Chapter 8

930 12 3
                                    

A/N: ~Martin on the multimedia

MAICA's POV

Nag-alarm yung alarm clock ko.

Bumangon nako tapos pinatay yung alarm clock. Pagtayo ko sa sahig, parang hindi ko maexplain...

"Maica..." may nagmumble. Natakot ako kaya parang nagising yung diwa ko. Nilibot ko ng tingin yung paligid.

Pahakbang na sana ako nang na-out of balance ako at natumba.

"Ouch..." sabi ko.

"You stood on me."

"Ha?!" sabi ko tapos naalala ko si Drew dito pala natulog sa kwarto ko.

"Ay, sorry Drew! Di ko sinasadya!" sabi ko tapos tinulungan sya tumayo.

"I'm alright. How about you? Does anything feels hurt from the fall?" tanong nya. I shook my head meaning no.

"Good." sabi nya tapos ngumiti at ginulo yung buhok ko. Nagpout ako tapos ni-pinch pa yung cheeks ko.

"I missed you." sabi nya tapos ngumiti.

"Syempre namiss din kita no. Hero kaya kita." sabi ko tapos nag-knuckle thing kami.

Maya-maya kumatok si mama samin, sabi, "Baba na kayo. Kain na."

Binuksan ko yung pinto at lumabas, bumaba papunta sa kusina.

Nung nakita ako ni Martin, tinago nya yung hotdog nya sakin.

"Wag ka mag-alala. Di nako kukuha ng hotdog mo." sabi ko tapos nambelat sa kanya.

"Kuya Drew, bantayan mo yan si ate Maica. May boyfriend yan eh." sabi ni Martin kay Drew, tapos pinalo ko sya. Tumingin sakin si Drew.

"Boyfriend ka jan! Umayos ka nga Martin!" sabi ko tapos ang sama ng tingin ko sa kanya.

"You have a boyfriend?" tanong ni Drew.

"Wala ah. Imbentor yan eh." sabi ko.

"Edi sino yung nagdadala sayo sa school? Yung pogi na may kotse?" pang-aasar pa ni Martin.

"Ikaw nga Martin, tumigil ka! Ipakain kita sa aso ng kapitbahay, sige." sabi ko, tapos nanahimik si Martin.

"Who is he?" tanong ni Drew.

"Who's who?" tanong ko din.

"The guy Martin is talking about."

"Aaah.. Wala yun. Trip lang ako nung batang yun." sabi ko tapos kinain na yung almusal. Nakatingin lang say sakin pero di ko sya nililingon.

"Bilisan mo kumain jan. Baka ma-late tayo." sabi ko tapos pumunta sa cr at naligo.

Pagkatapos ko maligo, pumasok ako sa kwarto ko para magbihis, tapos may nagtext sakin.

------------

(From: Michael)

Do I have to wait for you again?

------------ 

Nagbihis muna ako ng uniform tapos tinapat sa electric fan yung buhok ko habang nagrereply sa kanya.

------------

(To: Michael)

No. Mauna kana.

------------

tapos nagsuklay nako. Sinuot ko yung clip na binigay sakin ni Drew kahapon.

Lumabas ako ng kwarto, tapos nakita ko si Drew, palabas ng banya. Dun na sya nagbihis ng uniform, tapos basa pa yung buhok nya.

"Basa pa buhok mo, Drew." sabi ko tapos tumawa habang ginulo pa lalo yung buhok nya.

"I know.. I was hurrying because you told me we'll be late." sabi nya tapos ni-himas yung batok nya habang nakangiti.

"Sorry..." sabi ko tapos iniwan sya.

"Be ready na ah. Alis na tayo after 5 minutes." sabi ko tapos nagnod sya.

After 5mins, nakaready na kami lumabas for school.

"Ma, alis napo kami." sabi ko tapos nagkiss sa cheek nya. Ganun din si Martin. Si Drew naman, nagwave lang kay mama habang nakangiti.

"Dali na, sakay na." sabi ko kay Martin.

"Kuya Drew, bantayan mo si ate sa school ah? May boyfriend yan eh." sabi ni Martin habang nakasilip sa bintana bago umalis yung service nya.

Pagkasabi ni Martin, tumingin sakin si Drew.

"Bakit?" tanong ko sa kanya habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep.

"Tell me who he is." sabi nya. Seryoso lang mukha nya nung pagsakay namin sa jeep.

"Wala nga yuuuuun.." sabi ko tapos pagbaba namin, may mga nagbubulungan nanaman.

"Diba girlfriend ni JM yun?" sabi nung isang babae sa gilid malapit kay Drew, kaya mas lalong naging parang galit yung facial expression nya.

"So, it's JM. Why didn't you tell me?" tanong ni Drew habang papasok sa campus.

"Alam mo naba section mo?" sabi ko habang hinahanap yung pangalan nya sa bulletin board.

"Don't change the topic, Maica."

"Classmate kita!" sabi ko, tapos pagtingin ko sa kanya, parang galit na talaga sya, kaya nanahimik nako.

"Answer me."

"Ang hirap kasi iexplain.." sabi ko, tapos nagbell na.

"DREW LATE NA TAYO!!" sabi ko tapos hinila sya papunta sa room.

Nung nasa harap na kami ng pinto, tumigil kami tapos lumingon samin yung teacher.

"You may come in Ms. Romero. Everybody, you have a new classmate."sabi nya. Sabay kami ni Drew pumasok sa room.

"Introduce yourself, hijo." sabi ni sir.

"I'm Andrew Jake Hilson. I hope we all could be friends.

"You may sit on the free chair on the last row." sabi ni sir tapos umupo na sya.

Di nyako pinapansin. Ang hirap kasi mag-explain ng mga bagay na di mo pwede sabihin sa mga gusto mong sabihan..

Maaga kami nag-uwian kasi nag-meeting yung mga teachers. Nainis ako kay JM dahil sa deal na yun. Tapos two months nalang prom na.

TO BE CONTINUED..

Mission: Pretend As The Campus Couple (For SoEulmates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon