CHAPTER 7

199 6 0
                                    

“THAT ends our proposal. Any questions?” Ani Luis nang matapos niyang ipresent ang pinaghirapan nilang proposal ng kanyang team. Hindi niya mapigilang mapangiti habang nakikita ang approving looks ng mga nasa harap niya. lalo na ang ngiti ni Bree. Kahit matipid lang iyon ay nararamdaman niyang nagustuhan nito ang presentasyon nila.

Itinaas ng isang babae ang kamay nito. “single ka pa ba?” tanong nito. nang seryosong mapatingin rito si Bree bigla itong natakot.

 Hindi niya alam kung anong nangyayari rito pero mukhang bumabalik na naman ito sa dati- si Bree na mataray, strikto at parang galit lagi sa kanya. kahit anong isip ang gawin niya hindi niya maalala kung may nagawa siyang masama rito. nararamdaman niyang dumidistansya na ito sa kanya at natatakot siya baka tuluyan na itong lumayo sa kanya. hindi ata niya kakayanin. Mukhang tinamaan na talaga siya rito. ito nga ang nagsilbing inspirasyon niya para mas lalong pagbutihin ang trabaho.

Ngumisi ang babae sa kanya. “joke! I mean, paano mo masasabing effective nga ang proposal na ito para mapalago ang business? Kung bababaan natin ang interest, baka malugi tayo?”

“sabi mo ang target ng proposal nito ay mga small and medium enterprises at farmers? ba’t mo naisip na sila ang maging target natin? we can earn big bucks sa mga larger enterpirises. Why waste our energy on lesser eneterprises?”

“sa pagkakaalam ko ang mission ng company ay to provide financial aid to enterprises. Hindi itinayo ng dad at mga kasosyo niya ang company para sa pansariling interest. Alam ni dad ang paghihirap ng mga taong nagsusumikap na makapagtayo ng sariling negosyo because before he became a CEO he was once a small enterpriser. I think it’s high time that we help out those who need the capital the most.” Nakita niyang napangiti si Bree. This time it is much wider amd happier smile. Nakaramdam siya ng init sa puso sa nakita.

“maganda ang proposal. Congratulations, marketing team.” Masayang saad nito.

Nagkatinginan sila ng mga kasama niya. they all share the same wide grin on their faces. “salamat po.”

“i-aakyat natin ito sa board. Kapag nakakuha ito ng more then one-half of the votes, ma-iimplement na ito.”

Nagyakapan silang team members. Ang iba pa nga sa kanila ay naiyak pa.

nang matapos ang pagbati sa isa’t isa ay nilapitan niya si Bree. He owes her so much.

“congratulations.” Anito nang makalapit siya rito.

“thank you.” aniya.

Nakita niyang napayuko ito at panay ang galaw ng mga kamay nito. kapag ganoon ay alam niya may gusto itong sabihin pero nahihirapan itong ilabas iyon. alam na niya ang ugaling iyon nito dahil lagi niya itong inobserbahan. Ito lang kasi ang lagi niyang nakikita.

Nakita niyang inabot nito ang isang baso ng coffee. Inabot nito iyon sa kanya. “para sa’yo. Peace offering ko kasi medyo nagsungit ako kahapon.” Anito habang titig na titig sa kanya. napalunok siya. kapag ganoon kasi ito makatitig sa kanya, lalo itong gumaganda. Parang gusto niya itong yakapin at halikan.

Nginitian niya ito. “wala yon. gusto mong maglunch tayo?”

“bakit?” gulat na tanong nito.

He shrugged his shoulder. “kasi okay yung ginawa namin kanina.”

“dapat ang team mo ang i-treat mo for their hardwork.”

 “nakapagpareserve na ako ng resto para sa kanila. ininvite ko rin ang mga staff mo. Siguradong mag-eenjoy sila.”

Tinulikuran siya nito at inayos ang mga gamit nito. “sumama ka sa kanila. Madidisappoint ang mga iyon kung wala ka.”

“gusto kong ikaw ang kasama kong magdinner.” Nakita niyang napahinto ito. of course, he mean it. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkakasamang kumain. He misses her company. I miss you.

You got my heart, spoiled brat!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon