Chapter 2

608 6 0
                                    


Chapter 2


Nang mailabas ko ang nararamdaman ko, bumangon ako at tumungo ng banyo. Naaawang tinitigan ko ang sarili sa salamin. Namamaga ang mga mata ko, ang ilong ko ay namumula, at ang buhok ko medyo gulo gulo.


Kamuntikan na kong mapamura nang maalala ko ang pasalubong ko kay Danzel. Bumalik agad ako ng kwarto at kinuha ang paper bag ng mcdo. Lumabas ako ng silid kahit di pa ako nakakapag-ayos ng sarili, it's just my brother anyway...

Kinabahan pa ako ng konti baka makasalubong ko ang mommy or ang daddy but thanks god there are no sign of them.


Kinatok ko ang pinto ni Danzel na katabi lang din ng kwarto ko. Bumukas kaunti ang pinto niya at nakita ko itong nakapajama na at hawak hawak ang controller ng play station.


"Oh ate, what happened to you? You look ugly." sinandal niya ang ulo sa pinto. "Well... you're always ugly." aniya at nang-aasar na ngumiti. Kumunot ang noo ko.


Kung di ko lang talaga kapatid ito, baka nabatukan ko na siya ng wala sa oras. I rolled my eyes at humalukipkip sa tabi. Wala ako sa mood makipag-away sa kanya, medyo wala pa ako sa sarili ko.


"Whatever. Ohh..." sabay abot ng paper bag. Bumaba ang mata niya sa hawak ko at sumilay ang ngiti sa mukha niya, agad niyang nilakihan ang bukasan ng pinto.


"Mahal mo talaga ako eh no?" masaya niyang sabi at kinuha ang hawak ko. "Don't worry ate, I was just kidding awhile ago. Maganda ka pa rin kahit na mukha kang sabog!"


Napairap ako sa sinabi niya. "Wow! Thank you ah?" I said sarcastically and I tried not to rolled my eyes again. "Sige na, I need to take a shower na. Goodnight."


Tinalikuran ko na siya at narinig ko itong nagsalita. "Thank you ulit ate. Goodnight, love you!"


Tumango na lamang ako, narinig kong sumarado na ang pinto niya. Napailing na lamang ako habang pabalik ng kwarto. Hanggang ngayon nahihiya pa rin siyang ipakita ang ka-sweetan niya.

Pagpasok ko ng kwarto, diretso agad ako ng banyo. After that, I fixed myself first before I lie down in bed and sleep.


Kinaumagahan, nagising ako sa katok sa pinto ko, tinatamad na dinilat ko ang mga mata ko. Nilingon ko ang pinto bago sinulyapan ang orasan sa tabi ko. It's already 9:27 am. Napabalik ang tingin ko sa pinto ng may kumatok ulit.


"Ma'am Veniz... Ma'am Veniz, kumain na daw po kayo." narinig kong sabi ng isa sa maid namin, nung una di ko ito pinansin at pinikit ulit ang mga mata ko. Kaso maya maya bigla ulit itong kumatok at inulit ang sinabi.


Naiinis na bumangon ako ng kama. "Susunod na lang po ako!" sigaw ko, mariin na napapikit ako ng kumirot ang ulo ko... epekto siguro ng pag-iyak ko kagabi.

Halos mapangiwi ako nang maalala ko na naman ang mga salitang binitawan ni mommy kagabi. Inalis ko sa isipan iyon, tumayo na ako at dumiretso ng banyo. I brushed my teeth before taking a bath. After my daily routines, naisipan ko ng bumaba para kumain.

His Dirty Little Secret (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon