Chapter 4

492 4 0
                                    

Chapter 4

Lumabas ako ng kwarto only wearing my nighties. Tumungo akong kusina, para magluto ng breakfast ko. Binuksan ko ang ref at kumuha ng hotdog at itlog.

Hiniwa ko ang hotdog ng maliliit na bilog at binati ang itlog tsaka inabot ang frying pan na nakasabit sa itaas ng stove. Sinindihan ko ang stove at pinainitan muna ang pan.

Sinulyapan ko ang orasan... 6:03.

Sa ngayon, puro fried foods pa lang ang alam kong lutiin. Next time papaturo ako kay nanay Milet ng mga ibang putahe. Para di na ako lumalabas at bumibili ng kakainin.

Pinakiramdaman ko muna kung mainit na ang pan tsaka sinalinan ng mantika. Pinainit ko rin ito sandali bago nilagay ang hotdog na hiniwa ko tsaka nilagay ang itlog sa ibabaw.

Nang maluto, kinuha ko ang bukas na tinapay sa container at nagtimpla ako ng kape. Umupo na ako sa silya at nagsimulang kumain.

Habang ngumunguya ako tumunog ang phone ko sa ibabaw ng mesa. I unlocked my phone and saw an unregistered number.

'Hey good morning...'

Nagtatakang tiningnan ko ang number sa screen, nagkibit balikat na lamang at di pinansin. Tinuloy ko ang pagkain ng tumunog ulit ito, so I unlocked my phone again using my free hand, nakapatong pa rin ito sa mesa.

'This is Francis, by the way.'

Natigilan ako sa nabasa, I blink a couple of times. Thinking...

Oh yeah! I gave my number to him last night, how can I forget? Kinuha ko ang phone ko at nagtipa ng sasabihin.

I type 'Oh hi morning!' and send it to him. Sinubo ko ang pangatlong tinapay, nilagay ko ang pinagkainan sa lababo at hinugasan ito. Pagkatapos ay naligo ako at nag-ayos ng sarili.

I'm own my way to school. Medyo malapit na ako sa school nang mag-traffic pa dahil may nakabanggaan daw. Inis na napasandal ako upuan, I sighed and tapped my fingers on the steering wheels.

Bakit ngayong umaga pa? ba't di na lang hapon, nang wala silang naiistorbo? I keep on looking at my watch, 15 minutes.... 14 minutes.

Napabuntong hininga na lang ako. Good thing my school is nearby, I rolled my eyes at tinuon ang sarili sa labas.

I saw a girl and a boy, the little girl in pink dress is crying... and the boy approached her with a smile and gave her a flower that makes the girl stops crying.

Parang may kumirot banda sa dibdib ko kaya agad na iniwas ko ang tingin ko sa kanila. Stop it Veniz, you don't want to remember it anymore!

Kinuha ko lang ang phone ko sa bag, I receive a text from my cousin if gusto ko daw sumama mamayang gabi sa kanilang mag club, so I replied her na pag-iisipan ko muna.

Binuksan ko pa ang isang text at kanina pa itong 6:19, it's from Francis.

'So what are you doing today, Veniz?' Nagtipa ako agad ako, I say sorry to him dahil late ako nag reply sa kanya cuz I'm preparing myself to school.

Late na ako ng makarating ako sa school, at sobrang badtrip talaga ako ngayon. Gumising ako ng maaga para hindi ako ma-late. Tapos ito? ma-lalate din pala ako!

May mga nakasalubong ako mga ilang students and a group of friends, they're smiling at me... so I smiled back kahit na badtrip ako. I don't want to be rude.

I texted Sabell and asked her kung nandito na siya sa school. Nagtungo muna ako sa mini cafe ng school, medyo puno ang loob ng cafe kaya ang tagal ko pang pumila bago naka-order.

His Dirty Little Secret (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon