Chapter 1Uwian ng magkagulo ang mga students sa bulletin board ng i-post na ang ranking ng batch. Ang iba ay nagyakapan sa tuwa at ang iba ay nagdadamayan. Huminga ako ng malalim at dahan dahan na humakbang ako papalapit roon. Nakipagsiksikan pa ako sa kanila, di ko ininda ang panunulak at paniniko nila, masyado akong kinakabahan para pansinin sila. Tinuon ko ang sarili sa paghanap ng pangalan ko. Agad naman akong nanlumo ng makita ko ang apelyido ko sa rank 2. Nangunguna pa rin si Maye Rivas.
"Oh my gosh Bea, Rank 4 ako!" tuwang tuwang sabi ng isang babae.
'Rank 2 lang ako.' lang... Mapait na napangiti ako.
Agad naman akong umalis doon at pumunta sa sulok para hintayin si Sabell. Why is life so unfair? Kahit na binigay ko na ang best ko, di ko pa rin nakuha ang gusto ko? Kahit na nasa Rank 2 ako, di ko magawang magsaya.
Natanaw ko si Sabell na nakasibangot na nakikipagsiksikan sa mga students palabas. Luminga linga siya, kaya kinawayan ko siya. Lumapit naman siya ng makita ako.
"Bakit parang badtrip ka?" tanong ko sa kanya at tinaasan siya ng kilay.
"There's this guy na tinulak ako at di man lang nag sorry!" inis na inis niyang sabi at pinagkurus ang braso sa dibdib.
"Pabayaan mo na, Karma will get him." I said while tapping her shoulder.
Napabuntong hininga siya "Anyway, congrats girl!" nabigla ako ng niyakap niya ako. "I am so proud of you!"
"T-thanks." binigyan ko siya ng pekeng ngiti. Sana ganyan rin maging reaction ng parents ko. Yung bang proud na proud pa rin sila kahit na di ko nasungkit ang pinakamataas. But I don't want to expect. They want perfect, number 1, the best! Hindi sila marunong umappreciate. Sa loob ng 19 years of existence ko, gustong gusto ko ng attention nila, but napapansin lang nila ako kapag may mali akong nagagawa. Di ko maramdaman na that I am their daughter, pakiramdaman ko isa akong robot na susunod sunod sa kanila.
Napahiwalay si Sabell sakin when a group of boys approach us. Hindi ko sila kilala pero nakikita ko sila palagi dito sa school, at madalas silang usap-usapan ng mga kababaihan. Mga gwapo kasi silang lahat.
"Congrats Veniz, ang galing mo." sabi ng isa at agad naman siyang siniko ng katabi niyang mukhang chinito
"Thanks." nginitian ko sila, nilingon ko si Sabell "Let's go?" napatingin naman siya sakin.
"Ha? Ah O-oo." tumango tango ito at kinawit ang braso sakin.
I know it's rude. Pero di ko kasi ugali makipag-usap sa mga taong di ko kilala. Wala rin ako sa mood makipag-usap. Tinalikuran na namin sila at dumiretso ng canteen, nabanggit ni Sabell sakin na ang isa sa mga lalaki kanina ay kaklase niya sa isang subject at type niya raw ito. Edi maganda, para naman magkaroon na ng lovelife itong bestfriend ko.
Umorder si Sabell ng Carbonara at ang kinuha ko lang ay juice and sandwich. Wala talaga akong gana ngayon.
"Yan lang kakainin mo? Diet ka ba?" nagtatakang tanong niya at sumubo sa Carbonara niya.
Kumagat muna ako sa sandwich ko bago ko siya sinagot. "Medyo busog pa kasi ako." pagsisinungaling ko.
Honestly, di niya alam ang sitwasyon ko sa parents ko. Ayokong muna sabihin sa kanya, walang wala kasi ang parents ko sa parents niya. Napakabait at caring ng mommy niya at ang daddy niya naman ay napaka-protective pero palabiro. Nang minsan na bumisita ako sa bahay nila, hiyang hiya si Sabell noon dahil di gaano kalaki ang bahay nila kumpara sa bahay namin. Pero aanhin mo ang malaking bahay kung wala namang happiness? Mas mabuti pang tumira sa isang simpleng bahay at dama mo ang saya. Yung bang love is in the air, yung may matatawag kang home.

BINABASA MO ANG
His Dirty Little Secret (On-hold)
Romance[R-18] 10 years ago, si Dana Veniz ay iniwan ng kanyang puppy love at nangibang bansa. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa kanya ang sakit ng pag-iwan ng kanyang kababata. Ngunit mukhang pinaglalaruan siya ng tadhana. Dahil ang ka-puppy love niya noo...