Chapter 13

958 11 0
                                    

~Mark+Elise on the multimedia <3~

Nag-ayos na si Maica at Elise. Magkasama silang dalawa sa condo nila Elise para mag-ayos.

"Bes, ok naba make up ko?" tanong ni Elise kay Maica.

"Oo naman. Ang ganda nga eh." sagot ni Maica. Nagpowder lang sya at red lipgloss tapos nagmascara.

"Yan kana bes?!" sabi ni Elise. Nagnod si Maica, tapos nakangaga lang si Elise.

"Ganda mo talaga! Grabe.. ako kelangan pa mag-make up.." sabi nya tapos nagpout.

"Kahit naman face powder at lipstick lang bes, okay na sayo eh.. O kahit may eyeliner, bagay na talaga sayo." sabi ni Maica, tapos ngumiti.

Maya-maya, nagbihis na sila ng dress na susuotin nila para sa concert-themed prom.

ELISE's POV

Nakapagbihis na kami, tapos may kumatok.

"Sino yan?" tanong ko.

"Open up. It's me." sabi nya. Pagbukas ko ng pinto, si Mark at si Edward.

"Are you guys ready yet?" tanong ni Mark.

"Let's go?" hirit ni Edward. Kinuha lang namin ni Maica yung pouch namin tapos lumabas na ng condo at nagpunta sa parking lot.

"So, Maica, where's your date?" tanong ni Edward habang nag-da-drive na papunta sa venue.

"Uhmm.. I don't have any." sabi nya tapos ngumiti.

"Why? Di kaba niyaya ni Andrew o ni JM?" tanong ni Mark.

"Nagkatampuhan sila. Love triangle sila." sabi ko tapos siniko ako ni Maica. Nasa gitna kasi ako nila Mark at Maica.

"No. It's not that.." sabi nya tapos tumingin lang sa bintana.

"Teka, guys. Daanan muna natin yung date ko." sabi ni Edward nung tumigil sya sa isang bahay.

Lumabas sya ng kotse tapos nagdoorbell. Maya-maya, may babae na lumabas.

"Pwede..." sabi ni Mark.

"Anong 'pwede'?" tanong ko, tapos ngumiti lang sya habang sinusundan ng tingin yung babae kasama si Edward. Pinagbuksan ng pinto ni Edward yung babae sa tabi ng driver's seat, tapos sumakay na si Edward.

"Kambal, who is she?" tanong ko habang naka-poke yung ulo ko sa gitna nila.

"Uhmm.. Elise, si Sabrina, date ko for tonight. Sab, si Elise kambal ko." sagot ni Edward. Napatingin ako kay Sabrina tapos ngumiti.

"Elise." sabi ko habang naka-ready yung kamay ko for handshake.

"Sabrina." sabi nya tapos nakipaghandshake habang nakangiti. Nakangiti rin ako sa kanya.

"Uhmm.. Kambal.." tawag sakin ni Edward.

"Bakit?" sagot ko.

Tumigil na si Edward sa pagda-drive tapos lumabas na kami sa kotse.

"Bakit, Edward, ano yung sasabihin mo?" tanong ko ulit.

He put his arm on Sabrina's waist and said, "Girlfriend ko."

Ngumiti ako tapos sabi ko,"Great! Buti nalang maganda." tapos ngumiti si Sabrina.

"Pasok na tayo guys." sabi ni Mark. Naka-kapit ako sa braso ni Mark pagpasok namin.

MAICA's POV

Sumabay ako kanila Elise pumasok, tapos nakita ko si Sherwin na may hawak na gitara. Kasama nya si JM.

Mission: Pretend As The Campus Couple (For SoEulmates)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon