Chapter 3
Dumako ang tingin nila sakin, medyo nahiya pa ako dahil sa suot ko. And for pete's sake, basang basa pa ako dahil sa swimming.
Pinasadahan ko ng tingin ang kasama ni dad, naka-semi formal attire ito. Actually ngayon ko lang siya nakita, sa company rin ba siya nagta-trabaho?
Nilingon ni dad ang kasama. "Francis. That's my daughter, Veniz."
"You have a very beautiful daughter, sir." aniya at di niya inaalis ang titig sakin. Bahagya pa akong namula sa sinabi niya, pasimple kong tinakpan ng twalya ang dibdib ko.
"I know, kanino pa ba magmamana?" nakangiting tugon ni dad. "Veniz?"
Napatuwid ako ng tayo. "Ah... dad." dahan dahan na lumapit ako sa kanila.
"Veniz, meet Francis Montello. He is one of the best architect in our company." Napalingon naman ako dito nang maglahad ito ng kamay.
"Hi." nakangiting sabi niya.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakalahad sa harap ko at bago ito tinanggap, nahihiyang nginitian ko siya pabalik. "H-Hello." why am I stuttering all of sudden?
"Your name suits you." he said and show me his killer smile. Naramdaman kong nag-init ang mukha ko.
Shit lang...
Agad na inalis ko ang kamay sa kanya ng tumikhin si dad. "Lets go to my office, Francis." bumaling ang daddy sakin "Magbihis ka na Veniz, it's already cold."
Tinanguan ko siya at tumalikod na sa kanilang dalawa. Pumanik na ako sa taas, at tumungo ng banyo para maligo. Pagkatapos ay nagbihis agad ako at umupo sa harap ng salamin, nagsuklay ako at nagpahid ako ng lotion sa katawan.
Maya maya narining kong may kumatok sa pinto. I heard nanay Milet's voice. "Veniz, anak. Nandyan na ang mommy mo, pinapatawag ka niya, kakain na raw kayo."
"Sige po, tapos na rin po ako." sigaw ko. Naramdaman ko itong umalis na, tiningnan ko muna ulit ang sarili bago bumaba.
Pagpasok ko ng dining room, natigilan ako ng makita kong nandito pa rin si Francis na prenteng nakaupo katabi si Danzel. Tsaka lang ako napagalaw ng tinawag ako ni mommy "Veniz, come here. Kumain na."
Wala na akong nagawa kaya dumiretso na ako sa upuan na kaharap ni Francis.
"So Francis, anong trabaho ng parents mo?" tanong ni mommy at sinandukan ako ng kanin "Ako na po." pigil ko sa kanya at kinuha ko ang sandok at sinalinan ang pinggan ko.
"My parents are doctors and my family owns some of the biggest hospitals here." napataas ang isang kilay ko sa narinig. So he's rich huh?
"Really?" nakangiting tumango naman si Francis kay mommy at humarap sa akin. Agad naman akong napayuko at sumubo ng pagkain ko. May tinanong ang daddy sa kanya about business, kaya wala akong masyadong naintindihan sa pinag-uusapan nila, di ako maka-relate.
Nagkaroon ako ng chance na tingnan siya. He's handsome... I admit. he's well built, he's tall, muscular, at ang mga mata nito ay matalim na parang nang-aakit. Maybe, marami na siyang naging girlfriend and I'm sure maraming ring nagkakadarapa sa kanya. But not me. I think he's too old for me? I think he's 25? 26?
"You two should hang out sometime." napaubo bigla ako sa sinabi ng mommy at agad na inabutan ako ng tubig ni Danzel. Palipat lipat ang tingin ng mommy samin dalawa at ang daddy ay tumango tango na lamang.
"It's actually okay for me, kung papayag si Veniz." he said, his expression becoming amused.
Anong pinagsasabi niya? Binubugaw ba ako ng mga magulang ko? Ano bang trip nila?
BINABASA MO ANG
His Dirty Little Secret (On-hold)
Romantizm[R-18] 10 years ago, si Dana Veniz ay iniwan ng kanyang puppy love at nangibang bansa. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa kanya ang sakit ng pag-iwan ng kanyang kababata. Ngunit mukhang pinaglalaruan siya ng tadhana. Dahil ang ka-puppy love niya noo...