Chapter 6

1K 17 4
                                    

~Lemuel on the multimedia <3 ~

JM's POV

Shift. Narinig kaya nya?!

"Wala." sagot ko tapos uminom ng tubig.

"Sino yung 'ayaw mo na'?" tanong nya, emphasizing the part "ayaw mo na."

"Wala." sabi ko.

"Si Julia ba?"

"Ang alin?"

"Yung ayaw mo na?"

"Hindi."

"Then who?"

"Wala nga, bro."

"Bahala ka nga jan." sabi nya tapos dinala yung tubig na binili nya.

SHERWIN's POV

"Bro, gisingin mo na yang si Maica. Baka sermonan pa yan ng teacher na susunod." sabi ni Mark. Ginising ko na nga si Maica.

"Maica." sabi ko habang nakasquat-sit(?) sa harap nya.

"Maica, gising na." sabi ko as I shook her shoulder.

"Maicaaaaaaa." sabi ko ulit.

"Pag di ka pa dumilat, hahalikan kita." sabi ko na pabiro, pero di parin sya dumidilat.

"Psst! Uy! Aba, gusto mo ata talaga ng kiss ko eh." sabi ko tapos nilapit ko pa yung mukha ko sa kanya. Parang hirap syang huminga.

"Maica?" sabi ko tapos tumayo at hinawakan yung noo nya.

"May lagnat ka.. Kaya mo ba tumayo?" tanong ko sa kanya, pero wala syang response.

"Dalhin na kita sa clinic ah?" sabi ko tapos kinarga sya palabas ng classroom.

Nakasalubong ko si JM nung karga ko si Maica.

"Anong nangyari?" tanong ni JM.

"May lagnat sya. Don't panic, bro." sabi ko.

"Ako na magdadala sa kanya sa clinic." sabi nya.

"Ano ba? Pagpapasa-pasahan ba natin sya? Let me bring her to the clinic, okay?" sabi ko tapos iniwan sya.

Pumasok nako kagad sa clinic at inihiga si Maica sa kama.

"She has a fever." sabi ko sa school nurse.

"Okay, you can go back to your class now. I can take care of her." sabi nya.

"Okay. Thanks." sabi ko tapos bumalik na sa classroom.

Pagbalik ko sa classroom, nakita ko kagad si JM na masama ang tingin sakin.

Umupo nako sa upuan ko at hindi sya pinansin.

~SKIP TO END OF SCHOOL~

Sinilip ko si Maica sa clinic, pero nakauwi na ata kasi wala na sya don.

~SKIP AFTER TWO MONTHS~

MAICA's POV

6:10 am na pero wala pa sya... Nagalit siguro sakin si JM kasi inaway ko sya kahapon tungkol sa sulat na nakita nya sa locker ko. Pangatlo na yatang note ang nakita nya sa locker ko, tapos yung kahapon lang yung nahuli ko na tinapon nya yung note.

Anyways, pinasakay kona si Martin sa service nya.

"Ate, wala yung boyfriend mo?" tanong nya.

"Boyfriend ka jan? Sipain kita jan eh." sabi ko tapos sumakay na sya sa service nya.

6:32 na. Wala parin sya. Magji-jeep na nga lang ako.

6:48 nako nakarating sa school. Pagpasok ko sa room, wala rin sya sa upuan nya.

Mission: Pretend As The Campus Couple (For SoEulmates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon