Rainbows

2 0 0
                                    

"You've cut your skin again," he sighed while looking at my wrists that he was holding. Nandito kami sa puno ng acacia sa tabi ng bukid kung saan kami lang dalawa ang nakakaalam. Kaming dalawa ang nakadiskubre ng lugar na ito, kung kaya't dito na lang rin kami nagkikita nang palihim.

Binawi ko ang mga kamay ko at ibinalik ang panyo na ibinubuhol ko para matakpan ang mga sugat ko. Iyon ang madalas kong gawin. Sinusugatan ko ang sarili ko kapag malungkot ako. I would rather feel the pain in my skin than the pain inside me. Mas masakit kasi iyon.

Sumandal ako sa balikat niya.

"You know that I always do this when Dad hurts me."

Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at iniharap ang mukha ko sa kanya. Malambing niyang hinalikan ang tungki ng ilong ko.

"Mahal na mahal kita alam mo yan. Kaya kapag nasasaktan ka, mas doble yung impact nun sa'kin. Kaya, ikaw. Ngiti ka na.."

Ngumiti ako. "Sabihin na kaya natin sa kanila? Baka sakaling payagan nila tayo. Wala naman tayong ginagawang masama, hindi ba?"

"Kaya mo na ba?"

"Ewan ko. Hindi ko pa nasusubukan, eh."

Iniyakap ko ang mga braso ko sa bewang niya. "Sana lagi tayong ganito, ano? Yung.. ganito. Walang iniisip na anumang problema. Yung ine- enjoy lang natin bawat oras na magkasama tayo."

"Mangyayari 'yan kapag hindi tayo bumitaw sa isa't isa."

"Hindi ako bibitaw. Pangako."

...

"What's this, huh? Magpapakamatay ka? Bakit? Saan mo napulot 'yan?!" sigaw ni Dad sa'kin isang umaga. Hawak niya nang madiin ang mga kamay ko. Nakita ko ang dugo na umaagos mula sa mga sugat ko, pero wala akong magawa para pigilan iyon.

"Hindi naman ako-"

"Nasaan ang utak mo? Kung gusto mong mamatay, ako na lang ang papatay sa'yo! Ano, gusto mo? Ha?! Saan kami nagkulang sa'yo? Sabihin mo!"

Napapikit ako nang mariin. Paano ko sasabihin ang tungkol sa'min kung ganyan siya? Natatakot ako.

"Pa.." inaawat ni Mama si Papa sa pananakit sa akin. Lalo niya kasing dinidiinan ang mga kamay ko at napapasigaw ako sa sakit.

"Huwag mo akong pakialaman! Isa ka pa! Kinukunsinti mo yung kalokohan ng panganay mong 'to!"

"Wala akong kalokohan.." bulong ko habang umiiyak. ".. Nagmamahal lang ako.."

Tumahimik si Papa at Mama sa pagtatalo nang marinig nila ang mga sinabi ko. Ilang minuto ding nanaig ang katahimikan bago nagsalita si Papa.

"Hiwalayan mo siya. Kapag hindi mo ginawa, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo." At iniwan niya akong umiiyak kasama si Mama.

...

"Kantahan mo ulit ako," sabi ko sa kanya habang nakaunan ako sa lap niya.

"Wag na, hahanga ka na naman sa'kin eh." pagbibiro niya. Pero hindi ko nagawang tawanan ang biro niyang iyon. Mamaya kasi.. sasaktan ko na siya.

"Sige na.. Please?"

"Hay, sige na nga."

At nagsimula na siyang kumanta.

Napapapikit ako habang ninanamnam ang huling oras na magkakasama kami. Sana hindi ito ang huli. Sana hindi ito totoo. Sana panaginip lang ito. Sana pag- uwi ko sasabihin ni Papa na payag na siya sa relasyon namin. Sana tumigil ang oras. Mamaya kasi.. sasaktan ko na siya.

Iyon ang pinakamasakit na pagkakataong kinantahan niya ako. Iyon ang mga lirikong halos dumurog sa puso ko. Mamaya kasi.. sasaktan ko na siya.

...

"Sabi mo hindi ka bibitaw! Bakit ganyan ka?! Nangako ka sa'kin, may pangako tayo!" Iyak siya nang iyak habang nakakapit sa damit ko. Ayoko siyang tingnan. Ayokong makita siyang nasasaktan. Baka hindi ko mapigilan, bawiin ko yung mga sinabi ko. Hindi ko na din makayang magsalita. Baka kasi kapag nagsalita ako, maiyak lang ako.

Niyakap niya ako nang mahigpit. "Please.. Please wag kang umalis. Please wag mo kong iwan.. Kasi hindi ko kaya eh. Mababaliw ako. Please, hindi ko kakayanin.." halos wala na siyang boses dahil sa kakaiyak. "Ipaglaban mo naman ako o.. Ipaglaban mo naman tayo.."

Tinanggal ko ang mga kamay niyang nakakapit sa damit ko.

"Hindi ko kaya.."

"Pnyeta naman e! Bakit ang duwag mo! Bakit hindi mo ako maipaglaban sa kanila! Sabi mo mahal mo ko!"

"Mahal kita! Sobrang mahal kita! Kaya lang.." Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Kaya lang duwag ka! Please naman.. Parang awa mo na. Wag mo 'kong iwan.. Ikaw na lang ang natitirang tama sa buhay ko.. " sigaw niya habang nagpupunas ng luha pero wala ring epekto dahil tuluy- tuloy pa rin ang agos niyon. "Nasasakal ka ba sa'kin? Sige kahit makipag- date ka o magbarkada sa harap ko okay lang. Babawasan ko na din ang pagsasabi ng totoo gaya ng 'gwapo ako'.. Hindi na din kita pipigilang maglibot kasama ang tropa.. Wag mo lang akong iwan please, hindi ko kakayanin. Ipaglaban mo naman ako.. Kayanin natin!"

"Kaya lang kahit ipaglaban kita talo pa din tayo!"

Natahimik siya. Parehas kaming umiiyak at naghahabol ng hininga dahil sa sunud- sunod na hikbi naming dalawa.

Maya- maya ay tumawa siya nang mapait.

"Fine. Sige, iyan ang gusto mo?" marahas niyang hinablot ang kwintas sa leeg ko. Ang kwintas na binigay niya dati sa akin. "Itapon na natin 'to."

Hinablot din niya ang suot niyang kwintas at isinama iyon sa kwintas ko saka inihagis sa gitna ng bukid.

"Maglaho ka na din sa buhay ko." sabi niya at umalis.

Ilang taon ang lumipas. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, nagkasalubong kami sa isang park malapit sa pinapasukan kong eskwelahan. Hindi siya nagbago. Ang amoy niya, ang itsura niya, ang buhok niya. Gaya pa din siya ng dating lalakeng minahal ko.

Nagtama ang mga mata namin. Nangungusap ang mga iyon na para bang may gustong sabihin ngunit hindi mailabas ng mga labi naming dalawa. Matagal kaming nagkatitigan, at bumalik sa akin ang mga alaalang ginawa namin nung mga sandaling.. hindi pa tapos ang lahat.

"K- kumusta ka na?" iyon ang tanging lumabas sa bibig niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Pero hindi ako nakasagot nang may yumakap sa mga binti ko. Parehas kaming napatingin habang nagsasalita ito.

"Mommy! Inaaway nila ako! Wala daw akong Daddy!" sigaw ng batang babae na umiiyak habang nakakapit sa mga binti ko.

END

***

This is based on a true story.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon