Yet Apart

2 0 0
                                    

How far can you go if you love someone of your own blood? How painful could you endure for the sake of your relationship?

I crumpled the piece of paper that I found in one of my books. Kasalukuyan akong nag- aayos ng gamit ko sa apartment na ibinigay sa akin ng step dad ko. I gave off another sigh, for the nth time.

I miss California. The sweet mornings with her by my side. The discreet moments that seemed like forever because I'm happy with the girl that I love the most. I miss her.

Hindi ko alam kung bakit ipinadala ako dito ni mom. Ang alam ko lang, dito na ako magpapatuloy ng college. Kasama ko ang isa kong pinsan, si Stephen. Siya ang pinakamalapit kong pinsan, at ang pinaka- nakakakilala sa akin. Alam niya ang lahat sa akin dahil magkasama kaming lumaki. Higit sa lahat, alam niya ang relasyon namin ni Yna, ang second cousin ko. Anak ng kapatid ng lola ko. Magulo? Oo, magulo.

Hindi alam ng angkan ang tungkol sa amin. Kami lang ni Stephen, Yna, at ako ang may alam. Alam naman nating lahat na bawal ang ganung klaseng relasyon, hindi ba? Pero ano'ng magagawa ko? Mahal ko si Yna. Mahal ko siya bago ko pa nalamang magpinsan pala kami.

"Hoy! Kanina ka pa diyan, nakaligo na ako hindi ka pa din tapos." tinapik ako ng Stephen sa balikat at pumasok sa kwarto niya. Sinuntok ko na lang ang braso niya.

"Do you think she'll be okay there?" tanong ko kay Stephen na lumalakad na palabas ng kwarto habang nagpupunas ng buhok.

"Nasa Pinas ka na English ka pa ng English," sagot niya. Alam kong hindi niya ako madiretsa ng sagot dahil parehas naming hindi alam ang lagay ni Yna.

Pero nag- aalala ako. Plus, namimiss ko na siya.

"Let's go back to Cal." sabi ko.

Binato niya ako ng hawak niyang towel. "Gago ka ba, pare? Kakadating mo lang, aba!"

Binato ko sa kanya pabalik ang towel. Ang baboy, puta.

May ibinigay si Stephen sa akin at nagulat ako nung tiningnan ko ito. Sulat. Nakalagay sa maliit na sobre, kasinliit ng dalawang pinagdikit na daliri.

"Sabi niya ibigay ko daw sa'yo."

Iyon lang ang sinabi niya at pumasok na ulit siya sa kwarto niya.

Naupo ako sa kama ko, sa ibabaw ng nagkalat na damit at mga libro na kanina ay inaayos ko. Maingat na binuklat ko ang sulat.

"Sab,"

Pagkabasa ko pa lang sa unang salita ay nagbadya nang tumulo ang luha ko. Sab. Siya lang ang tumatawag sa akin no'n.

"I know this ain't the right way to say this but, I love you. You know I do. We have overcome so many struggles. But this one's too hard.."

Kumunot ang noo ko. What does she mean?

"You need to focus on your studies, Sab.. "

I'm focusing, Yna. What do you really want?

"I'm going to make things right."

Tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung dahil naguguluhan ako sa mga nakasulat, o dahil natatakot ako sa ibig sabihin nito.

"Please trust me with this. I love you, Sab. I love you now and forever, and everyday in between. But you have to know something. I'm--"

Ibinaligtad ko ang sulat pero walang kasunod ang huling salita. Ano? Ano ang kailangan kong malaman?! Ano?! Nasaan ang kadugsong?!

I picked up my phone and dialed her number.

Hindi niya sinasagot.

Nanlulumo ako. Nag- aalala ako sa kanya, wala akong ideya sa mga gusto niyang sabihin sa sulat niya. Ano'ng problema? Bakit ganun? Ano'ng gagawin niya?

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon