CHAPTER 2

292 6 0
                                    

“BA GRADUATE ka naman pala. maganda ang grades mo pero hindi ka nakapagpraktis. Instead, you became a band member. Why?” tanong ni Bree kay Luis. ayaw man niyang kausapin ito ay wala siyang magagawa. niyang nangako siya kay Mr. Rivera na tutulungan niya ito sa anak. Kailangan niyang tiisin ang lalaking ito.

Matalim na tinitigan siya nito. she looked at him straight in the eye. Akala ba nito matatakot siya sa mga matatalas na tingin nito sa kanya? nang mapagtanto nitong hindi ito mananalo sa pagsusukatn nila ng tingin ay nagsalita ito. “mahirap ang buhay sa amerika. Bumababa ang economy doon kaya lumiliit ang bilang ng mga job offers. Isa pa hilig kong tumutog.”

“kung iyon naman pala ang gusto mo, ba’t nag-Business Administration ka pa?”

Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito. “my mom wants me too.” Mapagmahal ka naman pala sa’yong ina. May good side ka rin naman pala.

Alam niyang medyo personal na ang sususnod niiyang tanong but she’s really curious. “noong gumadruate ka, ba’t di ka na lang agad dito nagtrabaho?”

Sinimangutan siya nito. “kailangan ba talagang sagutin ko iyan?”

“gusto mo bang isumbong kita sa papa mo?”

“no, of course not!” she flashed her triumphant smile at him. He rolled his eyes on her. takot ka pala sa dad mo. Gotcha! “i just don’t want to  be with my dad.”

 “why?”

Tumigas ang anyo nito. “i just hate him. He was not a good father to me. Kaya nga ako nagbanda, dahil alam kong ikakainis niya iyon.” punong-puno ng galit na saad nito.

Biglang sumakit ang ulo niya sa narinig. She could not believe a good man like Mr. Rivera has a stupid and ungrateful son. Life is really ironic. “ba’t ganyan mag-isip ang mga anak-mayayaman? Your parents are giving you more than what you need, nagrereklamo pa kayo. Mas focused kayo sa pagrerebelde kaysa sa pag-appreciate sa lahat ng sakripisyo ng mga magulang niyo.” Naiinis talaga siya sa mga tulad nito. hindi nila alam kung gaano sila kaswerteng magkaroon ng mga magulang. Palibhasa, hindi nila naranasang lumaki ng mag-isa.

“nasasabi mo lang iyan dahil hindi ikaw ako.” May hinanakit na saad nito.

“talaga. dahil kung ako ang nasa pwesto mo, i’ll never let myself be a spoilbrat.”

Kunwari’y nilinis nito ang tenga. “tapos ka na bang mangaral?”

Gusto na niya itong sapakin. Matigas talaga ang ulo ng isang ‘to.

“oo. Here.” She pushed towards him all the papers in her table. “bilang panimula ng training mo, photocopy all of these.”

Nanlaki ang mga mata nito sa narinig. Lihim siyang natuwa. “what?” nakikita niya sa mukha nito na gusto na nitong umatras. Sino ba naman ang hindi makakapag-isip noon, halos mapuno na ang mesa niya sa dami ng mga papel na iyon.

“nasa ground floor ang photocopier. Ito ang manual ng machine. Basahin mo para malaman mo kung paano i-operate.”

Mahinang umiling ito na parang hindi makapaniwala sa narinig. “pero-.”

“pagkatapos mo diyan, bumalik ka agad dito. May second at third batch pa kasi yan. Lahat ireproduce mo ng fifteen copies each.” Muntik na siyang humagalpak ng tawa nang makitang lukot na lukot na ang mukha nito.

“wala ka bang secretary para gawin to? Ire-remind ko lang na you’ll be training me to be a CEO.”

“hindi ko nakakalimutan iyon.” Bumalik siya sa kanyang upuan. “kung may problema ka sa pagte-train ko sa’yo, pwede mo naman sabihin sa daddy mo. You can use my telephone if you want.” He rolled his eyes on her. Tumalikod na ito sa kanya at nagsimula ng kunin ang isang folder ng papers.

You got my heart, spoiled brat!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon