Chapter 4

1.2K 18 4
                                    

~Edward on the mulitimedia <3 ~

MARK's POV

Kinatok ko yung pinto ni Elise kasi kakain na kami sa baba. Hinintay ko syang lumabas hanggang sa hindi ko na-realize na magkaharap na ang mga mukha namin.

"Mark! Ano ba!!" sabi nya, tapos tinulak nyako. Muntik nako matumba, but I fortunately kept my balance.

"Anong ginawa ko?!" tanong ko sa kanya. Napansin ko yung cheeks nya namula.

"Ikaw kasi eh! Ewan ko sayo!" sabi nya tapos tumakbo pababa.

Napakamot lang ako ng ulo at napangiti, tapos sumunod nako pababa.

Pagdaan ko sa sala, nakita ko si JM at Sherwin na naglalaro parin ng NFS sa PS3. Nung pumunta naman ako sa kusina, nakaupo si Edward at Elise na magkaharap kaya nagtago ako sa may gilid.

"Pagsabihan mo nga kasi si Mark! Bigla bigla nalang sumusulpot.. Nakakagulat!" sabi pa nya, yung headphones nya nakasabit sa leeg nya.

"Sobra ka naman kambal. Baka thoughtful lang yung tao na pababain ka para kumain?" sabi ni Edward.

"Sya kaya nag-sabi na baka nagugutom kana kaya tinawag ka nya." dagdag pa ni Edward. Di lang sumasagot si Elise. Pumasok nako sa kusina at tumabi kay Edward.

"Ano na? Did you eat?" tanong ko.

"Sobra naman ata ang thoughtfulness mo Mark. Ganyan kadin kaba kanila Edward?" tanong ni Elise. Napangiti lang ako tapos lumingon kay Edward.

"Oo nga bro. Ganyan kadin ba samin?" tapos ngumiti si Edward na pang-asar.

Ginulo ko yung buhok ni Elise at sabi, "Syempre naman. Importante kayo sakin eh."

"Kumain kana nga jan. Ako kakain nyan, sige ka." sabi ko pa kay Elise, tapos pumunta kanila JM.

ELISE's POV

Lumabas ng kusina si Mark at naiwan nanaman kami ng kambal ko.

"Kambal, sya lang ba ang ganyan?" tanong ko kay Edward.

Ningitian lang ako ni Edward at sabi, "Anong ganyan?"

"Yung ganyan ka-bait. He's nice. Unlike the three of you, especially si JM." sabi ko tapos sumubo ng kanin.

"Actually mabait naman kami.. Di nga lang sa lahat ng tao. Sayo naman mabait kami, diba?" sabi nya tapos binigyan ako ng baso na may tubig.

"Sabagay... Pero kambal, alam mo ba kung bakit galit na galit si Maica kay JM?"

"Sa pagkakaalam ko, binubully ni JM si Maica nung mejo bata pa sila. Eh diba grade 5 lang kaming apat naging magbebest friend?" sabi ni Edward.

Pasalita na ata ako nang biglang pumasok si JM.

"Kita mo?! Nasa lahi nyo ba ang bigla biglang sumusulpot?!" sabi ko kay Edward.

"Bro, penge naman ng juice. Nakakainis, tinalo nanaman ako ni Sherwin." sabi nya habang kumukuha ng baso.

"Dun sa ref. Alam mo naman na specialty nya ang NSF, bro." sabi ni Edward. Natapos nako kumain kaya inayos kona yung pinagkainan ko.

"Tapos kana nun, kambal?" sabi ni Edward.

"Gusto mo magsimula ako ulit?" sabi ko tapos ngumiti na pang-asar.

"Akyat nako kambal. Pakisabi nalang kay yaya na hugasan yung pinagkainan ko."

"Di na, ako na maghuhugas. Mag-alarm kana ng sarili mo ah. Di kita gigisingin pag di ka nag-alarm." sabi ni Edward tapos ngumiti.

Ang bait talaga ng kambal ko. ^_^

Mission: Pretend As The Campus Couple (For SoEulmates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon