When Fame Fades

4 0 0
                                    

He was once the king. He was once the superstar. He once dominated every girl's heart. He used to own mine, too.

Fan niya ako, mula nung fifteen years old pa lang ako. Eighteen years old siya nuon, at sikat na sikat siya sa buong mundo. Posible yun. Wag ka nang umangal d'yan.

Pero sampung taon na ang lumipas. Wala na siya sa katanyagan. Nalipasan na siya, iniwan na siya ng mga tagahanga niya, dahil nagbago na ang uso.

May isang pagkakataon na nagkasabay kami sa pag- pindot sa vendo machine sa isang cafeteria. Nagkatinginan kami at agad ko siyang na- recognize.

"Go ahead," iyon ang sabi niya. Malungkot ang mukha niya. Hindi man lang siya ngumiti sa akin.

Alam kong hindi niya ako nakilala dahil fan lang naman ako at hindi ako nagkaroon ng pagkakataong makapagpa- autograph o makipag- meet and greet man lang sa kanya nung sikat pa siya. Pero ganun pa man, hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang pagtingin at paghanga ko sa kanya.

Sa murang edad ko noon, siguro mukhang joke lang kung sasabihin kong minahal ko siya. Ang bata ko pa nuon, pero nararamdaman ko ang malakas na tibok ng puso ko kapag nakikita at naririnig ko ang boses niya sa mga kanta niya na lagi kong pinakikinggan. Lagi kong inaalam lahat ng nangyayari sa kanya, pati ang mga kinikilos at pinupuntahan niya. At dahil doon, lalong lumalim ang nararamdaman ko. Hindi lang ako humahanga. Minahal ko siya. Minahal ko talaga siya.

Nagkasabay ulit kami sa cafeteria. Sa pangalawang pagkakataon, hindi ko na siya pinalampas. Umupo ako sa table kung saan siya nakaupo at kinausap ko siya. Nagulat pa siya sa ginawa ko dahil wala namang pumapansin sa kanya.

"Sir, may I ask you something?"

Hindi siya sumagot kaya nagtanong ulit ako.

"Why are you always here?"

Natigilan siya.

"Who are you? Are you here to mock me? Ipapamukha mo din bang ganito na lang ako? If you have no good things to say, just shut up and go."

"No, Sir. I'm just curious because I always see you here. That's all."

"Why do you care?"

Hindi ako nakasagot. Yumuko na lang ako.

"I work here."

My head lit up with what he had said. Really?

"..As a janitor."

" ... "

Hindi ako makapaniwala. Janitor, yung idol ko? Janitor?

Luminga siya sa paligid.

"It's funny. Dati, hirap akong pumasok dito sa dami ng fans ko. Ngayon, wala nang pumapansin sa akin. Nung unang punta ko nga dito, ayaw pa akong papasukin ng guard dahil daw mukha akong pulubi." tumawa siya nang bahagya habang umiiling.

"You didn't change. You still have your mannerisms, Sir. You are still the humble person that you are once. "

"You recognized me," amazed niyang sabi. Tumango ako bilang sagot.

Matapos ang usapan naming iyon, araw- araw na kaming nagkikita sa cafeteria kapag lunchbreak. Nag- uusap ng kung anu- ano, nagpapalitan ng mga jokes at punchlines, nagsasabihan ng problema. Kahit isang oras lamang ang mga sandaling iyon sa bawat araw, kuntento na ako dahil kahit papaano'y natupad ang dati ko pang pangarap: ang makausap siya. Hindi ko lang natupad ang pangarap na iyon. Nalagpasan ko pa dahil araw- araw ay nagkikita at nag- uusap kami sa cafeteria.

Madalas tungkol sa musika ang pinag- uusapan namin. Natuklasan niyang marunong din akong tumugtog ng piano. Hindi niya inaasahan iyon, hindi daw kasi halata na mahilig ako sa musika sa unang tingin.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon