CHAPTER 3

311 6 0
                                    

 “ANO ‘TO?” kanina pa naiinis si Bree kay Luis. Puro ito reklamo at muntik na siyang isahan nito kanina. wala naman itong ginagawang tama. Tulad na lang ng hawak niyang photocopies ngayon na ito ang may gawa.

Sandali lang na iniangat nito ang tingin sa kanya. muli itong humarap sa laptop nito. “hindi ba obvious? papel.”

Napabuga siya ng hangin sa pamimilosopo nito. tumayo siya at lumapit rito. “alam ko. What i mean is bakit ganito ang kinalabasan ng mga pinareproduce ko sa’yo? Kahit bulag aayawang basahin ito dahil siguradong sasakit ang ulo nila.”

“pareha lang naman yan eh. Photocopy.”

“pareha?” sagad na ang pasensya niya sa lalaking ito. ang hirap paintindihin. Paano ba niya natiis na makasama ito sa loob ng halos dalawang araw? Hindi lang ito mayabang, spoilbrat, at playboy. Isa rin itong inefficient, unreliable at indolent person. Ito ba ang gustong ni Mr. Rivera na maging CEO ng company? siguradong babagsak ang company. “i can’t believe this. Kung ganitong simple clerical work lang hindi magawa ng tama at malinis, paano mo magagawa ang pamamahala sa company ng may transparency at organization?”

Humalukipkip ito. “turuan mo na kasi ako ng mga dapat kong matutuhan. That way magagawa ko ng maayos ang pamamahala. Hindi itong mga walang kwenta ang pinapagawa mo. You’re wasting both of our time.”

Suko na siya. wala na itong pag-asa. “ngayon alam ko na kung bakit kinailangan pa ng ama mo na ipa-train ka sa akin bago ibigay sa’yo ang company. Wala siyang tiwala sa’yo. Hindi ka ba nahihiya? You graduated with BSBA and yet i can’t see any single hint of you being a smart businessman. with this kind of attitude, you have no right to become the next president of the company. You will just bring this company to downfall.” Tinungo niya ang pinto at binuksan iyon. “umalis ka na.”

Tumayo ito at nagtatakang tumingin sa kanya. “what do you mean?”

“gusto ko man tulungan ka Mr. Rivera, you’re not helping yourself. I’m giving up on you.”

Ngumiti ito. “good. Dahil ayoko naman talaga rito. ayokong maging president at ayokong makasama ka. I’m so over you making fun of me.” Anito saka lumabas ng opisina.

Naiwan siyang napabuntong-hininga. She failed. Hindi niya natupad ang pangako kay Mr. Rivera.

KAHIT sumasakit ang ulo ni Bree sa mga ilaw na iba-iba ang kulay at sa nakakabasag-tengang music ay tiniis niyang manatili sa loob ng Rocker’s club para uminom. Gusto niyang magpakalasing kahit hindi naman talaga siya umiinom.

 Anong gagawin niya kay Mr. Rivera at sa anak nitong magaling? pinalayas na nga niiya ang batang Rivera dahil hindi niya ito matiis. Pero hindi rin naman niya matiis ang matandang Rivera. Hiniling nito na hindi niya sukuan ang anak nito. at wala siyang choice kung hindi ang sundin ito.

 hindi pa niya nauubos ang unang baso niya ng gin ay masakit na ang ulo niya sa kunsimisyon. “himala! Nandito ka, Bree. Puti na ba ang uwak?” tanong ng isang babae na tumabi sa kanya. nang lingunin niya ito ay nakita niya si Candy, kababata at bestfriend niya. isa itong fashion designer at event organizer kaya lagi itong nagbababad sa mga parties at sanay sa mga ingay na tulad ng ingay na hatid ng music ng bandang nasa stage ngayon.

“tumigil ka, Candy.” She tried to take a sip of her drink but hindi niya kaya. “ang pangit naman ng lasa nito. paano mo nakakayang inumin ito gayong parang nasusunog ang lalamunan ko.”

“sanayan lang yan.” Tinawag nito ang bartender at umorder ng mango juice para sa kanya. “may problema ka ba?”

Napabuga siya ng hangin. “trabaho ko kasi.”

“ano namang problema sa trabaho mo? Diba wala ka namang pinagpapabukas na problema roon? Lahat hinaharap mo. Lahat ng challenge ginagrab mo and you destroy it down in the face.”

You got my heart, spoiled brat!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon