alam ba niya kung gaano kahirap ang efforts na ginawa ko para sa kanya, tapos sasabihin niya wala naman daw akong ginagawa? Put hanged in a lungs. Kulang pa ba lahat ng ginawa ko sa kanya? Yung assignment at projects niya, ako ang gumagawa! Kaya nga yung eyebags ko hanggang leeg ko na, kasi pati yung assignment ng buong cheering squad nila ako na yung gumagawa. Minsan kapag sinusundo ko siya galing sa practice, yung mga bag ng mga kasama niya sa akin pa niya ipadadala. Tapos gusto niya sumunod ako sa kanila habang naglalakad sila. Iyon pa lang, akala niya madali 'yon, tapos sasabihin niya wala man lang daw akong ginagawang efforts! Siya kaya yung pagbuhatin ko ng limang malalaking bag, dalawang jug ng tubig, at anim na balot ng take out meal habang naglalakad nang naka- straight body?

"At alam mo ba p're, napakatanga ko," sabi ko sabay lagok sa tubig na nakahain sa akin. "Napakalaking tanga ko lang talaga e. Pwede naman kasing hindi siya yung mahalin ko. Pero siya pa, p're. Siya pa na walang pakialam sa nararamdaman ko."

Tumawa si Oyton habang namumulutan ng mani na nabili namin sa tindahan ni Aling Nena.

"Ikaw naman kasi, ang dami ko na'ng ipinakilala sa'yo, dun ka pa rin sa babaeng 'yun nagpapaka- martyr," itinagay niya ang alak na nasa harapan niya. Kasalukuyan kasi siyang umiinom sa harap ng tindahan ni Aling Nena. Siya lang ang umiinom, hindi naman kasi ako lasinggero katulad ng unggoy na 'to.

"Pare, paano ba? Ang tagal ko na'ng nanliligaw sa kanya. Minsan nga naisip kong sumuko na, pero kapag nakikita ko siyang nakangiti, sumasaya na din ako."

"Tanga ka e."

"Lul. Mahal ko lang talaga 'yung si Liza."

"Kung ako sa'yo, tumagay ka na lang."

"Ayoko, may ipinapagawa pa kasing assignment si Liza sa'kin. Physics 'yon, men. Mahirap- hirap din 'yon."

"May mahirap ba sa'yo? E ikaw nga itong isang taon na lang, ga- graduate na ng kolehiyo. Huwag mo akong kakalimutan kapag naging jinjinir (engineer) ka na ha?" sabi niya at tinapik ang balikat ko. "Sige, ikumusta mo na lang ako sa kapatid mong si Inday."

"Hahaha," tawa ko bago tumayo. "Sa'kin pa lang basted ka na. Sige, mauna na 'ko."

Kinabukasan pagpasok ko sa eskwelahan, naabutan ko siyang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya. Nakita agad niya ako at hiningi ang assignment na ipinagawa niya sa akin kahapon. Habang iniaabot ko ito sa kanya, tinanong ko sa kanya kung pwede ko ba siyang ayaing mag- lunch mamaya.

"Pwede naman, kaso kasama ko yung friends ko, e. Okay lang ba sa'yo?" tanong niya.

Medyo nagulat pa ako sa sinagot niya kahit na alam kong lagi naman talaga niyang kasama yung mga kaibigan niya. Saglit pa akong nag- isip dahil naisip kong baka kulangin ako sa pera pangbayad mamaya. At saka, may sasabihin kasi ako kay Liza habang kumakain kami, ang balak ko sanang date e kami lang munang dalawa. Hay. Bahala na nga.

"O- okay lang naman sa'kin," sagot ko.

Ngumiti siya at saka hinawakan ang dalawang kamay ko. Pakiramdam ko gumapang ang kuryente sa mga ugat ko nung ginawa niya 'yun at hindi ako makagalaw.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon