CHAPTER 8

231 2 0
                                    

“GOOD morning, ma’am.” mula sa mga papeles ay natuon ang atensyon ni Bree sa kanyang secretary. May kakaiba sa pagbati nito sa kanya. parang sobrang saya nito. at ang ngiti nito ay abot tenga na ata. Nagtatakang nilingon niya ang bouquet ng rosas na inilapag nito sa mesa niya. wala naman siyang naalalang nagpadeliver siya ng mga iyon. aanhin rin naman kasi niya ang mga bulaklak? Hindi siya mahilig sa mga ganyan.

“delivery po para sa inyo. may kasama po yang chocolates at coffee.” Nakangiting saad nito sabay na lapag sa isang kahong chocolates at isang cup ng coffee. Nakakunot-noong nilingon niya ito. pero hindi ito naapektuhan. Ang weird pa eh parang kinikilig ito.

“salamat.” muling itinuon niya ang atensyon sa trabaho.

“aayusin ko na po ba ang flowers?” untag nito.

“ako na.” Napipilitan saad niya. napatingin siya sa mga bulaklak. Magaganda ang mga iyon. kanino kaya iyon galing? Mamaya na lang siguro niya aalamin. May card naman sigurong kasama iyon. pero may inkling na siya kung sino ang sender niyon.

Hindi niya napaigilang mapangiti. pero naputol iyon ng maramdamang nakatitig pa rin sa kanya si Kim. Baka isipin nitong nababaliw na siya sa pagngiti ng mag-isa. “Bumalik ka na sa table mo.” Tumango ito at tinungo ang pinto pero bago ito makaalis ay lumingon ito sa kanya.

“ma’am, congrats.”

“ha?”

“kasi, may lovelife ka na talaga!” Kinikilig na saad nito saka lumabas. Napailing na lang siya. pero bigla siyang natigilan ng may matanto. Alam na ba nito ang nangyari sa kanila kagabi ni Luis? muntik pa siyang mapasigaw ng marinig ang pagring ng phone.

“may tawag po galing sa marketing department, i-coconnect ko po ba kayo?”

she rolled her eyes kahit hindi naman nakikita ni kim. Obvious kasi sa boses nito na kinikilig pa rin ito. alam na ata talaga niya.

“sige.”

“hello, bree?” napahawak agad siya sa kanyang dibdib. Parang lalabas na kasi mula roon ang puso niya sa sobrang pagwawala nang marinig ang boses ni Luis.

“ikaw pala. napatawag ka?” pilit niyang itinago ang kilig sa boses niya.

“nagustuhan mo ba?”

Nilingon niya ang mga bulaklak sa mesa. She touched its soft petals. ito nga ang nagpadala niyon. lalo tuloy siyang kinikilig. “oo naman. salamat. nag-abala ka pa.”

“hindi iyan abala. I’m just expressing my love for you.”

Gusto na niyang magtititili sa kilig but she bit her lower lip to control herself. “hey Mr. Bolero, you’re burning the lines just for this?”

“well...”

“that’s sweet. Thank you.” tumikhim siya. “pero dapat na tayong magtrabaho. Sige na.” Seryosong saad niya.

“pumunta ka nga pala rito sa office. May dapat ka aksing makita.”

“sige.”

Kahit masakit na ang kanyang pisngi sa kakangiti, hindi niya talaga mapigilan ang sarili. kinikilig talaga siya. ibinaba na niya ang telepono.

Nang magtungo siya sa marketing department office ay nakita niya ang isang lalaking mukhang may hinahanap. Nang makita siya nito ay nagsisisigaw ito. “nandito na si ma’am!” nang tuluyan na niyang nakita ang kabuuan ng opisina ay natigilan siya. the office was full of red heart ballons na puro may nakasulat na ‘i love you, bree.’ Nakapula rin ang mga tao roon at lahat nakatayo at nakatitig lang sa kanya.

You got my heart, spoiled brat!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon