“SIR LUIS na pala ako ngayon.” sarkastikong saad ni Luis nang makalabas na sila ng restaurant kung saan naging kameeting nila si Mark Arevallo ng Sun Clothing. Masaya siya na isinama siya ni Bree roon. Ibig sabihin, mahihinto na ang pagiging alalay niya rito. Magpi-pirmahan na lang para ma-formalize ang kasunduan. In fairness kay bree, hinayaan siya nitong makisalo sa pakikipag negosasyon kay Sir Mark. That experience wasn’t bad. Na-enjoy nga niya ang ginawa kanina. Mukhang hindi naman pala boring ang magtrabaho sa company ng dad niya. pero nagulat siya nang ipakilala siya nito bilang ‘Sir Luis’. ano kaya ang pumasok sa isip nito? napangiti siya ng maalala ang itsura nito kanina. She seemed to be enjoying what she was doing. Nakangiti pa ito lagi. Naisip tuloy niya na napakaganda naman pala nito kapag hindi nagsu-sungit.
Lumingon si Bree sa kanya. “kanina lang yon. Ngayon, balik ka na sa pagiging Mr. Rivera. Hangga’t hindi ka pa officially assigned CEO, ako pa rin ang superior mo.” Itinapon nito ang susi sa kanya. “catch!”
“ako pagda-drive-in mo?”
“why not? Pagod ako.”
“pagod rin ako.” Akala nito ay magpapatalo siya rito. no way!
“you’re under my mercy remember?” winagayway pa nito ang cellphone nito.
“i forgot.” Sarkastikong sagot niya. sambakol ang mukhang binuksan niya ang pinto nito.
“kailan ka ba matututo?” tanong nito nang magsimula na silang magbiyahe.
“hindi mo pa naman ako tinuturuan. Paano ako matutuo?”
“sa business, kailangan rin nating makinig at sumunod sa mas nakakataas sa atin. Paano ka magiging successful kung hindi mo kilala ang salitang obedience?”
“CEO ang pwestong pupunan ko. Leader. President. I don’t need to follow anyone.”
“but how can you be a good leader if you haven’t tried to become a follower? Kailangan alam mo ang pakiramdam ng sumusunod, para kung ikaw na ang dapat sundin alam mo na kung paano ire-relay ang utos sa subordinates mo na siguradong susunod sila sa’yo.”
“kahit na i-blackmail mo sila?”
Sandali itong natigilan. “oo. Kahit i-blackmail mo sila. Basta ba para sa ikabubuti din nila iyon.”
“hindi ko pa rin makita ang kabutihang dulot ng pamba-blackmail mo sa akin.”
“good results cannot be achieved overnight. It takes time.” Hindi na niya ito sinagot. Tama rin naman kasi ang sinabi nito.
NATIGILAN si Bree sa paglalakad nang tuluyan ng makapasok sa opisina. sa mesa nito, mapayapang natutulog si Luis. he looked harmless while sleeping. Gone are the lines that form in his forehead whenever he frowns at her. magkahiwalay na rin ang mga kilay nito. siguro napagod ito ng husto sa pag-ju-juggle ng oras nito sa pagbabanda, trabaho at sa pag-aalaga sa papa nito.
pinagmasdan niya ang mukha nito. gwapo talaga ito. matangos ang ilong nito. makinis ang mukha nito. mahahaba rin ang pilikmata nito. at ang mga mata nito, kung wala lang iyong eyeliner, kakainggitan niya iyon. at ang labi nito...
napalunok siya habang pinagmamasdan iyon. his lips are red and they seemed to be calling her, telling her to taste them.
Muntik na siyang mapamura sa gulat nang magring ang telepono. Saka lang niya napansing napakalapit na ng mukha niya rito.
what was she planning to do?
she she found herself biting her lower lip. What was i thinking? Mabilis na umatras siya ng gumalaw ito. baka magising ito sa ingay ng telepono. Mabilis na tinungo niya ang phone at sinagot iyon. “Mendez.”
“Ma’am, si ben po ito. pinapasabi po ni sir na papunta na raw siya sa office mo. He’ll check on Sir Luis.”
“o-okay.” Mabilis na binaba niya ang phone. Nilingon niya si Luis. mahimbing pa rin itong natutulog. “Hoy. Gising na.” Marahang niyugyug niya ito.
“mmm.” Hindi ito gumising.
“Mr. Rivera, gumising ka na.” Nanatili itong natutulog. “darating na ang papa mo. He’ll check on you.” mas nilakasan niya ang pagyugyug rito. “hoy! isusumbong kita sa papa mo pag hindi ka tumayo diyan.” Pananakot niya pero tulog-mantika ito. ganoon ito kapuyat?
Nagring ang phone. Anong gagawin niya? siguradong si kim na iyan. Sinagot niya iyon. “Ma’am, nandito po si President. Papapasukin ko na po siya.” narinig niyang saad ni kim.
“okay.” Aniya. Omg! Anong gagawin ko? Ba’t ba kasi ayaw magising ng lalaking ito?
Niyugyug niya ulit ito. “Mr. Rivera!” pero hindi talaga ito magising. Sinapo niya ang kanyang ulo sa desperasyon. Okay lang sa kanya na pumasok si President at makita ang pagtulog ng anak nito. hindi siya ang mapapagalitan. sigurado siyang mapapagalitan ito. she felt a sudden urge to protect him.
“anong gagawin ko?”
BINABASA MO ANG
You got my heart, spoiled brat!
RomansaAsar si Bree kay Luis dahil halos lahat ata ng ayaw niya sa lalaki ay pinakyaw nito: spoiled brat, arogante, mayabang at playboy. Kung hindi lang sa ama nito na amo niya ay hinding-hindi siya magtitiis na i-train ito sa trabaho. kapag may pagkakatao...