MAICA's POV
Almost two months nakong naka-recover mula sa nangyari. One week nalang, graduation na.
"Babe, two weeks nang hindi pumapasok si Drew. Tapos lumipat pa sya dun sa binigay na condo ng kuya nya.." sabi ko kay JM. Parang di nya ako pinapansin.
"Yan ka nanaman kay Drew. Paulit ulit." sabi nya nang hindi tumitingin sa akin.
"Babe..?" tawag ko sa kanya.
"Ano?"
"Galit ka?"
"Hindi. Ba't naman ako magagalit?"
"Kasi.. ano.. iba kasi yung parang pagsasalita mo eh.." sabi ko, nakatingin lang sa kanya. Hinihintay kasi namin na dumating yung last subject teacher namin.
"Hindi. Ano kaba." sabi nya, tapos hinawakan nya yung kamay ko.
"Bes, nakita mo si Mark?" tanong ni Elise pagpasok nya sa room.
"Hindi eh.." sagot ko sa kanya.
ELISE's POV
Kanina ko pa hinahanap si Mark.. Tinataguan nanaman ata ako.
Tinanong ko na si Maica kasi baka nakita nya si Mark, kaso hindi daw..
Umupo nalang ako sa seat ko, tapos maya-maya may nagcover sa mata ko.
"Guess who.." sabi nya.
Hinawakan ko yung kamay na nagtakip sa mata ko tapos sabi ko, "Mark! Alam kong ikaw yan!" sabi ko, tapos tinanggal nya yung kamay nya sa mata ko.
Paglingon ko hindi sya si Mark.
"Asan si Mark?" tanong ko.
"Ayun oh.." sagot nya tapos tumuro sa may harap ng classroom...
Nakatayo si Mark sa may harap tapos may hawak na 3 roses.
Kinikilig nanaman akoo!!
Lumapit sya sakin tapos binigay sakin yung roses, tapos nagtanong, "Di mo paba ako sasagutin?"
Napangiti lang ako, tapos lumapit samin si Edward.
"Uy kambal." tawag ko sa kanya habang nakangiti.
"Bakit?" sagot nya.
Hinawakan ko yung kamay ni Mark, tapos sabi ko, "Boyfriend ko." tapos tinuro ko kay Mark yung rose na binigay nya sakin kanina.
Napatingin si Mark sakin na nanlalaki yung mata tapos nakanganga, tapos ni-pinch ko yung cheek nya.
"Naks, bro! Ingatan mo kambal ko ah!! Kundi, patay ka sakin." sabi ni Edward habang tumatawa.
"Bakit di ka nagsasalita?" tanong ko, tapos ngumiti lang sya pero nakanganga parin.
"Sige ka, papasok yung langaw jan." sabi ko tapos niyakap nyako.
"Tayo na?" tanong nya.
Napangiti ako lalo sa tinanong nya, tapos sabi ko, "Ayaw mo ba?"
"Hindi ah. Bakit naman aayaw ako? Ikaw lang naman ang gusto ko.." sabi nya tapos ni-kiss yung cheek ko.
"Naka-points ka kagad ah.." sabi ko. Natawa lang sya, tapos nagpout.
"Para saan?" tanong ko kung para saan yung pout nya.
"Kiss mo, para may points kadin." sabi nya, tapos binatukan sya ni Edward.
"Baliw ka din eh, noh?" sabi ni Edward, tapos binatukan ko din sya.
"Bakit mo binabatukan bf ko?" sabi ko, tapos tumawa.
"Ah ganon? Sige jan kana." sabi ni Edward, tapos dumating yung teacher namin.
***********
MAICA's POV
A week already passed, pero di parin nagpapakita si Drew.
"Babe, nasa recognition na daw sila Mark. Ready ka naba?" tanong ni JM.
"Oo, teka lang.." sagot ko sa kanya habang kinukuha yung bag ko.
"Tita, let's go." sabi ni JM, tapos kasama namin sila Martin papunta sa school.
Pagdating namin sa school, sumigaw si Martin.
"Kuya Drew!" sigaw nya habang papunta sa kuya nya.
Kinarga sya ni Drew, tapos napatingin sya samin.
Lumapit kami sa kanya, tapos sabi ko, "Bakit ngayon ka lang nagpakita?"
Ngumiti sya tapos sabi nya, "I was busy with the paper stuff mom sent me. She said I'll have a vacation back in London after the school year."
"Aalis ka nanaman pre?" tanong ni JM sa kanya. Nagnod lang sya, tapos sabi nya, "But I think I'll be having my college years here."
Maya-maya may girl na lumapit kay Drew, tapos binaba ni Drew si Martin tapos hinawakan ni Drew yung kamay nung babae.
"Guys, meet my girl. Michelle. She's from the second section." sabi nya. "Michelle, this is Maica and JM. Guys, Michelle." dagdag nya, tapos nag-handshake kami.
"Nice to meet you JM and Maica." sabi ni Michelle. Nginitian ko lang sya.
Natapos ang recognition. The top student was me again. As usual, may gift sakin si Drew at syempre si JM.
Looking back, hindi ko naisip o inakala na si JM ang taong mamahalin ko..
I didn't imagine that I would love the man I hated.
Akala ko, hanggang pagpapanggap lang kami..
...ngayon kami na talaga. ~♥
----------------------------------
Nakakabitin no? haaaaaay.. Walang The End kasi may book 2 pa. XD
[May book two na :D Just click the external link to go to the prologue of book 2 ng MPATCC <3]
BINABASA MO ANG
Mission: Pretend As The Campus Couple (For SoEulmates)
Teen FictionHER scholarship in exchange of a FAKE RELATIONSHIP with HIM. HIS plan is to make HIS and HER EXes jealous. Pano kung mangyari ang plano nila? What if HE falls in love with HER? Basahin mona kasi to! Maku-curious ka lang nyan.. XD