“MA’AM Bree, pinapatawag po kayo ni Sir Rivera.” saad ni Kim, secretary ni Bree na present CFO o Chief Finance Officer ng Rivera Finance Corporation, one of the leading finance corporation in the country, nang pumasok ito sa kanyang opisina. ine-expect na ni Bree ang pagpapatawag sa kanya ng kanyang amo, ang CEO at president ng board ng Rivera Finance Incorporated, si Eugenio Rivera dahil last week pa nito sinabi sa kanyang gusto siya nitong kausapin tungkol sa kanyang trabaho.
At the age of twenty-eight ay isa na siya sa mga executive ng company. Her attitude towards work, her intelligence when it comes to business, and her incomparable discipline have been her edge against the more experienced people in the field of finance.
Isinara niya ang kanyang laptop at tumayo. “okay. Pakidala ng mga reports na pina-encode sa’yo last week.”
“alin po roon?”
“lahat.”
Napakamot ito. “pero hindi ko pa naayos iyon.” tinapunan niya ito ng maawtoridad na tingin. Mabilis itong tumango. “yes, ma’am.”
Napailing na lang siya. efficient si Kim bilang secretary niya pero medyo magulo ito sa workplace nito.
Tinungo na niya ang elevator at pinundot ang button noon. Hindi pa bumubukas ang elevator kaya nilingon niya si Kim na nasa gitna ng hallway habang inaayos ang mga papel na hawak nito.
Haharap na sana ulit siya sa elevator nang mahagip ng kanyang paningin ang isang lalaking may suot na white shirt na pinatungan ng black leather jacket. may eyeliner ang mga mata at medyo may kahabaan ang naka-gel nitong buhok. He look like a rock star.
Napangiwi siya. Sayang, may itsura ito. Patunay roon na kahit medyo masakit sa mata niya ang porma nito ay nilalapitan pa rin ito ng mga babaeng empleyada roon. Kahit siya ay napalingon rito dahil sa gwapo nitong mukha. Pero hindi niya type ang mga ganoong lalaki. ang gusto kasi niya sa lalaki ay malinis, disente, at may sense of responsibility. Hindi katulad ng lalaking ito na gwapo nga pero mukhang walang pakialam sa mundo.
She saw him walk across the hallway habang hawak nito ang cup of coffee sa kamay nito. dire-diretso ang lakad nito hanggang mabangga nito si Kim na nanatili lang na nakatayo at nagko-concentrate sa ginagawa. Nagliparan ang mga papel sa ere.
“naku!” dali-daling kinuha ni Kim ang mga nagkalat na mga papel. Ni hindi man lang tumulong ang lalaking bumangga rito.
“look what you’ve done!” biglang sigaw nito. itinuro nito ang puting shirt nito na may mantsa na ng kape. “alam mo ba na branded to? Kulang pa ang isang taong sweldo mo para mabayaran ito. apologize!” pagmamaktol nito. hindi niya mapigilang mapataas ang kilay. Kailangan ba talagang sabihin nito iyon? ito pa ang may ganang humingi ng apology, ito naman ang may kasalanan kung bakit sila nagkabunggo.
“p-pero, hindi ko naman po kayo b-binangga.” Natatakot na saad ni Kim.
“so you’re saying i’m a liar?”
“naku, hindi po.” Mukhang iiyak na si Kim. Hindi na niya matiis ang pang-aapi nito sa kanyang secretary.
Lumapit na siya sa mga ito. “it’s not her fault. She wasn’t even moving. You‘re the one who spilled it to yourself.” She said in a matter-of-factly tone.
Lumingon ito sa kanya. “dapat umalis na siya dahil daraan ako.”
“and why would she do that? Are you some royalty para tumabi siya para bigyang daan ka?”
Mukhang napikon ito sa sinabi niya. “do you know who am i?” mayabang na tanong nito.
Napabuga siya ng hangin. Pinipilit niyang maging kalmado pero this guy is making her angry because of his undeniable arrogance. Iyon pa naman ang isa sa pinakaayaw niya sa isang tao. “no. and i have no interest of knowing you.” Binuksan niya ang hawak niyang kape. Mahal iyon pero hindi siya manghihinayang sa gagawin niya roon. “at Para may saysay yang pagpuputok ng butsi mo.” She splashed the hot coffee not just on his shirt but on his face. “sorry.” sarkastikong saad niya. nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito. narinig rin niya ang malakas na pagsinghap ng mga tao sa paligid.
BINABASA MO ANG
You got my heart, spoiled brat!
RomanceAsar si Bree kay Luis dahil halos lahat ata ng ayaw niya sa lalaki ay pinakyaw nito: spoiled brat, arogante, mayabang at playboy. Kung hindi lang sa ama nito na amo niya ay hinding-hindi siya magtitiis na i-train ito sa trabaho. kapag may pagkakatao...