Chapter 11

406 4 1
                                    

Chapter 11

Di ko alam kung paano ko natapos ang dinner kasama sila habang pinag-uusapan ang kasal na magaganap.

Nang sinabi sakin ni mommy na ipinagkasundo ako, di na ko nagsalita pa at hinayaan na lamang sila mag-usap.

Kating kati na ang lalamunan ko na maka-usap si Francis pero mas pinili ko na lamang manahimik.

Mag aalas-nueve na ng binalak ng mag-asawa na umuwi. Hindi kami nagka-usap ni Francis ngunit palagi ko siyang nahuhuli nakatingin, he had a worried look on his face.

Ngunit di ko yun pinansin.

Sumama ako sa paghatid sa kanila sa pinto, bilang paggalang.

Niyakap ako ni tita Frances at tinanguan naman ako ni tito Hans.

Sa gilid ng mata ko nakita kong tumabi siya sakin.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at tumingin sa mga mata ko.

"Can I talk to you tomorrow?" tanong niya ng may bahid ng pag-aalala sa boses.

"I'm not sure... baka madaming gawin sa school bukas."

Tsaka baka bukas magkita kami ni Harley...

Nanlaki ang mga mata ko ng may maalala.

Oh shit! I forgot to text him!

Naramdaman ko ang pisil niya sa kamay ko. "What's wrong?"

"Ah... n-nothing. May naalala lang ako." umiwas ako ng tingin.

"Ok... we gotta go. Goodnight?"

Tipid na ngumiti ako at tumango. "Goodnight."

Tumalikod na siya at sumakay na sa kotse niya at sa isang sasakyan naman sumakay ang parents niya.

Huminga muna ako ng malalim bago nagpaalam na papanik na.

Mabuti naman di nila ako kinulit.

Sumampa ako sa kama at sumandal sa headboard. Nagtipa ako ng sasabihin kay Harley.

'I'm sorry ngayon ko lang nabasa text mo. I forgot my phone.'

Ipinatong ko sa tabi ang phone. Napatingin ako sa kawalan.

Kasal...

So that means... Francis is my fiancé now?

Isang mapait na ngiti ang ginawa ko. I just don't understand how my parents be so cruel to me...

I don't wanna be like them. Never...

Marrying each other because of the business?

Nakakatawa.

Marriage should only be based on love.

Nawala ako sa pag-iisip ng may kumatok sa pinto, bumukas ito ng maliit at dumungaw ang ulo ng kapatid ko.

"Ate..." mahina niyang sabi.

"What is it?" tumaas ang kilay ko sa pagpunta niya dito.

"Are you okay?" di siya makatingin at nagkamot lamang ng ulo.

Para naman hinimas nito ang puso ko.

"Halika nga dito!" tinapik ko ang katabing espasyo.

Lumapit naman siya at pa-indian sit na umupo sa tabi ko. Kagat kagat niya ang labi niya.

"Payakap ako!"

Nagulat siya ng sumigaw ako at bigla ko siyang dinamba, niyakap ko siya ng mahigpit.

His Dirty Little Secret (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon