Chapter 5
Mag-aalas tres ng maka-receive ulit ako ng text from Francis, tinatanong kung anong oras ang labas ko. I replied to him na sunduin ako before four o' clock. Gagawin ko muna siguro ang homeworks ko, para pag-uwi ko pahinga na.
"Class dismissed." niligpit ng prof ang libro niya at lumabas na.
Pinasok ko ang gamit sa bag at tumayo na, paglabas ko I saw Sabell waiting for me beside the door. Lumapit ako sa kanya.
"Ang aga naman natapos ng klase mo?" sabi ko.
"Walang prof eh." bored niyang sagot.
Kinawit niya ang kamay sa braso ko "Mall tayo?" tanong niya
"May kikitain ako."
"Sino?" nagtatakang tanong niya.
"Well... It's Francis."
"What? Don't tell me may namamagitan na agad sa inyo? Ikaw ha!" nagulat ng pinalo niya ang braso ko.
"What? No! Susunduin niya lang ako, or maybe eat somewhere first."
"I think he likes you."
Napakunot-noo ko "I told you already, he's not my type. Tsaka he's just being nice."
Nagkibit balikat siya "Malay mo."
"Anong ginawa mo kanina?" pag-iiba ko ng topic.
"Hay nako! Nakatunganga. Di nag rereply si Brent, ang boring." nakasimangot ito.
Nasa garden kami ng school at ginagawa ko ang ilang homeworks ko. While Sabell is busy with her phone. Nilibot ko ang mata sa paligid at naagaw ng atensyon ko ang ice cream sa gilid. Bigla akong nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan.
Tumayo ako kaya naagaw ko ang atensyon niya.
"Where are you going?"
"Just wait here."
Iniwan ko siya sandali at lumapit sa kinaroroonan ng ice cream. Bumili ako ng dalawang cookies and cream at mineral water.
Tuwang tuwa naman siya ng inabot ko ang ice cream sa kanya. Napailing na lamang ako, kahit kailan talaga. Sinimulan ko ng kainin ang akin.
"Yes! Susunduin ako ng boyfriend ko!"
"Saya mo naman masyado." I said. Dinilaan ko ang parte na tutulo sa cone ko.
"Busy kasi si Brent."
Nagkibit balikat ako at tinuon ang sarili sa ice cream.
Nagpalipas kami sandali sa garden. Tsaka lang kami umalis doon ng mag text ang boyfriend niya na nandito na daw. Sumama ako sa kanya at doon ko na lang din siguro hihintayin si Francis.
Habang naglalakad kami natanaw ko ang lalaki kanina at ang pulang motor niyang Ducati. Naka-side view siya kaya di ko masyado maaninag ang mukha niya.
"Tara, I'll introduce you to him." nagpadaloy na lang ako sa hila niya.
"Babe!" sigaw ni Sabell dahilan ng paglingon ng lalaki. Sinugod niya ito at niyakap.
Napatigil ako sa paglalakad, para akong na-estatwa sa kinatatayuan ko. Naramdaman kong nanlalamig ang mga kamay ko.
Of all people, bakit siya?
Nakita kong hinalikan ni Sabell sa labi si Harley. Naramdaman kong may kumirot sa bandang dibdib ko. No...
Natinag lang ako ng tinawag ako ni Sabell, at nagpapasalamat ako ng magalaw ko ang paa ko papalapit sa kanila. Tiningnan ko si Harley, at nakatingin rin siya sakin. There's something in his eyes... ang lamig.
BINABASA MO ANG
His Dirty Little Secret (On-hold)
Romance[R-18] 10 years ago, si Dana Veniz ay iniwan ng kanyang puppy love at nangibang bansa. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa kanya ang sakit ng pag-iwan ng kanyang kababata. Ngunit mukhang pinaglalaruan siya ng tadhana. Dahil ang ka-puppy love niya noo...