Chapter 1

1.9K 31 3
                                    

MAICA's POV

"Third year na tayo sa pasukan, bes!" sabi ko kay Elise na bestfriend ko habang papasok kami sa mall. 2weeks nalang kasi bago ang pasukan ng 3rd year. Since pinanganak ata kami eh magbestfriends na kami. Ewan koba, parang ampon ata kami kasi parang magkapatid talaga turingan namin.

"Oo nga bes! Grabe ang bilis.. 3rd year na tayo next school year! Sana kaklase kona si crush....!" sagot nya sakin. Napatingin ako ng masama sa kanya.

"Oh, bakit? Akala ko ba bes may freedom tayong dalawa sa crush natin?" sabi nya pa.

"Naman kasi bes, bakit sa dinami-dami ng magiging crush mo, si JM pa? Ang sama sama kaya ng ugali nya! Parang di nga tao yun sa ugali nya eh." sabi ko sa kanya, tapos ni-cross ko yung braso ko.

"Bes namaaaaan.. matagal naman na yung away nyo diba?"

"Kahit na no! Nakakahiya ginawa nya sakin. I will never forget what he did to me."

"Sus, bes tinawanan kalang nya nung nadulas ka sa canteen."

"Tinawanan nyako SA HARAP NG CRUSH KO BES!! SA HARAP NG CRUSH KO! At FYI bes, hindi lang yon ang ginawa nya sakin." sabi ko sa kanya na parang pasigaw.

Tinapik nya lang yung balikat ko tapos sabi nya, "Okay lang yan bes, tinulungan ka naman ng crush mo tumayo eh." tapos tumawa sya ng onti habang papasok sa National Bookstore.

"Basta. Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa nya." sabi ko, tapos nagpunta ako sa magazines section.

"Speaking of... bes lingon ka oh." sabi ni Elise habang nakaturo sa isang section doon.

"Oh..?" sabi ko. Si JM ang tinuturo ni Elise.

"Tignan mo oh! Sobrang cute.. grabe bes, matutunaw talaga sya pag naging classmate ko sya!" sabi ni Elise habang parang nag-hihisterical na kinikilig.

"Bes, umayos ka nga. Nakakahiya ka." sabi ko pagkahampas ko ng notebook sa braso nya.

JM's POV

Napadaan ako sa National Bookstore. Yung kaibigan ko kasi dun pako niyaya na magkita.

"Bro, have you seen the girl on the first sec?" sabi ni Mark.

"Sino dun?"

"Yung Romero ang last name? Sikat yun ah. Inaagawan ka ata ng spotlight."

"Maica yung pangalan nya bro. Bestfriend nya yung kapatid ko eh." sabi ni Edward.

"Diba sila yun?" sabi ni Sherwin habang nakaturo sa dalawang babae sa magazines section.

That girl looks very familiar..

"Bro, si Julia oh." sabi ni Mark.

Si Julia. Ex ko sya. I know I've been a bad boy, pero naging loyal ako sa kanya. I've been true to her, pero akala nya na nag-cheat ako sa kanya, so she broke up with me.

When she caught me looking at her, she rolled her eyes on me.

"Don't mind her, guys. Let's go." sabi ko then lumabas na kami tapos nagpunta sa Timezone.

MAICA's POV

"Bes, sundan natin sila!" sabi ni Elise.

"Ha? Bakit?" sabi ko habang nagbabayad sa counter ng mga binili namin na books.

"Eeeeh!! Bes sige na!! Pleaaase?" sabi nya.

"Ililibre kita ng favorite mo sa starbucks!" pauto pa nya sakin.

"Tsk. Nakakainis ka talaga. Sige na nga!" sabi ko, tapos sumama ako sa kanya.

"Samahan mo din pala ako sa pag-enroll mamaya sa school ah? Baka ma-late ako. 4:30pm yun. Masasaktan ka sakin, sige ka." sabi ko sa kanya habang hinihila nya ako sa kung saan sila nagpupunta.

Mission: Pretend As The Campus Couple (For SoEulmates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon