Chapter 12
Samu't-sari ang nararamdaman kong emosyon ng mga oras na iyon, hindi ko na nga alam kung ano ang dapat kong maramdaman... I feel butterflies in my stomach at the same time parang kinikiliti ang puso ko.
Nakahiga ako sa kama at minamasdan ang tulips sa kamay ko.
Hindi lang siya basta bulaklak, it's my favorite flower!
Naalala niya...
Noon, palagi niya ko binibigyan ng tulips nung mga bata pa lamang kami. Pinipitas niya pa yun sa garden ng mama niya.
Natawa na lang ako ng maalala ko ang mukha niya noon habang pinagagalitan siya ng mama niya.
Pinatong ko dibdib ko ang bulaklak.
I miss him... I really do...
Unting unti bumigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa nakatulog na ko.
**
Kami na lang natira dito sa room para mapag-usapan ang group project na gagawin namin.
"Ahm... ano... saan niyo ba gustong gumawa?" nahihiyang tanong ni Lois sa amin. Di ako sumagot at naghintay na lamang na may magsalita samin.
"Bawal samin eh, nandon kasi uncle ko. Ayaw niya ng maraming tao sa bahay." sagot ni Alex habang nakaupo ito sa arm chair sa kaliwa ko.
Binalingan ko ng tingin si Jordan na nasa kanan ko naman. Mukhang nagulat ito sa pagtingin ko, dahan dahan naman itong umiling at inayos ang salamin. Napahinga ako ng malalim at humilig sa upuan.
"What about you Lois?"
"A-Ako? O-Okay naman samin." tumingin ito sa baba at pinaglaruan ang buhok. Napataas ang kilay ko. Mukhang mahihirapan ata akong makipag-communicate sa grupo ko.
"Ayun! So okay na tayo guys?" ngising tanong ni Alex.
"Yeah, we're all set." aniya ko.
Tumayo ako kaya napatingin sila sakin, tiningnan ko si Cadence na tahimik lamang nakaupo sa harap ko at mukhang malalim ang iniisip.
"You okay?"
Umangat ang tingin nito sakin at tipid na ngumiti.
"Yes... I'm fine..." bumaling ito sa mga ka-grupo namin "So kelan tayo magsisimula guys?" bumalik ang sigla sa mukha nito.
Humarap ako sa kanila "The day after tomorrow. I think it's better kung matatapos at mapapasa natin ito ng maaga."
Sumang-ayon si Jordan at Cadence. Nagulat ako ng nasa tabi ko na si Alex at bigla akong inakbayan nito kaya nairita ako.
"Tama ang leader natin, okay lang ba sayo yun Lois?" nakangiting tanong ni Alex.
"O-Okay lang naman." tipid na sabi ni Lois.
Tatanggalin ko sana ang braso ni Alex nang maagaw ang atensyon ko sa dumungaw na ulo ni Vincent sa pinto. What is he doing here?
"Hi! Nakakaistorbo ba ako?" humilig ito sa pinto at nagtagpo ang mata namin dalawa. Iniwas ko ang mata sa kanya at naiiritang tinanggal ang braso ni Alex sakin, natawa naman ito sa ginawa ko.
"What are you doing here Vincent?" tanong ni Cadence dito, lumiwanag ang mukha nito.
"Ah kasi... may gusto lang akong kausapin." aniya at binalik ang tingin sakin.
Napatuwid ako ng tayo at tinuro ang sarili ko, nangigisi naman itong tumango. Mabilis na lumingon si Cadence sakin kaya napatingin ako sa kanya. Wala na ang masiglang ekspresyon sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
His Dirty Little Secret (On-hold)
Romance[R-18] 10 years ago, si Dana Veniz ay iniwan ng kanyang puppy love at nangibang bansa. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa kanya ang sakit ng pag-iwan ng kanyang kababata. Ngunit mukhang pinaglalaruan siya ng tadhana. Dahil ang ka-puppy love niya noo...