CHAPTER 5

242 4 0
                                    

“P-PRESIDENT, good morning.” Ani Bree sabay pasimpleng pinunasan ang pawis sa kanyang noo. Kinakabahan siya dahil baka mahalata nito kung saan nakatago si Luis.

“good morning, bree.” Inilibot nito ang paningin sa opisina niya. “Nasaan si Luis?”

“S-si Mr. R-Rivera?” she really is not good at this. Hindi kasi siya mahilig magsinungaling at lalong hindi siya mahilig magcover-up para sa ibang tao. Pakiramdam niya ay lumalapot na ang pawis sa kanyang noo.

Napalunok siya. she felt her throat dry and her knees shake.

“okay ka lang, bree?” nag-aalalang tanong ni Mr. Rivera. Mabilis na ikinompose niya ang sarili. hindi dapat nito mahalata ang itinatago niya.

“opo. Medyo nahihilo lang ako kasi hindi ako nag-almusal.”

“masyado mo atang pinapahirapan ang sarili mo. Ano ang silbi mo sa company ko kung lantang gulay ka na?” tumalikod na ito at tinungo ang pinto. “babalik na lang ako mamaya, kumain ka na lang muna.”

Nakahinga siya ng maluwag. Ngumiti siya rito. “opo, Sir.”

He smiled at her. “salamat, Bree. Malaking bagay itong ginagawa mo kay Luis.”

“walang anuman po yon, Sir.” Inihatid niya ito hanggang sa pinto. Nang tuluyan na itong makalabas ay agad niyang nilapitan si Luis na mahimbing pa ring natutulog sa ilalim ng mga throw pillows ng couch niya. mula sa table nito ay mabilis niyang inilipat ito sa malapit na couch at itinago ito sa mga couch. iba ang nagagawa ng adrenalin kapag may emergency. mabuti na lang at hindi ito maingay matulog kung hindi nabisto na ito.  “Mr. Rivera! Gumising ka na nga diyan!” pinagpapalo na niya ito ng throw pillow para maggising. Hindi siya nabigo. Naalimpungatan ito.

“ano ba?!” tumayo ito at nagtatakang tumingin sa kinahigaang couch. “nakatulog ako?”

“hindi! Dilat na dilat ka.” Pambabara niya rito. “dumating ang papa mo.”

“what?! Ba’t di mo ako ginising?” natatarantang saad nito.

“kanina pa kita ginigising tulog-mantika ka. Buti na lang nakaisip ako ng paraan.”

“Ba’t ba ako natatabunan ng unan? Balak mo ba akong patayin?” nang-aakusa ang mga tinging ibinigay nito sa kanya.

She rolled her eyes. Ito pa ang may ganang mambintang gayong pinagtakpan na nga niya ito. bakit nga ba kasi niya ito iniligtas? “kung yun nga ang balak ko, hindi ka sana nakatago sa ilalim ng mga unan. Kung gusto kitang mamatay, dapat hinayaan kitang makita ng papa mong natutulog.”

Tumango-tango ito. “okay rin yon. At least, mare-realize niyang hindi ko talaga ito gusto.”

Hindi makapaniwalang nilingon niya ito. tama ba ang rinig niya? hindi nito talaga gusto ang ginagawa nito? and here i thought, he was starting to like doing business here. “you’re stupid.” Gusto niyang batukan ang sarili. dapat hindi na niya ito pinagtakpan. Nakalimutan niyang napipilitan nga lang pala itong pumasok roon.

“i’m just being myself.”

“kinamumuhian mo ba talaga ang papa mo?”

Nakita niya ang paninigas ng mukha nito. “oo. Sobra-sobra.”

Hindi siya makapaniwala sa naririnig. This man hate his father who everyone knows as a good person. Napaka-ungrateful talaga nito. Ba’t hindi na lang ito magpasalamat na kilala nito ang ama? Na inaalala ito ng kanyang ama?

“you...”

hindi niya alam kung paano ito papapaliwanagan. Mali ang nararamdaman nitong poot sa ama. Kahit na anong naging pangyayari sa pagitan nito at ng ama nito ay hindi ito dapat mamuhi sa ama. Kahit kasi anong gawin nito, ama pa rin nito si Sir Eugenio.

You got my heart, spoiled brat!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon