Chapter 10
Matagal kong tinitigan ang phone ko bago ko ito tinago.
Kahapon lang kami nag-usap, ang bilis naman ata? Malapit na ba talaga monthsary nila?
Nanikip na naman ang bandang dibdib ko ng maisip ko yun. Binalewala ko yun at nakinig na lamang.
Binalak ko na maghintay na lamang sa labas. Kaya pagkatapos ng klase ay dumiretso ako ng gate at humabol agad sakin si Sabell.
Kinabahan pa ko ng sumunod siya, pero agad akong huminahon ng sinabi niyang mag ji-jeep siya.
"Uuwi ka na agad?" tanong ko.
"Oo eh, di ako masusundo ni Brent." malungkot itong ngumiti.
Umiwas akong tingin. Tiningnan ko na lamang ang relo sa pulso ko.
"B-Bakit naman daw?"
Kahit alam ko naman ang dahilan. I just want to know kung ano ang idinahilan niya kay Sabell...
Nagkibit balikat ito. "Ewan ko ba dun, busy daw siya."
Di na ko umimik at iniba ang usapan habang naghihintay siyang may masakyan. Maya maya ay pumara na siya ng jeep at nagpaalam na sakin.
Mabuti na lamang agad itong umalis. Ang lakas ng tibok ng puso ko baka dumating si Harley eh gayong hindi naman niya susunduin si Sabell.
Napabuntong hininga ako ng mag-isa na lang ako dito sa labas, humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.
Nakuha ang pansin ko sa paparating na kotse. Pamilyar ito sakin. Napakunot-noo ko.
Namamalik mata lang ba ako or is it really Francis' car?!
Nakumpirma ko ito ng dahan dahan itong huminto sa harap ko at bumaba ang bintana nito.
Nasilayan ko ang nakangiting mukha ni Francis. Naka-brush up ang buhok nito.
"Hop in!" nakangisi nitong sabi.
"H-Ha?" nagtatakang tanong ko.
T-Teka bat siya nandito? Di man lang niya ko in-inform?
Medyo nag panic ako sa kaloob looban ko ng buksan niya ang pinto at lumabas. Nakangisi pa rin itong lumapit sa kinaroroonan ko.
Nanlaki ang mata ko ng hinawakan niya ko sa braso at hinila papunta sa passenger seat.
"C'mon Veniz, sumakay ka na."
Huminto ako at salubong ang kilay ko siyang nilingon.
"Teka, bakit ako sasakay? At anong ginagawa mo dito?"
"Your dad ask me to pick you up."
"Si daddy?" gulat kong tanong.
Now that make sense. Ang dad na naman! Ano na naman ba tong pakulo niya?
"Yeah, he invited me again to dinner."
Sasagot na sana ako ng tumunog ang phone ko sa bulsa, sinilip ko yun and it's from an unknown number again.
'I'm already here...'
I know it's Harley, di ko pa pala na-save number niya.
"Veniz!" agad na napaangat ang tingin ko sa kanya.
"Let's go?" raising his eyebrow to me.
"P-Pero..." hinintay niya ang sasabihin ko.
"Um." I sighed and nod my head. Tinago ko na ang phone ko.
BINABASA MO ANG
His Dirty Little Secret (On-hold)
Romansa[R-18] 10 years ago, si Dana Veniz ay iniwan ng kanyang puppy love at nangibang bansa. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa kanya ang sakit ng pag-iwan ng kanyang kababata. Ngunit mukhang pinaglalaruan siya ng tadhana. Dahil ang ka-puppy love niya noo...