Tagay, Sinok

3 0 0
                                    

"1000.. 2000... 2,500.." Malaki ang ngiting binibilang ko ang pera sa mga kamay ko.

Kinapa ko ang naghuhumiyaw na telepono mula sa bulsa ko at pinindot iyon bago inilapit sa kaliwang tenga ko habang naglalakad sa kahabaan ng pathway papunta sa gate ng pinapasukan kong kolehiyo.

"Tara na, ikaw na lang ang hinihintay. Nagsisimula na kami," bungad ni Mich, isang kabarkada na nakilala ko sa tagong bahay- inuman malapit sa aking eskwelahan.

May inuman session na naman kami at nagche- check na siya ng attendance.

Tumingin ako sa relos ko. 9: 30. Alas- diyes pa ang unang subject ko.

"Sige, wait."

Naglakad ako papunta sa bahay- inuman kung saan sila naroon.

Nagsisimula na sila nung maabutan ko. Inisa- isa ko ang kanilang mga mukha: may tatlong babae at apat na lalake. Lima ang nakilala ko. Ang dalawang lalaki ay hindi ko kilala at ngayon ko lang nakita.

Naramdaman ni Mich ang pagdating ko kung kaya't lumingon siya at tumayo pagkakita niya sa akin sa may pinto.

"O, nandito ka na pala!" bati niya sa akin. Lumapit siya sa akin at masayang hinila ako paupo sa upuang katabi ng isa sa dalawang lalaking hindi ko kilala.

"Ito si Paul," turo niya sa lalaking katabi ko. "Dala siya ni Rej kanina. Iyon naman si Mac. Ayun, yung naka- green katabi ni Kyla." itinuro niya ang isa pang lalaki.

Tumango lang ako sa kanila at matipid na ngumiti.

Hindi na bago ang ganitong eksena sa akin. Sanay na ako sa mga bago naming nakakasama, marami- rami na rin kasi iyon, ang iba nga'y nakalimutan ko na. May mga nagtatagal at may hindi; lumilipat sila sa ibang bar at yung iba nama'y kung hindi napapaaway ay nakakahanap ng kasintahan at kalaunan ay hindi na napapagawi dito.

Kami ang suki dito sa restobar na ito. Halos araw- araw kasi ay nandito kami. Tamang chill lang. May napapaaway, pero pagkatapos nun, tinatawanan lang namin. Patak- patak kami sa inuman, bente pesos ang minimum na ambag ng bawat isa.

Tumingin ako sa relos ko sa gitna ng pakikipagkwentuhan ko sa katabi ko.

9: 45 na.

"Mich," kinalabit ko siya. "Balik muna ako sa school ah, may pasok kasi ako ng alas- diyes."

Tumango siya.

"Okay lang 'yan! Sus, itagay mo muna. O, dalawang tagay yung sa'yo ha, na- late ka e." sabi niya habang nagsasalin ng alak sa shotglass at pagkatapos ay iniabot niya ito sa akin.

Ininom ko muna ito at akmang tatayo pero pinigil ni Mich ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. May hawak ulit siyang shotglass na may lamang alak.

"Sa'yo ulit," nakangiting sabi niya na para bang alam na ang ibig kong sabihin.

Matapos ang tagay na 'yon ay nakaramdam na ako ng hilo.

"Mich, papasok na ako. Balik na lang ako mamaya," sabi ko sa kanya.

"Kaya mo pa ba?" mayroong makahulugang tingin sa kaniyang mata at pinipigilan kong salubungin ang ibig sabihin no'n.

Hindi ako kaagad nakasagot dahil aminado ako sa sarili kong medyo nahihilo na rin ako.

"Kitams, di mo na kaya. Bukas ka na lang pumasok, dude. Late ka na rin, o."

Ipinakita niya sa akin ang relo niya at nagulat ako nang mapagtanto kong alas- onse na. Late na ako. Late na late na.

Kung kaya't nagpatuloy ang ikot ng baso, kasabay ng unti- unting pagkaubos ng pera ko.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon