~Edward+Sabrina on the multimedia <3 ~
MAICA's POV
Hinanap ko si Drew kung san sya pwede magpunta, pero wala sya dun, kaya umuwi nako kasi baka nakauwi na sya.
"Ma, nakauwi napo ba si Drew?" tanong ko kay mama pagkapasok ko ng pinto.
"Hindi. Bakit, hindi ba kayo magkasabay umuwi?"
"Hindi po eh... Ma hanapin ko nalang muna sya. Baka may masamang mangyari dun." sabi ko.
"Bakit nak? May nangyari ba? Nag-away ba kayo?"
"Ma.. Basta ma, mahabang story.. Try ko nalang po ikwento pagbalik namin." sabi ko tapos umalis.
Inuna kong pumunta sa school, pero sarado na. Bigla kong naisip yung playground na lagi naming tinatambayan.
Pagdating ko, nakita ko kagad sya, nakaupo sa swing.
"Drew.." sabi ko. May hawak sya na bote ng alak.
"Drew.. Ano ba tong ginagawa mo?"
"I'm the one who's supposed to ask that question. What are you doing? Why are you doing this to me?" sabi nya. Hindi sya tumitingin sakin. Tumabi ako sa kanya, tapos dun ko narinig na nag-sniff sya na parang umiiyak.
"As I said, Drew.. Di ko alam kung pano o kung bakit, pero mahal ko sya.."
"Why him? Why not me?"
"I.. I needed you, Andrew. Hindi ko alam kung minahal din kita.. I waited. I think I felt something for you.. tapos nawala ka. Hindi tayo nagkausap ng matagal.."
"Can't you bring back what you felt for me before?" sabi nya tapos tumingin sya sakin. Namumula na yung mga mata nya.
"Hindi ko alam Drew.. Hindi ko alam..." sabi ko habang umiiyak.
"I'm sorry Andrew. Hindi ko sinasadya.. It just happened." sabi ko.
"I want you Maica. Just the way that you were mine before.. Please.. I promise, I won't hurt you like he did. I'll take care of you.. I'll protect you Maica. Please.." sabi nya, tapos nabitawan nya na yung bote na hawak nya habang umiiyak.
"Drew.. tama na.. Ayokong umiiyak ka." sabi ko tapos tumigil nako sa pag-iyak.
Pumunta sya sa harap ko, tapos nilagay nya yung kamay nya sa knees ko.
"Maica.. Please.. I love you. I love you so much." sabi nya habang umiiyak padin.
"Drew.. Stop.. Please.." sabi ko tapos pinatayo sya at tumayo din ako tapos niyakap ko sya.
Niyakap nya din ako. Umiiyak parin sya.
"Wag kana umiyak.." sabi ko, tapos nagring yung cellphone ko. Ringtone ko para kay mama yung tumunog kaya sinagot ko.
"Ma, nakita ko napo si Drew. Uuwi napo kami." sabi ko tapos binaba kagad yung tawag.
"Umalis ka lang, natuto kana uminom.." sabi ko habang naglalakad na kami pauwi.
"I don't drink. It's my first time." sabi nya.
Nakarating kami kagad sa bahay kasi malapit lang yung park.
"Buti nakauwi na kayo! Sobra pag-aalala ko.. 11:30 na halos oh!" sabi ni mama.. pero tahimik lang kami.
"Anong nangyari?" tanong ni mama.
"I better go upstairs, tita." sabi nya tapos dumiretso sa taas.
"Nag-away ba kayo?" tanong ni mama. Niyakap ko si mama.
BINABASA MO ANG
Mission: Pretend As The Campus Couple (For SoEulmates)
Teen FictionHER scholarship in exchange of a FAKE RELATIONSHIP with HIM. HIS plan is to make HIS and HER EXes jealous. Pano kung mangyari ang plano nila? What if HE falls in love with HER? Basahin mona kasi to! Maku-curious ka lang nyan.. XD