~Sherwin on the multimedia <3 ~
ELISE's POV
"Ha? Ano nangyari kanina?! Okay ka lang ba anak?" tanong ng mama ni Maica sa kanya.
"Opo ma, Okay lang po ako. Niligtas naman po ako ni JM kanina eh." sagot ni Maica.
"JM? Yun ba yung bully mo nung elementary? Kaklase mo sya?" tanong ulit ng mama ni Maica.
"Opo ma.." sagot nya.
"Naku, kayong dalawa. Lumayu-layo kayo sa kanya. Baka bad influence lang yung batang yun." sabi ng mama nya.
"Tita, mabait po yun. Parang nagbagong-buhay na nga kasi tinutulungan nya si Maica sa scholarship nya." sabi ko, tapos siniko ako ni Maica.
"Akala ko ba nak, may sponsor ka? Sya ba yung sponsor mo?" tanong ni tita.
"Opo ma.. Nalaman ko nalang din po kasi nung nagkita kami." sabi ni Maica, tapos ang sama ng tingin sakin.
"Osya. Kumain na kayo." sabi ni tita tapos pumunta na sa kusina at pinasunod kami.
"Bes dito kana matulog!" yaya ni Maica sakin. Ngumiti ako at nag-nod sa kanya.
"Paalam muna ako kay Edward. Baka mag-alala nanaman yun." sabi ko, kaya tumawag ako kay Edward.
"Kambal?" sabi ko pagka-sagot nya ng tawag ko.
"Kambal? Di kapa ba uuwi? 7pm na."
"Dito ako kanila Maica matutulog tonight. Please ask kuya Ces to bring me school uniform para bukas." sabi ko sa kanya. Nag-sigh sya tapos sabi nya, "Oo na. Hindi naman ako makaka-hindi sayo. Basta ingat ka jan kambal ah. Txt moko pag kelangan."
"Naman. Ikaw din kambal. Ingat kadin ah? Bye." sabi ko tapos nagbye nadin sya at binaba na yung tawag. Maya-maya dumating na si kuya Ces dala yung uniform ko para bukas.
"Tenchu kuya Ces! Paki bigay nalang to kay Edward." sabi ko pagbigay sa kanya ng maliit na paper bag na may laman na iced coffee na favorite ni Edward.
"Ingat ka Elise ah." sabi ni kuya Ces, tapos umalis na.
Nagpalit nako ng damit kasama si Maica. Pagkabihis namin, gumawa na kami ng assignments.
"Bes may assignment ka sa math?" tanong ko kay Maica.
"Wala pa. Gagawa palang." sabi nya. Naghahalungkat kami ng mga bag namin nang nakita ko yung letter ng secret admirer ko.
"Bes, oh.." sabi ko nang ipakita ko sa kanya yung letter.
"PABASA!!" sabi nya habang kinukuha yung letter sakin. Nilalayo ko sa kanya yung letter kaya di nya makuha sakin hanggang sa kiniliti nya ako tapos nakuha nya sakin.
"Akin yan eh.." sabi ko, tapos may nakita akong pink na envelope tapos heart yung stamp na nagsasara sa envelope.
"Ano to....?" sabi ko na mejo malakas ang boses. Napatingin sya sakin, tapos kinuha yung envelope sakin.
"Ibigay mo yung akin, bibigay ko yung sayo." sabi ko tapos nagbelat sa kanya. Binato nya sakin yung akin, tapos binato ko din sa kanya yung kanya.
"Sabi ko sayo may admirer kadin eh.." sabi ko sa kanya.
"Di admirer to." sabi nya.
"Di admirer? Eh may heart na stamp?" pang-aasar ko pa. Tumawa lang ako at binasa na yung letter ng secret admirer ko.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Dear Elise,
You weren't in your classroom today, I see. But I bet you were in your swimming class. I hope you were fine after the class. I have a phobia of deep waters by the way. Siguro tinatawanan mo na ako ngayon dahil sa phobia ko.. pero okay lang. Atleast I made you smile, just as I want to see in your lips everytime. I'll try hard to overcome this fear of mine someday.. so I could save you by the time that you're asking for help from the deep seas. I hope you'll be happy by the time that you'll know who I am. I hope your day was fine, as always.
BINABASA MO ANG
Mission: Pretend As The Campus Couple (For SoEulmates)
Teen FictionHER scholarship in exchange of a FAKE RELATIONSHIP with HIM. HIS plan is to make HIS and HER EXes jealous. Pano kung mangyari ang plano nila? What if HE falls in love with HER? Basahin mona kasi to! Maku-curious ka lang nyan.. XD