NAPAHAWAK si Bree sa kanyang sentido. Kanina pa iyon sumasakit dahil sa hang-over. Naparami ata ang inom niya kagabi. Kasalanan itong lahat ni Luis. kasama niyang naglasing kagabi si Candy. Maasahan talaga iyon kapag may problema siya. Binuhos niya rito ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman niya. naalala pa niya ang mga pagda-drama niya kagabi.
“akala ko totoo ang nararamdaman niya. nag-ingat ako, candy. Pinilit kong pigilan ang puso ko, pero hindi ko na nakontrol ito. and here i thought, magiging Masaya na ako dahil sa wakas, mararanas ko ng mahalin at magmahal. Pero...” hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil napahikbi na siya ng tuluyan. Walang salitang niyakap siya ni Candy.
Hindi naman sasakit ang ulo niya kung hindi nakalimutan niyang inumin ang gamot sa hang-over na nirecommend nito dahil sa pagmamadaling makapasok sa opisina. late na kasi siyang nagising.
“okay ka lang ba?” ani si sir Eugenio.
“opo.” Mabilis niyang ikinompose ang sarili at pilit na dineadma ang sakit ng ulo.
At mabigat na puso.
naitago man ng concealer niya ang pamamaga ng mga mata niya sa ‘cry-athon’ na ginawa niya kagabi ay hindi niya maitatago ang pananamlay ng mga mata niya.
Pilit niyang itinuon ang atensyon sa kanyang boss. “ mamayang hapon ay may emergency meeting ang board. Mukhang si Villanueva ang may kagagawan. Kailangan nating maghanda. Prepare all the necessary papers para sa pilian ng bagong CEO.” Tumango siya. nilingon nito si Ben. “si luis? Wala pa ba siya rito.” hindi niya mapigilang mapasinghap. Parang tinusok ang puso niya sa pagkarinig ng pangalan ni Luis.
“wala pa po sir.” Anito.
Hindi na talaga siya pupunta rito. iiwan na niya tayo, sir. Iiwan na niya ako pagkatapos niya akong paibigin. “hindi na iyon pupunta rito.” mapait na saad niya.
“bakit mo nasabi iyan?” ani sir Eugenio.
She bit her lower lip to stop herself from sobbing again. Hindi pa pala nauubos ang mga luha niya kagabi. “kasi-.” Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Luis.
“I’m here.” Nakangiting saad nito. paano niya kami nahaharap ng nakangiti gayong ta-traydorin niya kami?
“you’re late.” Seryosong saad ni Sir Eugenio. Pero hindi nito napigilang mapangiti.
“i’m sorry, dad. Late na kasi akong natulog.” Naupo na ito sa tabi nila.
Biglang nabura ang ngiti sa mukha nito. “nagbabanda ka pa rin ba?”
“dad...” lumingon sa kanya si Luis na parang humihingi ng tulong. Agad na iniiwas niya ang tingin rito. hindi siya masokista para titigan pa ito sa mata habang parang tinutusok-tusok ang puso niya.
“i don’t think makakatulong sa atin kung mag-aaway po kayo. We have to get moving.” aniya sa maawtoridad na boses.
Tumikhim si sir Eugenio. “of course.” Nagsimula na silang magpalitan ng mga strategies na gagawin para sa nalalapit na board meeting. Habang busy ang iba sa pag-uusap ay lumapit si Luis sa kanya at ngumiti. gusto niyang kumaripas ng takbo pero nasa gitna sila ng meeting. Baka isipin ng iba na napaka-unethical niya.
“good morning, bree.” Pa-kyut na saad nito. pero nanatili lang siyang walang imik na parang walang naririnig. I should act tough. Hindi ko ipapakita sa’yo na mahina ako. Nawala ang ngiti nito. “galit ka ba?”
“ano ngayon sa’yo?” pagtataray niya rito.
Hinawakan nito ang kamay niya pero mabilis na binawi niya iyon. “kung anuman ang problema, pag-usapan natin.” anito. Hindi mo na ako mapapaniwala Luis. wala ng effect sa akin ang lahat ng pagpapaawa, pagpapakyut at pagpapasweet mo.
BINABASA MO ANG
You got my heart, spoiled brat!
RomanceAsar si Bree kay Luis dahil halos lahat ata ng ayaw niya sa lalaki ay pinakyaw nito: spoiled brat, arogante, mayabang at playboy. Kung hindi lang sa ama nito na amo niya ay hinding-hindi siya magtitiis na i-train ito sa trabaho. kapag may pagkakatao...