“ANONG uunahin nating bilhin? Yung tux ni sir Luis o yung damit niyo ma’am?” excited na tanong ni Kim kay Bree nang makarating sila sa kilalang mall.
Agad na nahagip ng tingin ni Bree ang isang men’s store. “siguro, tux na lang ang unahin natin. sigurado akong matatagalan tayo roon.”
“sigurado ka?” nagdududang tanong ni Kim.
“oo. Hindi mahilig sa tux si Mr. Rivera kaya sigurado akong grabeng debate ang gagawin natin para lang mapasuot natin siya.”
“para namang hindi rin tayo magde-debate kapag ikaw ang pinipilian ng damit.”
“may sinasabi ka?” mataray na tanong niya rito. agad namang umiling ito.
“wala.”
Muli niyang nilingon si Luis. nasa tabi na pala niya ito. “kailangan ba talagang tux ang isuot ko roon? Diba sabi ko na dati sa’yo na ayokong baguhin ang style ng pananamit ko.”
“hindi naman natin babaguhin eh. You just have to wear a tux for the party. Pagkatapos ng event na iyon, you can go back to your old style.”
“pero, hindi ako komportable.”
Biglang sumingit sa pagitan nila si Kim. “excuse me lang sir, pero kasi ang dadaluhan nating party ay may dress code. Formal po iyon kaya kailangan nating sundin iyon kung gusto talaga nating um-attend.”
“okay.” Nakakunot pa rin ang mukha nito. “pero, hindi ko alam kung alin sa mga ito ang pipiliin ko?” itinuro nito ang mga tux sa harap nila.
She patted his back encourangingly. “kaya natin isinama si Kim. Isa rin kasi siyang fashion expert so, matutulungan niya tayo.”
“looks like wala akong ligtas.” Huminga ito ng malalim. “ikaw na ang bahala sa akin, kim.”
Pumalakpak si Kim. “great! Dali na. simulan na natin ang operation make-over.”
Habang namimili ang dalawa ay naupo muna siya sa waiting area at nagbasa ng diyaryo. Boring para sa kanya ang magshopping. Hindi niya kailanman kinahiligan iyon.
“ma’am! Anong tingin niyo? Bagay ba?” mula sa diyaryo ay nalipat ang tingin niya kay sa itinuro ni Kim. Natulala siya sa nakita. Muntik na siyang mapanganga kung hindi lang niya napigilan ang sarili. she blinked twice bago muling tumingin sa gawing iyon pero naroon pa rin siya. Luis looked different in the black tux. He looked handsome.
No, gorgeous.
No, he looked like a prince charming.
Nasapo niya ang dibdib, ba’t nagwawala ang puso niya? and she could feel butterflies in her stomach. Pakiramdam tuloy niya ay bumalik siya sa pagiging teenager na nakita sa malapitan ang crush niya.
“o-okay lang.” Aniya saka muling hinarap ang diyaryo. Itinaas niya iyon ng bahagya baka kasi mahalata ng mga ito ang pamumula ng mukha niya.
“okay lang?” narinig niyang saad ni kim. Of course not! Super okay sa alright kaya ang itsura ng lalaking iyan. “kunin na natin to sir.”
Naramdaman niyang may nakatingin sa kanya. muntik na siyang mapatakbo ng makitang nasa harap niya si Luis. mukhang uneasy ito sa suot nito. “okay lang ba talaga? baka hindi bagay sa akin. sabihin mo na kasi ang totoo. Hindi namna ako magagalit.”
“bagay sa’yo.” Pilit niyang kinakalma ang boses kahit parang gusto na niyang magtititili sa harap nito. ba’t ba napagwapo nito ngayon? lalo tuloy nagwawala ang puso niya. at nararamdaman niyang pinagpapawisan na siya.
bigla atang uminit rito.
tinawag niya si Kim. “damihan mo ang bibilhing tux. Para hindi na tayo mahirapan sa susunod na a-attend tayo ng party.”

BINABASA MO ANG
You got my heart, spoiled brat!
Storie d'amoreAsar si Bree kay Luis dahil halos lahat ata ng ayaw niya sa lalaki ay pinakyaw nito: spoiled brat, arogante, mayabang at playboy. Kung hindi lang sa ama nito na amo niya ay hinding-hindi siya magtitiis na i-train ito sa trabaho. kapag may pagkakatao...