Chapter 6

462 5 0
                                        



Chapter 6


Ilang linggo na ang lumipas simula nung nakasama ko si Francis at nakita ko si Harley. Hanggang ngayon medyo masama pa rin ang loob ko dahil sa inakto ni Harley sakin nitong nakaraang linggo and I feel bad for Francis dahil sa mga excuses ko.

He tried to asked me again if pwede na magkita ulit kami but I rejected him. Iniiwasan ko rin ang mga tawag at texts niya sakin.

Napabuntong hininga ako.

Tulalang tinitigan ko ang palabas sa TV, wala akong maintindihan sa pinapanood ko. Pasok sa isang tenga, labas sa kabila.

Biglang naisip ko na naman ang imahe ni Harley. His eyes, his smile, everything!

Minsan iniisip ko napakasama kong kaibigan. It's really obvious that I don't want Sabell for Harley... shit lang! ang bitter mo Veniz!

Agad kong pinatay ang TV dahil sa linya na babanggitin na ni Basha kay Popoy na siya na lang ulit. Baka mabasag ko ang TV.

Why life is so unfair? Diba pwedeng pag mahal mo, mahal ka rin? Para wala ng mga manhid at umaasa sa mundo. Para wala ng nasasaktan at nagmumukhang tanga!

Napairap na lamang ako. Tumayo ako at tumungo ng kusina para uminom ng tubig.

Biyernes ngayon at kailangan ko ng mag-ayos dahil doon ako kina mommy at daddy ngayon.

Naligo ako. Nag-ayos ng sarili at nag open muna ako saglit sa Facebook, puro quotes at mga pictures lamang ang laman ng newsfeed ko.

Nabigla ako sa dami ng notification at nag-add sakin, inaccept ko isa isa ang mga kilala ko.

Mag lolog out na sana ako ng biglang nag notify sakin ang post ni Sabell kaya binuksan ko iyon at nagsisi ako ng ginawa ko iyon.

Picture nilang dalawa ni Harley. Nakaakbay si Harley kay Sabell at si Sabell ay nakatingin kay Harley. Parang kinurot ang puso ko, ayokong makaramdam ng ganitong feeling towards Sabell, but I can't help it!

Nakita kong nakatag ang photo kay Harley, so I click his facebook account. Ang dp niya ay siya lang, mag-isa lang siya at parang nasa bar siya.

Nag scroll ako sa sandali sa Facebook niya at puro mga nakatag lang sa kanya ang laman ng timeline niya. Diba siya nag-oopen ng facebook?

Agad akong nag log out ng marealize kong mukha na akong stalker! My god!

Lumabas na ako at sumakay ng elevator pababang parking. Pagkarating ko agad na hinanap ko ang kotse ko at sumakay. Agad itong pinaharurot.

Naisip kong dumaan muna sa Red ribbon at bumili ng cake. Dumaan na rin akong Mcdo para sa pasalubong ko kay Danzel.

Pagkatapos, pinaandar ko na ang kotse papuntang Makati. Medyo traffic na naman pero naaaliw ako sa mga ilaw dito sa Makati kaya di ako masyado na-bored.

After ng ilang minuto nakarating na rin ako sa bahay, pumasok ako sa loob bitbit ang cake at ang kay Danzel. Nakasalubong ko ang ilang maid at binati naman nila ako so binati ko rin sila ng good evening.

Tumungo akong kusina. Nakita ko roon si nanay Milet na nakatalikod at busy sa pag prepare ng dinner.

"Good evening nay!" pasigaw kong sabi.

"Ay kalabaw!" lumingon siya agad sakin at natawa naman ako sa reaction niya.

"Jusmiyo kang bata ka, aatakihin pa ko sayo!" nakahawak ito sa dibdib at pipikit pikit.

Niyakap ko naman agad siya "Sorry na po, I miss you nay."

Naramdaman kong niyakap niya rin ako "Akala ko di ka muna uuwi ngayon. Bakit gabi ka na rin pala nakauwi?"

His Dirty Little Secret (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon